Chapter 24

1090 Words

Hindi pa nagtagal nang dali-dali naming pinuntahan si Thea na siya ngayong nanginginig sa galit. Ang kamay nitong kaninang pinangsampal niya ay naroon pa sa ere, tila ba gustong bumanat ng isa pang sampal. "Ano bang pinagsasabi mo?" bulyaw sa kaniya pabalik ng lalaki, ngayon ko lang natanto at nakita na kapareho rin namin ito ng edad. "You just touched my freaking breast! How dare you!" sigaw ni Thea sa nanggagalaiting boses. Kulang na lang din ay lumabas ang lalamunan nito sa sigaw niyang iyon. Bulgar ko pang nakikita ang pagtataas-baba ng kaniyang dibdib dahilan para roon ako mapatitig. Well, Thea is beyond bless for having a double extra large breast. Tayong-tayo iyon at maganda ang pagkakahulma. Sa suot nitong dress ay bakat na bakat iyon, pati ang katawan niya ay hulmang-hulmado.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD