FUCKIN' robitussin...I don't know why this s**t got me lazy right now, yeah. Nang pumainlanglang ang kantang Under The Influence ni Chris Brown mula sa playlist na plinay niya sa laptop ay nagsimula na si Miss A na umindayog sa saliw ng tugtugin. Sa muling pagkakataon ay binook na naman siya ni Mr. A. Mukhang wala itong pakialam sa perang nagagastos nito sa tuwing bino-book siya nito. Hindi lang iyon, present lagi ang lalaki kapag may performance din siya sa Club. Pero mayamaya ay napahinto si Miss A sa pagsasayaw ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ni Mr. A. Nakita niyang kinuha nito iyon sa bulsa ng suot nitong pantalon. At napansin din niya ang pagkunot ng noo nito nang tingnan nito ang cellphone nito. Saglit itong tumitig sa hawak nitong cellphone hanggang sa n

