"ATE." Nag-angat ng tingin si Olivia ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Oliver. "Bakit?" tanong naman niya dito ng magtama ang mga mata nila. Humakbang naman ito palapit sa kinaroroonan niya. Pagkatapos niyon ay may inabot ito sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya do'n. At nakita niyang may inaabot ito na isang puting envelope. Saglit naman siyang tumitig doon bago niya kinuha ang inaabot nito. At hindi napigilan ni Olivia ang bahagyang mapakunot ng noo nang makita niya na pera ang laman ng envelope ng buksan niya. Inalis niya ang tingin doon at saka niya iyon inilipat kay Oliver. "Para saan ito?" tanong niya sa kapatid. "Share ko sa gastusin sa bahay, Ate," sagot nito. "Maliit lang iyan, Ate, sana makatulong sa mga gastusin natin," dagdag pa na wika nito. "Itago mo na

