Chapter 8

1052 Words
"Thank you, Doc. Nakakahiya naman, siguro ay pakidagdag na lang ito sa magiging utang ko sa 'yo," ani Kidd na siya ngayong namamahinga na sa kaniyang pagkakaupo sa hospital bed. Samantala ay naroon naman ako sa isang mataas na stool at nakaupo sa gilid ng kama, kapantay ang mukha ni Kidd. Kaya mas maayos kong nasisilayan ang gwapo nitong mukha. Nakapag-in na ako kanina, bumalik lang nang makapagbihis ako ng uniporme namin. Hinayaan ko na rin si Doc. Sidney ang mag-asikaso kay Kidd dahil ayoko namang patagalin ang proseso ng panggagamot sa pasyente. Pumunta lang ako rito para personal na bisitahin at kumustahin ang kalagayan niya. Wala naman ibang dahilan kung 'di dahil kargo ng konsensya ko ang nangyari sa kaniya. Kung kaya rin ay ayaw ko siyang iwan hangga't hindi ito gumagaling— I mean, nagiging okay. Makahihinga ako nang maayos kapag nakita kong nasa maayos na siyang kalagayan. Natapos nang malinisan at malapatan ng benda ang sugat nito sa binti hanggang hita. Hindi iyon ganoon kalala, kaunting gasgas ngunit apektado ang kaniyang buto kung kaya ay pipilay-pilay ito. "Pasensya na talaga at masyado kaming kapos sa pera. Ako ang panganay sa amin, ako lang din ang nagtatrabaho. Kaya sa akin umaasa sina Mama at ang mga kapatid ko," dagdag nito nang purong pagtitig lang sa kaniya ang nagagawa ko. "Wala iyon. Ikaw na rin naman na ang nagsabi kanina, maliit lang na bagay ito," casual kong pahayag habang kinikimkim kung gaano kalakas magwala ang puso ko. Napayuko ito, kapagkuwan ay mahinang natawa dahilan para mas lalong magrigodon ang puso ko. May kung ano pang init ang humaplos sa pisngi ko, kung kaya ay alam kong nangangamatis na ang mukha ko. Oh, God! Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa akin, nababaliw na ang sistema ko sa simpleng bagay— nang dahil lang sa isang lalaki— nang dahil lang kay Kidd Cristobal. Is this even for real? Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nabuhayan, para akong patay na muling nabuhay at binigyan ng pag-asa. Pag-asa na maging masaya at maging malaya. For my entire life, ikinulong ko ang sarili sa pagiging seryoso at tahimik na kinikimkim ang lahat. Ipinapakita kong wala akong pakialam sa mga nangyayari, sa mga bagay, as in sa lahat. Nakilala ako ng karamihan na isang professional Andrea Thompson na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Iyong babae na hindi marunong makuntento sa mga bagay na natatamasa at gusto pang higitan iyon. Hindi ako mapakali kasi hangga't kaya ko ay kakayanin ko. I am an independent woman, kaya lahat ng nakukuha at tagumpay ko ngayon ay dahil din iyon sa sarili kong pagsusumikap. So, sorry not sorry for all those people who wants my downfall. "Ang bait mo po. Ang swerte siguro ng asawa mo sa 'yo." Dinig kong banggit ni Kidd, rason para mabalik ang kaluluwa ko sa reyalidad. Nagtagpo ang mga mata namin, iyong kagustuhan kong maduwal dahil sa pag-aakala niyang may asawa na ako ay hindi ko ginawa. Nananatili akong nakaupo at nakatitig sa kaniya. "For real?" palatak ko habang hindi pa rin makapaniwalang pinagmamasdan ito. Tumango si Kidd bilang tugon. "Hindi ka lang mabait at matulungin. Maganda ka rin at... sexy." Umimpis ang labi ko at hindi mawari kung ano ang ire-react ko. Literal pang nag-init ang mukha ko, kasabay nang pag-init ng batok ko na animo'y may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ng katawang lupa ko. Ngumiti ito na para bang masyado siyang natutuwa sa akin, kung kaya mas lalo lang akong nahibang. Mas naging doble ang pagwawala ng puso ko, kulang na lang ay lumabas iyon sa dibdib ko. "Sa edad ko bang ito, paunang impression na sa akin ay may asawa?" takang tanong ko dahil gusto kong linawin lahat. Though, hindi ko naman talaga ito ginagawa sa mga taong iyon nga ang pag-aakala sa akin. Wala akong oras para ipaliwanag ang sarili ko sa iba, ngayon lang talaga. "Hmm. Hindi nga halata na may asawa ka, Doc. Sa ganda mo kasing iyan, imposibleng single ka." Alam ba nitong may matamis siyang dila? Aware ba siya na sa kasasalita niya ng ganiyan ay para akong nalulusaw? Unti-unti ay natutupok ang pader na siyang inilaan ko para sa sarili. Pader para hindi ako ganoon maapektuhan ng mga lalaking nakapaligid sa akin. Sa madaling salita ay dapat wala akong pakialam sa mga kalalakihan, pero ano ito? "I'm single," deretsong pahayag ko. Rason iyon upang umawang ang labi ni Kidd, saglit pa siyang natawa na para bang ang laking kalokohan ng sinabi ko. Ngunit nang makitang seryoso ako ay tumigil ito at napatitig sa mukha ko. "Since birth," segunda ko upang tuluyan nang bumagsak ang panga nito sa sahig. "Wala akong asawa, o naging boyfriend." Kasi masaya na ako na mag-isa sa buhay. Masaya na ako sa mga natatanggap kong achievement, sa perang naiipon ko dahil sa sariling sikap. Masaya na ako, pero bakit ngayon ay parang may kulang? Masaya na dapat ako. Ngayon na lumitaw sa eksena si Kidd ay parang hindi sapat. May kulang at tila ba may nawawalang parte sa katauhan ko na hindi mabubuo kapag wala siya. This is too insane. Ayokong paniwalaan na nangyayari ito sa akin, na naghahangad ako ngayon ng kalinga ng isang lalaki, na gusto kong mapasaakin si Kidd. "So, yeah..." dugtong ko ulit nang hindi siya magsalita. "Sige na, maiwan na kita rito. Nakalimutan kong may dapat nga pala akong gawin." Tipid akong ngumiti, kapagkuwan ay tumayo at sandaling inayos ang sarili. Nang hindi pa rin magsalita si Kidd ay tumalikod na ako, siya namang paghawak nito sa palapulsuhan ko. Sandali akong napatigil upang namnamin ang kuryenteng tila sumisid sa sistema ko, kulang na lang ay mangisay ako nang dumampi ang palad ni Kidd sa akin. "Thank you ulit, Doc. Patungkol doon sa napag-usapan natin noong nakaraan, totoo iyong sinabi ko na gagawin ko ang lahat ng pwede mong ipagawa, bilang kabayaran sa pagtulong mo sa amin ni Mama rito sa hospital." Nilingon ko ito, seryoso siyang nakatingin sa akin ngunit puno ng sinseridad ang parehong mata nito, hudyat na hindi nga ito nagbibiro. Pero sa totoo lang, wala naman akong hinahangad na kapalit. Ayos na sa akin na makitang okay silang lahat, na mapagaling ko sila. Kasi kaakibat naman nito ay ang muling pagkakakinlalan sa akin bilang isang magaling at sikat na doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD