Kabanata 12

1483 Words
Matapos ang parade sa opening salvo ay agad namang ginanap ang mga sports. Samantalang kami ni Amalia ay nag-aabang na kay Kuya Mon, para mauwi na. Kakalabas pa lang namin sa gate ay pareho kaming napahinto sa paglalakad, pareho yata kami ng nakikita ni Amalia. Si Elton. Nakahilig sa sasakyan niya at nakatingin sa amin...sa akin. Umayos siya sa pagkakatayo at nagsimulang maglakad papalapit sa amin ni Amalia. "Amalia... nakikita mo ba ang nakikita ko?" paninigurado kong tanong sa kanya dahil baka namamalikmata lang ako. "Oo, GG. Ang future mo naglalakad papalapit sa atin." sagot niya. "Hi." bati niya nang makalapit sa amin. Sa akin lang ang titig niya. "Hello Kuya! Bakit ka narito?" tanong ni Amalia. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit, pero grabeng kaba na ang nararamdaman ko sa dibdib ko. "I had some business in Manila... kaya matagal akong hindi nakabalik." sagot niya kay Amalia bago napunta sa akin ang mga titig niya. Napatingin siya sa may likuran ko at ibinalik niya sa akin ang mga titig niya. "Intramurals?" tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Then, where are you two going?" may pagtataka niyang tanong dahil kami lang ang estudyanteng nasa labas. "Uuwi na." sagot ko. Kumunot naman ang noo niya at unti-unting sumilay ang ngiti. Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo. "Great! Naghihintay na sila sa atin sa sapa." sagot niya at agad akong hinila. "Sila? Sinong sila Kuya?" nakasunod sa aming tanong ni Amalia. "My friends." aniya at nagkatinginan kami ni Amalia. Ibang klasing tuwa ang nakikita ko sa mukha ni Amalia. Alam ko ang nasa isipan niya. Kulang na lang ay kumislap ang mga mata niya sa tuwa. "Kuya, kasama mo ba 'yong kausap mo sa video call dati?" kuryosong tanong ni Amalia kahit kakapasok lang namin sa sasakyan. Bahagyang tumawa si Elton at napailing bago niya nilingon si Amalia sa likuran namin. "Do you have a crush on Mozes?" nakataas ang kilay na tanong ni Elton sa kanya. Habang sobrang laki ng ngisi niya. Hindi ba siya nahihiyang ipahalata ito sa ibang tao? "Yes Kuya. Ipakilala mo naman ako, o." pakiusap niya kay Elton. "Alright." tugon ni Elton at pinaandar na niya ang sasakyan. Bakit naman kaya nandito ang mga kaibigan niya? At bakit nasa sapa sila? Pagdating namin sa sapa ay nakita ko na agad ang mga nakahilirang magagarang sasakyan. Bumaba agad kami at lumingon sa amin ang mga lalaki kasama ang dalawang babae. Nagsipolan ang mga lalaki nang makita kami at ang iba naman ay kumakaway-kaway. Naunang naglakad sa amin si Elton dahil hinila ako paatras ni Amalia. "GG! Tingnan mo... malayo pa lang ang po-pogi nila! Pero sino kaya 'yang dalawang babae?" mariin niyang tanong sa akin. "Huwag ako ang tanungin mo, Amalia. Pareho tayong walang alam.. at wala tayong pakialam kung sino man 'yang mga babae." mataman kong sinabi. "Hey, come on." tawag sa amin ni Elton. Papalapit na kami sa grupo at malalaki ang ngiti nila. Lahat sila ay naliligo. "My man... that's bad." sabay tawanan ng mga lalaki at napatawa rin ang isang babae. Samantalang ang isang babae ay bahagya lang napangiti. "Shut the f**k up, Mozes." mariing sagot ni Elton at napaupo na sa bato sabay hubad niya sa damit niya. Ngayon, lahat ng mga lalaki ay nakahubad na. "Hi! Kaibigan kayo ni Elton? I'm Zella." sabi ng magandang babae at naglahad siya ng kamay sa akin. "Uh...oo... kaibigan niya kami. Georgina." pagpapakilala ko sa sarili at nagkamayan kami. "Hi, Suzie here." sabi naman ng isang babae at kumaway lang kaya tumango lang ako. "Dude, pahinugin mo muna. Tsk." sabi ng nagngangalang Taiden. Hindi ko naman makuha ang ibig sabihin niya. Pero hindi ko na lang inisip iyon. Nakita ko namang busy na sa pakikipagkilala si Amalia. "Ang ganda dito. Bakit ngayon lang natin naisip na sundan 'tong gagong 'to. Edi sana matagal na tayong pabalik-balik rito." saad ng lalaking nagpalutang-lutang sa tubig. "Dale nga pala." sabi ng lalaki at umupo na sa tubig. "Hindi na kayo babalik. At bakit niyo ba ako sinusundan? Don't you know about the thing called privacy?" iritado niyang sinabi sa mga kaibigan pero nagsitawanan lang ang mga ito. "Privacy my ass. Halos hindi ka na nga umuuwi sa Maynila!" sikmat ni Mozes. "Now we know." dugtong niya. "Know what?" tanong naman ni Suzie sa kanya. Napangiti lang si Mozes at tumingin sa akin kaya napadako rin ang titig sa akin ni Suzie. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako pero nakita kong inikotan niya ako ng mga mata. Pumunta ako sa hindi kalayuang bahagi ng sapa na may malaking bato. Sumunod naman sa akin si Amalia. "Oy. Anong problema?" tanong niya at tumabi sa akin. Umiling naman ako. "Si Suzie, mukha siya naiinis sa akin." taka kong sinabi kay Amalia. Napatingin naman siya kay Suzie na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. "Napansin ko nga ang titig niya sayo, GG. Mukha siyang galit. Pero bakit naman siya magagalit sayo, e, ngayon lang kayo nagkakilala?" pagtatakang tanong ni Amalia at kahit man ako ay nagtataka. "Hindi ko rin alam." sagot ko. "Hey! Bakit kayo nariyan? Come back here!" sigaw ng lalaking ang pangalan ay Macsen. "Tara na? Baka akalain nilang sila ang pinag-uusapan natin, GG." sabi ni Amalia at bumaba na sa bato. "Sila naman talaga ang pinag-uusapan natin." nakataas kilay kong sagot kay Amalia at tumawa lang siya papalayo sa akin. Bumalik siya sa grupo at umupo na rin sa tubig, katabi si Mozes. Nakikita ko namang papalapit na sa akin si Elton kaya akmang bababa na sana ako pero nagsalita siya. "Stay." aniya kaya napabalik ako sa kinauupuan ko. Tumabi siya sa akin at binigyan ko ng espasyo ang pagitan namin. Napansin niya iyon at nakitang kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Narinig kong huminga siya ng malalim na para bang may mabigat siyang dinadala. "About that kiss." panimula niyang sinabi. Bigla namang naging bayolente ang t***k ng puso ko kaya kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Bakit na naman ba niya binabalik ang tungkol doon? Nakalimutan ko na iyon! "Huwag na nating pag-usapan iyon...Kuya." sagot ko sa kanya at binalingan ko siya na may pagtataka sa mukha niya. "Kuya? Hindi ba sabi ko-." "Malayo ang agwat natin. Kaya dapat lang na Kuya ang itawag ko sayo at hindi Elton." putol ko sa kanya. "What happened?" tanong niya habang nakatitig sa akin pero nag-iwas na ako ng tingin. "W-Wala naman. Naisip ko lang... na maling tawagin ka lang sa pangalan mo." giit ko. "Are you mad at me?" mariin niyang tanong kaya napabaling ako sa kanya. "Huh? Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Bumuka ang bibig niya dahil mukhang sasagot na sana siya sa akin, kaso may sumigaw sa grupo. "Snake! There's a snake!" takot na takot na sigaw ni Suzie at lumapit sa kanya ang nagngangalang Dale pero umiwas siya rito. Sa halip ay papunta siya sa kinaroroonan namin. Nagsiakyatan naman sa mga bato ang lahat at nakamasid sa tubig. "Elton, there's a snake." takot niyang sinabi at bumaba si Elton sa bato. Sinalubong niya si Suzie at napayakap sa kanya si Suzie. Kung kanina akala ko namamalik mata lang ako. Pero ngayon, kitang-kita ko na ang pag-ikot ng mga mata niya sa akin. Anong problema niya? "Wala lang iyon. Dito kami sa sapa naglalaba kaya palagi kaming nakakakita ng gano'n." sabi ni Amalia. "Naihi ako sa takot! Tangina." sabat ni Macsen at nagtawanan ang mga lalaki. "Kakahiya ka! Para ahas lang natatakot ka na?" natatawang sabi ni Taiden. "Hindi kayo natakot? Bakit kayo nasa ibabaw ng bato kagaya ko?" nakataas kilay niyang tanong kay Taiden. "Nagulat lang ako. Ewan ko sa inyo." sabay irap niya kay Macsen. Napansin ko naman si Dale na nakatingin kay Suzie na nakayakap kay Elton. Dahil sa nangyari ay umahon na ang lahat sa tubig at nagsibalikan sa kanya-kanyang sasakyan. "Babalik kami dito. Ang sarap lumublob sa tubig!" natutuwang sabi ni Zella sa akin. "Sige. Ingat kayo." sagot ko at tumango naman sa akin si Taiden. "Bye Georgy. Babalik kami." sigaw ni Macsen sa akin sa loob ng sasakyan niya. Gano'n din ang ginawa ng lahat. "Hindi ka sasama?" tanong ni Suzie kay Elton. "No. Titingnan ko ang bahay ko." sagot niya rito. Hindi ako tumingin sa kanila dahil natatakot akong makita ko na naman ang masamang tingin sa akin ni Suzie. "May gusto kay Elton 'yang Suzie." biglang salita ni Amalia sa tabi ko. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "Basta... alam ko. Nararamdaman ko, GG." Hindi ko na kailangang magtaka sa sinabi ni Amalia. Halata naman sa kilos ni Suzie. Kung alam niya lang sana ang nasa isipan ko, hindi na sana siya maiinis sa akin. Sa kanya na si Elton. Crush ko lang naman siya at hanggang do'n lang 'yon. Masyado rin siyang matanda para sa akin. Ang gusto ko sa lalaki ay mga kasing-edad lang ni Joseph.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD