Nasanay na ako na maagang nagigising kaya alas-4 pa lang ay gising na ako. Nakikita ko sa bintana na humupa na ang ulan, kaya baka makauwi na ako mamaya.
Kailangan ko pang pumasok ngayon, kaya, maliligo na lang ako. Agad akong bumangon para makapaligo na.
Alam ko naman na ang pasikot-sikot dito kaya hindi ko
na lang aabalahin si Elton.
Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko na sa kwarto lang ni Elton mayro'ng heater. Kung papasok ako sa kwarto niya, baka ma abala ko pa siya. Susubukan ko na lang muna sa common bathroom.
Unang patak pa lang ng tubig ay nanayo na ang balahibo ko sa sobrang lamig. Hindi ko kaya, baka magkasakit pa ako. Dahan-dahanin ko na lang ang pagbubukas sa pintuan ng kwarto niya.
Natatanaw ko na ang pinto ng kwarto niya at bayolente na ang kalabog ng puso ko. Kinakabahan ako baka ma-disturbo ko siya.
Hawak-hawak ko ang doorknob at unti-unti ko itong pinihit at sumilip muna ako. Nakita ko agad siya na nakakaob na natutulog at suot niya lang ay boxer short.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa likod niyang mukhang matigas at sa mabibilog na pang-upo niya. Mabalahibo rin pala ang mga binti niya.
Sinampal ko ng bahagya ang aking sarili dahil nakatitig lang ako kay Elton. Dumiretso na ako agad sa banyo upang makapaligo na. Ito pa ang isang problema ko, paano ko aabutin ang heater button?
Naghanap ako ng pwedeng mapatungan pero wala. Tinitigan ko ito dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba ito mapipindot. Nagulat ako ng biglang nakarinig ako ng isang tonog ng tubig na parang galing sa isang gripo.
Napabaling ako agad sa likuran ko at napatakip sa aking bibig ng makitang si Elton ito, umiihi! Nakapikit siya at agad akong nag-iwas ng tingin dahil natatakot ako baka saan pa mapunta ng mga mata ko! Pero may nakita ako sa peripheral view ko!
Pumikit ako ng mariin at umiling-iling para makalimutan iyon!Sobrang bata ko pa para makakita ng mga gano'ng tanawin.
"s**t!" sabi ni Elton at hindi pa rin ako lumilingon.
"Anong ginagawa mo diyan? Papatayin mo ba ako sa gulat? Akala ko multo! Naka puting tuwalya ka pa naman." aniya at hindi pa rin ako lumilingon.
"Uh... ano kasi...maliligo na ako." sagot ko.
"At this hour? It's too early ." sabi niya at ngayon ko lang napansin ang pagbabago sa boses niya. Ganito pala ang boses ng lalaki kapag bagong gising?
"Sanay na ako. Ganito ako palagi sa amin." sagot ko.
"7am pa ang klase mo 'di ba?" tanong niya ulit.
"Oo."
"Your school is just 15 minutes away from here. So, matulog ka ulit. Gigisingin kita mamaya." aniya sa isang madiin na boses.
Umiling ako agad. "Okay lang."
"Babi...please." aniya at nandilat ako sa dingding. Anong tinawag niya sa akin? Babi? O mali lang ako ng narinig. Pa simple kung kinapa ang dibdib ko at huminga ng malalim.
"S-Sige...matutulog ako ulit." kinakabahan kong sinabi.
"Alright and... bakit hindi mo 'ko tinitingnan?" aniya. Seryoso ba siya?Ni wala siya halos saplot tapos gusto niyang tingnan ko siya?
"M-May suot ka?" pati ako naguguluhan sa tinanong ko. Alangan naman wala siyang suot! Siyempre, meron, pero boxer nga lang.
"Oh.. fuck." narinig kong mahinang sinabi niya. "Mamaya ka na lumabas. Give me a sec." sabi niya.
Ano ba itong sitwasyong napasukan ko. Ang awkward! At hindi nga nagtagal ay tinawag na niya ako. Lumabas naman ako agad.
Nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakayuko lang.
"Uh...balik na ako sa kwarto." sabi ko at tumango lang siya.
Anong nangyari sa kanya? Galit ba siya dahil naabala ko ang pagtulog niya? Bakit hindi man lang siya makatingin sa akin?
Iyon ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad pabalik sa kwarto. Nang makapasok ako ay napahilig ako sa likod ng pintuan. Hindi mawala sa isipan ko ang tinawag niya sa akin kanina.
'Babi'
Napaigtad ako sa gulat ng bigla na lang may kumatok sa pinto. Alam kong si Elton iyon. Ano naman kayang kailangan niya?
Binuksan ko agad ang pintuan at siya nga iyon. Nakatukod ang isang kamay sa pinto at ang isang kamay naman niya ay nasa beywang niya at nakayuko siya.
"B-Bakit?" hindi ko na maitago ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit naman ako kinakabahan ng ganito.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kakaiba ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero hindi ko alam kung ano iyon.
"I'm sorry..." aniya at agad na hinapit ang beywang ko. Napayuko siya ng bahagya at lumapat ang mga labi namin.
Parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito at namilog ang aking mga mata sa ginawa niya. Hinahalikan niya ako.
Nakapikit siya...hawak ang kabilang pisngi ko. Ang labi niya... mainit... malambot at nanunudyo iyon. Parang gusto niyang buksan ko ang bibig ko. Ito ang kauna-unahan kong halik. Halik, galing sa lalaking kamakailan ko lang nakikilala. Halik, galing sa lalaking kinaiinisan ko no'ng una. At higit sa lahat, halik galing sa isang lalaking sampong taon ang tanda sa akin.
Naestatwa lang ako sa ginagawa niya habang siya ay nilalamutak ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong itulak siya sa ginagawa niya pero... ayaw ng katawan ko.
Nahinto siya sa paghalik sa akin at unti-unting nagmulat ng mga mata. Kung ano mang nakita ko kanina sa mga mata niya ay mas lalong lumala ngayon.
Mahina siyang nagmura at nakakuyom ang kamao niya. Nakalagay ito sa noo niya at mukha siyang...nagsisisi.
"That was a mistake. I'm sorry." ang tanging sinabi niya at tinalikuran ako agad. Habang naiwan akong nakanganga at pino proseso pa sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.
Ano 'yon? Bakit niya ako hinalikan? Bakit niya rin sinabing pagkakamali lang iyon?
Gulong-gulo ang isipan ko sa nangyari. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang... halik niya.
"Talaga?! Totoo, GG?" hindi makapaniwalang sabi ni Amalia.
Isang linggo na ang lumipas ng mangyari iyon. Iyon din ang huli naming pagkikita. Hindi na siya bumalik pa para bisitahin ang bahay niya at ipinagtataka ko iyon.
Hinatid niya nga ako no'n sa skwelahan at pati sa pag-uwi ko. Siya na rin ang nagpaliwanag sa kanila ni Tatay kung anong nangyari kaya hindi ako napagalitan.
"Oo nga." sagot ko kay Amalia dahil hindi ko kayang magtago sa kanya ng lihim kaya kinwento ko na sa kanya.
Kilig na kilig siya habang yakap yakap ang sarili niya.
"Grabe GG... kumpleto na ang highschool life mo! Ang tamis... ng unang halik." aniya at papikit pikit pa niyang sinabi.
"Sira! pagkakamali lang iyon, Amalia. Sabi ko nga 'di ba, nag sorry siya matapos 'yon." giit ko.
"Hindi ako naniniwalang hindi niya iyon sinadya, GG. Siguro, naisip niya na ang bata mo pa kaya nag-sorry siya? Iba talaga ang kutob ko sa mga titig niya sayo, GG. Kakaiba 'yon kung kaysa sa titig niya sa akin." saad ni Amalia.
Ngumuso ako sa sinabi niya. Napapansin ko nga 'yon pero ayokong isipin iyon ng masyado. Ang bata ko pa para sa mga ganyang bagay.
"Pasensya na talaga, Joseph. Bati na tayo, o." pag-aalo ko sa kanya dahil isang linggo na niya akong hindi pinapansin dahil sa nangyari... no'ng iniwan ko siya sa waiting shed at sumama ako kay Elton na hindi man lang nagpaalam sa kanya.
"Sino ba kasi 'yon?" iritado niyang sinabi at bahagyang namula ang pisngi niya.
"May-ari 'yon ng lupang sinasaka namin, Joseph." sabi ko.
"Eh, bakit parang close kayo? Saan ka niya dinala no'n?" aniya.
"Hindi kami close. At... sa hotel kami pumunta." nag-aalinlangan kong sinabi.
Agad siyang bumaling sa akin at nanliliit ang mga mata.
"Sa hotel?!" gulat niyang sabi.
"Magkaiba kami ng kwarto, Joseph. At kung ano man 'yang iniisip mo, nagkakamali ka." saad ko sa kanya.
"Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'yon. Lumayo ka sa kanya, GG. Hindi magandang tingnang magkasama kayo." mataman niyang sinabi.
Napaisip ako sa sinabi niya. Ano naman kayang klasing kutob iyon? At tama siya...hindi maganda tingnang magkasama kami. Sobrang layo ng agwat ng etsura namin, pati na rin sa edad at katayuan sa buhay.
Kung mangyaring may nakakita sa pagpasok o paglabas namin sa hotel no'n, sigurado akong iba na ang kanilang iniisip at ayaw ko iyon.