Matapos makapasok ni Jasmin sa loob ng elevator ay kaagad din iyong nagsarado, pagkakataon ko iyon upang magpakawala ng malalalim na hininga dahil pakiramdam ko ay para akong bibitayin. Hindi pa nagtagal nang patakbo kong tinahak ang hallway pabalik sa unit ko, naalala ko ang itsura kong tanging roba lang ang suot. Ilang beses akong umiling upang iwaksi sa isipan ang nangyari. Sigurado naman akong hindi kilala ni Jasmin ang sapatos ni Kidd. Baka nagulat lang ito dahil sa katotohanang nag-uwi ako ng lalaki rito sa unit ko, kaya ganoon ang akto niya kanina. Napalunok ako, bago pumasok sa kwarto upang magbihis at makapag-ayos. Sinimulan ko ulit ang araw na iyon sa palaging ginagawa, pagkapasok sa hospital ay kaagad akong humawak ng operasyon dahilan para maging abala ako. Wala sa sariling

