TUMINGIN si Olivia kay Alexis ng ihinto nito ang minamanehong kotse sa hindi pamilyar na lugar. At mukhang naramdaman nito ang pagsulyap niya dito dahil tumingin din ito sa kanya. And Alexis sweetly smiles at her. "Let's go?" wika naman nito sa kanya. Binuksan naman na nito ang pinto sa gawi nito at saka ito bumaba doon. Pagkatapos niyon ay lumapit ito sa gawi ng passenger seat para pagbuksan naman siya nito ng pinto. Bumaba naman siya ng kotse. "N-nasaan tayo?" hindi naman niya napigilan na itanong kay Alexis ng tuluyan siyang nakababa ng sasakyan. Sinabi niya dito kanina na gusto niya itong makausap tungkol sa pagbili nito ng kontrata niya sa The Gentleman's Club. At kung bakit gusto nitong ipa-terminate iyon. "Let's talk somewhere," naalala naman niyang sagot nito sa kanya ng sab

