"Good morning." Dinig kong bulong sa tainga ko, kasabay nang pagyapos sa manipis kong baywang. Sa gulat ay halos mabitawan ko iyong baso na tinitimplahan ko ng gatas. Dumiin ang katawan ni Kidd sa likuran ko, rason para maramdaman ko ang nakatayong pagk*lalaki nito. Alam ko ng normal iyon sa tuwing gigising sila sa umaga, sadyang tinablan lang talaga ako ng pagnanasa. Kung kaya rin ay mabilis na nag-init ang batok at ang pisngi ko. "Kidd!" tili ko nang pilit niyang isinisiksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko. "Ano ba!" Gaano man kairitado ang mukha ko ay hindi naman maipag-aakila ang kilig na nararamdaman ko. Ewan ko ba sa lalaking 'to, nagulat na lang ako kaninang umaga na sa nasa tabi ko pa rin siya, imbes na umuwi ito. "Napasarap ang tulog ko, hindi mo ako ginising," bulong ulit ni

