Kalaunan nang bumukas ang isang maliit na bintana sa gate, sumilip doon ang isang pares ng mata. Hindi pa nagtagal nang unti-unting bumukas ang gate, awtomatiko iyong gumagalaw dahil sa high-tech na pagkakagawa. Kapagkuwan ay bumungad sa paningin ko ang nakahilerang mga security personelle. Lahat sila ay nakapormado, karamihan pa sa kanila ay nakasabit sa kanilang dibdib ang mahahabang baril. Hindi na ako nagulat para sa nais nilang enggrandeng pag-welcome sa akin, deretso kong ipinasok ang sasakyan sa loob dahilan para mahati sa dalawa ang mga gwardiya. Mabilis kong inikot ang kotse upang mai-park sa dati kong pwesto noong mga araw na rito pa ako naglalagi. Nang mapatay ang engine ay kaagad din akong lumabas. "Good morning, Doc. Andrea," magkakasabay na bati nila. Pagtango bilang tu

