Chapter 35

2004 Words

HINDI mapakali si Olivia habang pabalik-balik siya mula sa paglalakad niya sa kinaroroonan niyang dressing room sa The Gentleman's Club. Hindi siya mapakali dahil wala siyang balita mula kay Mr. A kung matutuloy ba ang booking nito sa kanya o hindi. Alas otso kasi ang usapan nila. Pero sampung minuto na ang nakakalipas pero wala pa din ito sa VIP room, hindi naman kasi ito nali-late sa pinag-uusapan nila. Hindi pa kasi siya na-i-inform ni Madam Miranda na dumating na si Mr. A. Ayaw naman niyang i-text o tawagan ang lalaki baka kasi isipin nito na atat niya itong makita. Naisip naman ni Olivia na baka postponed ang pagpunta nito sa TGC. Naisip niyang baka napilit ito ng ama nito na um-attend ng family dinner ng mga ito kasama ang babaeng gusto ng ama para kay Gov. Alexis. Si Danica.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD