NAKATITIG si Olivia sa hawak na cellphone habang hinihintay niya ang sunod na magiging reply ni Governor Alexis kay Miss A. Pagkatapos kasi siya nitong utusan na ipagtimpla ito ng kape ay nagpadala ito ng text message sa kanya, kay Miss A. Simpleng 'Hi' lang naman ang laman ng message nito at ni-reply-an naman niya ito ng 'Hello.' Mukhang hindi na masyado busy si Gov. Alexis dahil nagagawa na nitong mag-text. Iniisip naman niya kung ano ang magiging reply nito sa kanya, kay Miss A. Naisip naman niya na baka ibubukas nito ang topic sa pinag-usapan nilang dalawa sa The Gentleman's Club noong nakaraang gabi. "Be my woman, Miss A." Naalala ni Olivia na sinabi ni Gov. Alexis sa kanya. Ilang sandali nga din siyang hindi nakapagsalita sa sinabi nito, sa gusto nitong mangyari dahil sa gulat n

