"ATE, alis na ako," paalam ni Oliver kay Olivia ng pumasok ito sa kwarto nila. Nilingon naman niya ito. Pagkatapos niyon ay tumango siya ng magtama ang mga mata nila. "Sige. Ingat ka, Oliver," wika naman niya dito. "Oo, Ate," sagot naman nito. Lumabas na si Oliver ng kwarto at saka na ito umalis. May pasok kasi sa trabaho ang kapatid niya ngayong umaga. Gusto sana niyang kausapin si Oliver ng masinsinan at sabihin dito na tumigil na ito sa pagta-trabaho at ituon na lang nito ang atensiyon sa pag-aaral. Pero alam niyang hindi ito papayag dahil ipipilit na naman nito ang kagustuhan na matulungan siya sa mga bayarin nila. May konting ipon na si Olivia sa isang gabi na pagsasayaw niya sa Club. Malaki din ang tip na ibinigay ng kliyente sa kanya. Pero hindi naman niya iyon pwedeng sabihin

