PASULYAP-sulyap si Olivia sa suot na wristwatch. At hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga nang makitang malapit ng mag-lunch break. 20 minutes na lang ay alas dose na ng tanghali. Hindi pa din kasi pumapasok si Gov. Alexis. Sa totoo lang ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito sa kapitolyo. Hinihintay niya ito dahil may gusto siyang kompirmahin. Pero mukhang hindi niya iyon magagawa dahil wala ito. At mukhang hindi din ito papasok. Wala namang binanggit o hindi naman siya nakatanggap ng abiso na hindi ito papasok sa kapitolyo. Naisip naman niyang baka busy ito kaya wala pa din ito hanggang ngayon. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala na naman si Olivia nang malalim na buntong-hininga. Hindi din niya napigilan ang makaramdam ng pagkadismaya sa isiping hindi niya ma

