Chapter 14

1063 Words

Bago pa man ako magalit ay ngumiti na ito ng ubod ng tamis, pinagsingkit pa niya ang dalawang mata para sa sinasabi nitong beautiful eyes, na ginagaya ang isang bata. "Naglinis na ako, Ninang, nagpapahinga lang ako. Huwag mo akong pagalitan, ah." Sa sinabi niya ay nilibot ko ng tingin ang paligid. Kung ano ang ayos sa sala ko ay ganoon pa rin naman, may mga kaunti lang na nawala sa pwesto, siguro nga ay naglinis ito. Kumikinang din sa paningin ko ang ilang vases, pati ang mga abstract painting na nakasabit sa puting pader. Maging ang carpented floor sa sala ay malinis at walang dumi. Well, hindi naman ako ganoon karumi pagdating sa bahay. Kakaunti lang ang oras na inilalagi ko rito, kaya hindi ko masabi kung makalat bang maituturing ang condo unit ko. "Whatever, Jasmin. Kung aalis ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD