Umawang lang ang labi ko at hindi na nakapagsalita. Mayamaya pa nang patakan nito ng halik ang tungki ng ilong ko, bago siya umahon sa pagkakahiga at bahagyang nag-unat ng mga kamay. "Salamat at ginising mo ako." Muli siyang ngumiti. "Mas maganda ka pa sa umaga, Doc." Iyon lang at tuluyan na rin itong tumayo, isa-isa nitong pinulot ang mga damit niyang naroon sa sahig. Katulad ng parating ginagawa ay papasok ito sa banyo upang doon na maligo. Napahinga na lang ako nang malalim, bago nagpasyang tumayo na rin. Kaagad kong inayos ang kama na akala mo ay dinaanan ng bagyo, pinulot ko rin ang ilang unan na tumilapon kagabi. Kasunod ng mga damit ko, saka inilagay iyon sa laundry basket. Pumasok ako sa walk-in closets, mamayang alas nuebe pa ang pasok ko ngunit minabuti ko nang ilabas at ayus

