1

1936 Words
“RELAX AND just enjoy the party.” Sandaling nanigas ang katawan ni Bea nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Kaagad bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay naging hypersensitive ang lahat ng kanyang senses. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at nilingon ang lalaking nagsalita. Kamuntikan na niyang mahigit ang hiningi. Hindi siya kaagad nakapagsalita at napatitig lang sa kabuuan ni Ryan Boyd.  He was wearing a suit. Sa ganda ng lahat niyon sa katawan ng binata, alam niyang custom-made iyon. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nabistahan ni Bea ang hitsura ni Ryan ngunit hindi nagbabago ang epekto nito sa kanya. Nang makita niya ang makisig na binata kanina sa simbahan ay nagulo nang husto ang kanyang buong sistema. Sa palagay niya hindi na bumalik sa normal ang t***k ng kanyang puso. Sinubukan niyang abalahin nang husto ang sarili sa reception ng kasal ng malalapit niyang kaibigan na sina Jem at Sunday Blue upang mapayapa ang mga nadarama ngunit bigo siya. Natatagpuan pa rin niya ang sarili na hinahanap si Ryan sa paligid at sa tuwing nakikita niya ito ay mas lalong nawawala sa ayos ang buong sistema niya. Hindi nagmamaliw ang epekto nito sa kanya, waring mas lumalala pa iyon sa paglipas ng bawat sandali. Ryan looked so gorgeous in suit. Hindi lang si Bea siguro ang parang nawawala sa sarili sa kasalukuyan. Hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang humahangang tingin na natatanggap ng binata mula sa mga babaeng bisita. Alam niya na hindi lang siya ang naglalaway. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil isang international TV star ang binata at trabaho nitong maging guwapo sa lahat ng pagkakataon. Parte si Ryan ng isang hit US TV series. He played a sniper role. He was super hot on screen. And off screen. Nakakaanim na season na ang series at mas gumaganda ang kuwento. Sa unang season ay hindi kasama sa main characters si Ryan ngunit labis na nagustuhan ng writers at mga manonood ang portrayal nito ng character kaya napalawig ang role nito. Sa bawat season ay mas nagiging malaki at interesante ang role nito. The viewers loved him more and more. They just couldn’t resist him. Napapitlag si Bea nang maramdaman na hinawakan ni Ryan ang kanyang kamay at inilagay ang isang flute ng champagne roon. Halos hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang binata. Waring nahihirapan siyang huminga sa kanilang paglalapit. Dinala niya ang flute sa kanyang bibig at inubos ang laman niyong champagne. Sinikap niyang ngitian si Ryan pagkatapos upang mapagtakpan ang totoong nadarama. “T-thanks,” usal ni Bea. Isang nakakatunaw na ngiti ang iginanti ni Ryan. “You’re welcome.” Hindi umalis si Ryan sa tabi ni Bea. Kahit na aminadong hindi gaanong komportable si Bea, hindi rin niya magawang lumayo. She liked the feel of tension with him. She liked the adrenaline rush. Ramdam niya na buhay na buhay siya. Babaeng-babae. Hindi niya sigurado kung nabubuhay ni Ryan ang mga ganoong pakiramdam sa ibang babae ngunit madali nitong nagagawa sa kanya. Napatingin si Bea sa bride. Itinuturing na niyang pinakamatalik na kaibigan si Sunday Blue mula noong mamayapa si Mattie Asuncion, ang best friend niya mula pa kindergarten. Si Sunday Blue ang kumupkop at tumulong sa kanya noong itakwil at iwanan siya ng lahat. Hindi siya nito pinabayaan sa panahon na kailangan na kailangan niya ng tulong, suporta at pagmamahal. Masaya si Bea para sa kaibigan sa pinakamaligayang araw ng buhay nito. She just married the man she loved, Jem Carillo. Hindi biro ang pinagdaanan ng dalawa bago makarating sa puntong iyon, upang maging ganap na masaya. Kaya naman walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Nilingon ni Bea si Ryan na natagpuan niyang nakatingin din kay Sunday Blue. “How are you?” ang kanyang tanong na may lakip ng pagmamalasakit at kaunting lungkot. Itinuon ni Ryan ang mga mata kay Bea, nananatili ang nakakatunaw na ngiti. “I think that’s the fifth time you asked me that. I’m fine.” Naramdaman ni Bea ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Hindi niya gaanong sinasadya. Hindi rin marahil niya gaanong mapigilan ang sarili. Ryan happened to be bride’s ex-boyfriend.  Noon pa man ay alam na ni Bea na nakalaan sina Jem at Sunday Blue para sa isa’t isa. Hindi kaagad niya maamin kahit na sa sarili ang kaalaman na iyon dahil pakiramdam niya ay magtataksil siya sa namayapang kaibigan na si Mattie. Bago namatay si Mattie, nobyo nito ang groom na si Jem.  Nasaksihan ni Bea kung paano nabuo ang pag-iibigan sa pagitan nina Sunday Blue at Jem pagkatapos ng malagim na aksidente na kumitil sa buhay ni Mattie. Nasaksihan din niya kung paano nilabanan ng mga ito ang nadarama. Isa sa naging paraan ni Sunday Blue ay lumayo. Iniwan ng kaibigan ang maganda at makinang na karera sa Pilipinas bilang mang-aawit at nagtungo ng Finland. Doon nakilala ni Sunday Blue si Ryan Boyd. Nagsimula ang isang magandang relasyon. Umabot sa proposal ng kasal ang magandang relasyon na iyon. Umuwi si Sunday Blue sa Pilipinas at noon nito napagtanto na hindi nawawala ang nararamdaman nitong pag-ibig para kay Jem. Hindi na kailanman nawawala. Noong mga panahon na iyon, ganap na ring naghilom ang sugat ng pagkawala ng dating nobya sa puso ni Jem at nabatid na nais na nitong maging masaya uli. Isa si Bea sa mga taong nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay nagkasama sina Sunday at Jem. Ngunit hindi niya nakalimutan ang isang taong nasaktan. Nagparaya man si Ryan at sinabing ginawa lang nito ang tama, alam niya na sa kabila ng lahat ay labis na nasaktan ang puso nito. He bought a ring for Sunday Blue. He was ready the spend the rest of his life with her. He loved her that much. Alam ni Bea na hindi madali para kay Ryan na panoorin ang babaeng minamahal na ikinakasal sa ibang lalaki.  “I’m really okay,” ang paniniguro pa ni Ryan, nakatingin pa rin kay Bea at hindi nagmamaliw ang ngiti sa mga labi. He looked okay—happy even. Hindi siguro niya mapagkatiwalaan ang nakikita dahil alam niyang mahusay na artista ang binata. “Yeah, I know. I’m just making sure.” Hindi sila maituturing na malapit na magkaibigan ngunit nais isipin ni Bea na kahit na paano ay kaibigan na rin ang turing nito sa kanya. Nagkaroon na sila ng pagkakataong magkausap noong manatili ang binata sa kanyang bahay dahil ayaw nitong ipaalam ang presensiya sa media. Kahit na paano ay masasabing magkakilala na sila. Ryan had been perfect. Kung ang binata ang pinili ni Sunday Blue ay ganap niyang maiintindihan. Bukod sa pagiging guwapo at sikat, mabuting tao rin si Ryan. Acting had been a passion for him, not just a meal ticket. He was not self-centered and superficial. Isa ito sa mga pinakasikat na TV personalities sa ngayon ngunit hindi hambog at sinisikap pa rin nitong panatilihing pribado ang pribadong buhay. Hindi nagpaapekto si Ryan sa mga intriga.  “Thanks,” ang wika ni Ryan bago ibinalik ang tingin sa napakagandang bride na sinamahan na ng kanyang napakaguwapong groom. “But really, you should stop asking if I’m okay. I wouldn’t be here if I’m not okay, believe me. I’m genuinely happy for Blue and Jem. They belong to each other, I’ve accepted that.” “It’s still not easy. I mean, you planned your whole future with her once.” Alam ni Bea ang pakiramdam na ganoon. Batang-bata pa siya noon ngunit hindi niya makalimutan ang pakiramdam dahil nagbago nang tuluyan ang kanyang buhay. She had been so in love with the wrong man—boy. Everyone told her so but she didn’t listen. Hinayaan niya ang nararamdam na siyang magdikta ng lahat. Ibinigay ni Bea ang lahat sa kanya. Nagbulag-bulagan siya sa mga kapintasan ni Alvin, sa mga gawain nitong alam niyang mali at hindi katanggap-tanggap. Bumuo siya ng pantasya. Magbabago si Alvin. Magiging maayos ang kanilang buhay. Masaya at patuloy na magmamahalan habang-buhay. She didn’t admit to herself that she was actually in a destructive relationship. Bea became pregnant at eighteen. Hindi niya sigurado kung ano ang gagawin. Nang sabihin niya kay Alvin ay sinabi nitong hindi siya nito pananagutan. She had to get rid of it. At pumayag siya. Iyon na marahil ang pinakamalaking kasalanan na nagawa niya sa tanang buhay niya. Habang pauwi sila ni Mattie mula sa Sagada ay pinlano niyang dumaan ng Baguio para magtungo sa isang abortionista.  Maraming naging dahilan si Bea kung bakit naisip niyang ipalaglag ang dinadala. Bata pa siya. Wala pang muwang sa mundo at hindi pa niya kayang maging ina. Hindi siya handa sa responsibilidad. Alam din niya na hindi siya maiintindihan ng mga magulang. Her father had always been strict. He wanted her to be a lawyer. Ngunit hindi mababago ng mga rason na iyon na plinano niyang kitlin ang sarili niyang anak. Sa kabila niyon, naisip ni Bea na magiging maayos pa rin ang relasyon nila ni Alvin kung susunod siya sa gusto nitong magpalaglag. Naisip niya na matutuloy pa rin ang makukulay niyang plano at pantasya kasama ang nobyo. Parang may malaking kamay na bakal na mariing pumisil sa kanyang puso sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon. Hindi nawawala ang guilt dahil hindi na niya mailarawan sa kanyang diwa ang isang buhay na wala si Tilly, nang wala ang kanyang pinakamamahal na anak. Masasabing binago ng aksidente at pagkamatay ni Mattie ang buong buhay at pananaw ni Bea. She decided to keep her baby. Naisip niya na may dahilan ang lahat ng nangyari. Bago namatay si Mattie, malinaw nitong sinabi at ipinadama sa kanya na mali ang plano niyang gawin pagpapalaglag. She told her it had been so easy for her, Mattie led a perfect life. Ngunit nakakalungkot isipin na nakaligtas siya sa aksidente at hindi ang kaibigan. Walang nangyaring masama sa kanyang dinadala. It had been a giant sign.  Hindi iyon kaagad nakita ni Bea. Nang sabihin ng kanyang ina na mapapatawad siya ng mga ito kung ipapalaglag niya ang dinadala, pumayag siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Ngunit sa libing ni Mattie ay napagpasyahan niyang ituloy ang pagbubuntis. Pinalayas siya ng mga magulang. Itinakwil. Hindi niya alam ang gagawin kaya nagtungo siya kay Alvin, umaasang mababago niya ang isipan nito. Ngunit bigo rin siya. Noon siya dinaluhan at tinulungan ni Sunday Blue para tulungan. Alvin happened to be her half-brother. Pinatira siya nito sa apartment nito at tinulungan sa ilang pangangailangan. Life as Bea knew it was over since then. Nabura ang lahat ng pantasya at magagandang plano. Nagbago na ang lahat ng plano niya sa buhay. Nagbago ang kinabukasan na gusto niya. She grew up fast. Dahil hindi maaaring maging feeloader habang-buhay, nagsumikap si Bea na magtrabaho at makaipon habang hindi pa nanganganak. Nagtrabaho siya bilang crew sa isang fast-food restaurant. Nang malaman na buntis siya ay pinatalsik siya. Maraming salamat kina Tita Martinna at Tita Angela, mga ina nina Mattie at Jem, na tinuruan siya ng ilang recipes. Noon niya nalaman na may natural siyang talento sa pagluluto at kusina. Nagamit niya ang mga itinuro sa kanya upang maglako ng pagkain sa mga bahay-bahay. Nang hindi na niya kinaya ang paglalakad ng malayo ay nagpa-order na lang siya. Mabilis siyang nagkaroon ng maraming suki. Nalaman ni Bea kung ano ang talagang nais niyang gawin sa buhay. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya at aminado siyang hindi niya mararating ang kasalukuyang kinaroroonan kung hindi sa tulong ng maraming tao. Sa tuwing binabalikan niya ang naging buhay na nakalipas na dekada, hindi niya maiwasang makaramdaman ng pagmamalaki para sa sarili. She made it through.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD