Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry. Anicka NANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao. "Damn it, Anicka, bakit hindi mo ako hinintay? Nakahanda akong patunayan sa iyo na hindi akin ang batang 'yon. Bakit hindi ka nakapag-hintay?" tumatangis pa ring bulong niya. Nilamukos niya na nang

