"HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito. "Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa. Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort. Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon. Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on. "Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngit

