Siya namang paglingon ko sa paligid, sinusubukan kong maghanap ng pwedeng mapupwestuhan. Malaki ang opisina ko, mayroon ding mini sala, couches and center table. Huminga ako nang malalim, gusto ko pang sampalin ang sarili dahil sa kahibangan ko. Talaga bang pumapayag ako na rito namin gawin iyon ni Kidd? Oh, God! Hindi ko na alam kung kaninong kaluluwa ang nasa loob ng katawan ko. "Huwag dito, baka biglang may— istorbo," sagot ko nang malingunan ko si Kidd. Natawa ito, saka pa tumango-tango sa kawalan. "Sige, Doc. Alam kong hindi ka pa handa, 'di rin naman ako nagmamadali, though excited ako." Isang kindat ang iginawad nito sa akin, rason para mapanawan ako ng ulirat. Sa pagkakatulala ay huli ko nang ma-realize na nakalabas na pala ito ng opisina ko nang marinig ko ang pagbukas-sarado

