Chapter 17

1886 Words

"YES, Aris?" wika ni Alexis sa secretary niya ng tawagin nito ang atensiyon niya ng pumasok ito sa opisina niya. Napansin naman niya ang paninitig nito sa kanya. Narinig din niya ang pagbuntong-hininga nito bago ito humakbang palapit sa kanya. May napansin nga siyang kakaibang emosyon na bumalatay sa mga mata nito. At mayamaya ay may inaabot itong isang folder. Nagtatakang bumaba naman ang tingin ni Alexis doon. Saglit siya doon na nakakatitig hanggang sa kunin niya ang inaabot nito sa kanya. "What is this, Aris?" tanong niya dito ng makuha niya ang inaabot nito, pagkatapos niyon ay binuksan niya ang folder para tingnan kung ano ang lamam na iyon. Tumikhim ito. "My resignation letter, Gov," sagot ni Aris. Napatigil naman siya sa pagbuklat sa folder at nag-angat siya ng tingin patung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD