Chapter 32

2133 Words

PAGLABAS ni Olivia sa kwarto ay nadatnan niya si Oliver na naghihintay na sa kanya sa sala. Linggo ngayong araw at wala siyang pasok sa kapitolyo. Ang kapatid naman niya ay may pasok sa part time job nito pero mamaya pa iyon. At gaya ng madalas nilang gawin ni Oliver kapag linggo ay sabay silang nagsisimba para magpasalamat din sa panginoon dahil isang linggo na naman ang lumipas ay hindi sila nito binigyan ng sakit. "Oliver." Pagkuha naman niya ng atensiyon ng kapatid. Nilingon naman siya nito at nang magtama ang mga mata nila ay muli siyang nagsalita. "Halika na," yakag na niya dito para umalis. Tumayo naman si Oliver mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Humakbang na siya palabas ng apartment na agad namang sumunod ang kapatid sa kanya. Si Oliver na din ang nagsara ng pinto ng apartment

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD