Chapter 7

1028 Words
Sa sigaw niyang iyon ay para akong nabingi, sandaling huminto ang pag-inog ng mundo ko. Hindi pa nagtagal nang dali-dali akong lumabas ng kotse upang makasiguro sa sinabi ng babae. At halos malaglag ang panga ko nang makita iyon mismo ng dalawang mata ko. Mula sa harapan ay naroon ang isang lalaki na siyang pinagtutulungan na maigilid ng kaniyang mga kaibigan sa kalsada, na kapwa ring estudyante. Wala nang paatubiling nilapitan ko sila dahilan para mahati sa dalawa ang kumpulan, kaagad akong lumuhod sa tabi ng lalaki upang mabigyan ito nang maaaring lunas. Kalaunan nang mapatulala na lang ako sa mukha nito, hindi lang siya basta lalaki— for christ's sake, siya iyong lalaki na laman ng panaginip ko kagabi! Iyong lalaki na siyang nakiusap sa akin sa hospital at ang anak ni Helen Cristobal. "Dok, ikaw pala..." mahinang sabi nito, kasabay nang pagngiwi niya. Saglit akong napakurap-kurap, bago nagbaba ng tingin sa binti nitong napuruhan kung kaya ay maagap ko iyong inabot upang hawakan. Magkasabay kaming nagulat, siya dahil sa pag-inda nito sa sakit. Samantala ay para naman akong nakuryente nang mahawakan ko ito. Napatitig siya sa akin, marahil ay hinahanap sa mukha ko kung anong mali. Kalaunan nang lumayo ako at tumayo. "Dadalhin kita sa hospital," pahayag ko dahilan para mangunot ang noo nito. "Hindi na, maliit na bagay lang ito," maagap niyang pagtanggi. "Nagdurugo ang binti mo! Paanong hindi maliit na bagay iyan?" muling histerya ng babae kanina, bago ako nilingon. "Sige na po, dalhin niyo siya sa hospital. Hindi mo pwedeng takbuhan si Kidd, total ay kasalanan mo naman ito!" Inutusan ng babae ang mga kasamahang lalaki na ipasok sa loob ng kotse si Kidd— if that's really his name. s**t. Pangalan pa lang ay literal nang malayo ang agwat naming dalawa. Wala pa man akong sinasabi ay nauna nang binuksan ng babae ang pintuan sa back's seat, rason para igiya nila papasok roon si Kidd na ngayon ay pipilay-pilay maglakad. Ayaw man din nito ay panay ang pilit sa kaniya ng mga kaibigan. Wala pa sa huwisyo nang gumalaw ako, nakitulong na rin ako nang makitang nahihirapan siya. Makailang ulit itong uminda na mas lalong nagpahabag ng kalooban ko. "Ako na, Ale," pagsingit ng babae at saka ito pumwesto sa dapat na kalulugaran ko. "Sasama ako. Sasamahan ko si Kidd sa hospital." Hindi ako natigilan sa pambabastos nito, bagkus doon sa itinawag niya sa akin. Ale? As in manang? Gusto kong matawa, kung hindi ko lang narinig ang malakas na pagkalabog ng pinto sa kotse ko. Kulang na lang ay pasukan nang langaw ang bibig ko sa pagkakanganga ko. Napipilan kong tinanaw ang babae na naroon na sa loob at katabi si Kidd na umaaray pa rin sa sakit. "Jeremy, kayo na ang bahala sa excuses namin kay prof!" Wala na akong nagawa, kung hindi lang din mas umibabaw ang konsensya ko ay baka hinila ko pa palabas ng kotse iyong babae. Hindi pa nagtagal nang pumasok ako sa driver's seat. Sandali kong sinipat ng tingin ang dalawa mula sa rear view mirror at talaga bang ginawa nila akong driver? Really, huh? Malakas kong hinampas ang busina dahilan para mapatalon sa gulat iyong babae sa likuran ko. Kapagkuwan ay mabilis ko nang pinausad ang kotse. Iyong fifteen minutes kong palugit ay naging negative five na. Late na ako and for they information, never akong na-late o nasira ang attendance ko. Sumakto pang naging traffic sa EDSA. Holy God! Ang sarap magmura at sumigaw dahil sa inis. Nangingitngit ako sa galit nang makapasok ako sa gate ng hospital, hindi na ako pumasok ng parking lot at inihinto na lang ang sasakyan sa gilid. Kaagad akong tumawag ng medic at sa isang wheelchair pinaupo si Kidd. Mabilis itong naipasok sa hospital, kasunod ng babaeng iyon na para bang ayaw malingat at iwan si Kidd. Wow, girlfriend? Napaismid ako at padarag na isinarado ang pinto sa kotse. Kaagad ko rin silang sinundan sa loob ng emergency room, kung saan marami rin ang taong naroon. "Doc, pagalingin niyo po siya." Iyon ang sumalubong sa pandinig ko nang malapitan ko sila sa kanilang pwesto. "As if he got shot in the head. Bakit hindi ka na lang maghintay doon at saka ka kumalma?" wika ko na itinuturo ang waiting area na marami pa naman ang bakante sa upuan. Napalingon sa akin si Doc. Sidney na siyang nag-aasikaso kay Kidd. Ganoon din si Kidd na tila ba nagulat sa inasal ko, mataman ako nitong tinitigan habang kinakalkula ang emosyon ko. Huminga ako nang malalim, maging ako man ay nagulat sa inasal ko. Paano at ang OA lang ng dating sa akin. Palihim kong kinurot ang braso upang ikalma ang sarili, kalaunan nang matawa si Kidd. Rason iyon para sabay-sabay namin siyang lingunin, tapos na itong tumawa ngunit ang pagkakangisi ng kaniyang labi ay nakapaskil pa rin. Mayamaya pa nang lingunin niya ang babae. "Tama naman si Doc., Maika. Hindi naman ako nabaril," pahayag nito at saka pa umayos sa kaniyang pagkakaupo sa hospital bed. "Doon ka na muna, hintayin mo na lang ako roon." So, Maika is the name. Not bad. Maganda naman siya, dalagang-dalaga itong tingnan sa color blonde niyang buhok. Makinis at maputi ang balat, lalo pa nitong ikinaganda ang pagiging matangkad. "Sure ka? Ayaw mo ng moral support?" Muli ay natawa si Kidd, kasabay nang kaniyang pag-iling. "Hindi na." Tuluyan nang lumayas si Maika, inungasan pa ako nito nang malampasan niya ako. Pwede ko ring idagdag ang pagiging maarte nito. Tch. Kung wala lang akong iniingatang pangalan ay baka kanina ko pa ito nasampal at nasabunutan. Walang respeto. Wala akong naging imik at hindi na lang pinansin. Hindi naglaon nang tatlo na lang kami ang maiwan doon, si Doc. Sidney ay patuloy pa rin sa ginagawa. Nagulat pa ako nang balingan niya ako. "Ikaw na ba ang mag-aasikaso sa kaniya, Doc. Andrea?" tanong nito dahilan para alanganin akong tumango, hindi pa mawari kung oo ba ang tamang sagot. "Teka, nag-in ka na ba?" Sa sinabi nito ay literal na nanlaki ang mga mata ko. Oh, shoot! Halos matampal ko ang sariling noo sa sobrang kalutangan— nga ba? O baka dahil ayokong iwan si Kidd?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD