BUMISITA si Olivia sa bahay ni Abegail para mangamusta. Matagal na din kasing hindi sila nagkikita, hindi nga din niya ito nata-timing-an sa The Genteman's Club kapag naroon siya. Mukhang magkaiba ang schedule nilang dalawa sa TGC. Gusto niya itong kamustahin baka isipin kasi nito na nakalimutan na niya ito ng matapos ang problema niya. Malaki din kasi ang utang na loob niya sa babae. Dahil din sa tulong nito ay nadugtungan ang buhay ng kapatid niya. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang mga yabag nito. At nakita niyang may bitbit itong dalawang bote ng alak. Nang tuluyan itong makalapit sa kinauupuan niya ay inilapag nito ang hawak sa center table at umupo ito sa tabi niya. "Umiinom ka ba, Olivia?" mayamaya ay tanong ni Abegail sa kanya. Umiling naman siya. "Hi

