NANG makarating si Olivia sa apartment na inuukupa nila ng kapatid ay nagpahinga siya saglit. Galing kasi siya sa trabaho sa kapitilyo. At nang makapagpahinga siya ay naghanda naman na siya para umalis ulit para sa susunod na trabaho niya. Ang pagsasayaw sa The Gentleman's Club. Schedule kasi ni Olivia ngayong gabi sa The Gentleman's Club. At kahit na pagod siya sa trabaho ay hindi niya iyon pwedeng ipagliban dahil na-a-announce na sa mga customer ng TGC na may performance siya doon. At hindi na iyon pwede ipagliban pa. Naligo naman na si Olivia at nang matapos ay nagbihis siya. Simple lang naman ang isinuot niya dahil papalitan din niya iyon kapag nasa TGC na siya. Kailangan kasi niyang magsuot ng sexy na outfit. Iyon kasi ang required na isuot niya kapag nagsasayaw siya ng pole danci

