Ngayon ko lang naisip na ang pinapasukan ngayon ni Jasmin, kung saan ito nag-i-intern ay ang Wilson King Advertising Company, ang pag-aari ni Chase Wilson King— ang lalaking nasa clubhouse noon. Sa sinabi ko pa ay sandaling natahimik si Olivia, nakagat pa nito ang pang-ibabang labi at animo'y hindi mawari kung paano ito magpapaliwanag sa akin ngayon. Hindi na bale, ayoko ring ikwento sa kaniya ang tungkol sa amin ni Kidd. Hindi pwede sa ngayon dahil kilala niya si Kidd na kaibigan ni Jasmin. Natawa na lamang ako at nailing. "Bakit ka ba nandito? Anong sadya mo?" "Samahan mo akong mag-shopping galore. Bibili ako ng bikini ko para sa night swimming." "Huwag mong sabihing kasama ako riyan sa swimming-swimming na 'yan." "Hindi naman." Ngumiti ito, bago ako hinila palabas ng opisina ko. D

