Makalipas ang ilang oras, saktong alas sais nang lumabas ako ng kwarto. Suot ko ngayon ang white spaghetti sando at short shorts, sa loob nito ay iyong halter bra at iyong pulang bikini panty. Umakyat muna ako rito sa unit upang makapag-ayos ng sarili, samantala ay nasa pool area na si Olivia, kasama si Thea sa in-occupy nitong kwarto. Nasa ibaba lang din naman ng building iyon. Nang matantya kong okay na ay napagpasyahan kong lumabas na, nagdala lang ako ng tuwalya na siyang nakasabit sa balikat ko. Nang mabuksan ang pintuan sa unit ay bumungad pa sa harapan ko ang presensya ni Kidd. Halos lumuwa ang dalawang mata ko, umawang pa ang labi ko sa labis na gulat. Wala rin sa sariling napahawak ako sa dibdib ko, kung saan nagsisimula na namang mabaliw ang puso ko. "A—anong ginagawa mo rito

