NAPATIGIL si Olivia mula sa paghuhugas ng pinggan ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Sinilip naman niya ang cellphone na nakapatong sa mesa at hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti na nakapaskil sa labi niya nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Si Gov. Bago naman niya sagutin ang tawag nito ay hinugasan niya ang kamay na may sabon at pinunasan iyon. Dinampot din niya ang cellphone at saka siya humakbang patungo sa kwarto. Nandoon kasi si Oliver sa sala at abala ito sa paggawa ng assignment nito. Ayaw naman niya itong istorbohin at ayaw din niyang marinig nito ang pag-uusap nilang dalawa ni Gov. Pagdating naman ni Olivia sa kwarto ay agad niyang sinagot ang tawag ni Gov. Alexis. "Hello?" "Olivia," wika ni Gov sa panga

