PAGKATAPOS ibaba ni Olivia ang intercom ay kinuha niya ang ballpen at notebook at saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya. Kakatawag lang kasi ni Gov. Alexis at pinapapasok siya sa loob ng opisina nito dahil may gusto itong i-utos sa kanya. Humakbang naman si Olivia palapit sa opisina nito. Pero bago siya kumatok ay inayos muna niya ang mahabang buhok, inayos din niya ang suot na damit at saka na siya kumatok ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya dito. Nang marinig niya ang baritonong boses ni Gov ay pinihit na niya ang seradura ang binuksan na niya iyon. Pinagdikit naman ni Olivia ang ibabang labi nang magtama agad ang mga mata nila ni Gov. Alexis ng tumuon ang tingin niya sa gawi nito. Nakatingin na kasi ito sa kanya, mukhang hinihintay nito ang pagpasok niya sa loob n

