"At si Andrea iyon," dugtong ni Kidd na halos ikatigil yata ng mundo ko. Nilingon pa ako nito upang bigyan ng maliit na ngiti, tila ba sa oras na iyon ay bigla siyang napaamin. Hindi man din niya derektang sabihing mahal ako nito, pakiramdam ko ay para akong nanalo sa lotto. Hindi ko lang magawang maging masaya, hindi ko magawang magtatalon sa galak, lalo at narito si Jasmin. Lalo at narinig niya at nakita nito kung paano napaamin nang wala sa oras si Kidd. "What the f*ck?" palatak ni Jasmin at isang tingin ang iginawad nito sa akin. Iyong tingin na puno ng pandidiri. Pamula sa mukha ko, pababa sa paa ko ay mariin ang bawat pagtitig niya. Kalaunan nang mag-angat ulit ito ng tingin sa akin, bago maanghang na tumawa sa kawalan. "Ibalik mo na iyong kandila kay Mommy. I don't wanna see yo

