"Huh?" nalilitong banggit ko, bago siya tinitigan nang mabuti. Naningkit pa ang dalawang mata ko habang pilit na inaalala kung saan kami nagkita, o kung talagang magkakilala nga kaming dalawa. Hanggang sa pumurol na lang ang utak ko ay wala pa rin akong maalala na nagkita na kami. "Hmm. I'm not sure about this, but are you my old patient?" tanong ko sa alanganing boses. "Ang dami ko nang naging pasyente, kaya mahirap alalahanin lahat." Sa sinabi ko pa ay natawa ito, kung hindi lang ako nagpakahirap na bendahan ang sugat nito sa braso ay baka binagsakan ko na ito ng first aid box. Napipilan ko siyang pinagmasdan, ipinapakitang hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya. Mayamaya pa nang tumigil ito, pigil ang sarili niyang huwag matawa. "Ako ito, si August Francisco. Iyong kababata mo." Sa na

