"Hmm... kasi, Ninang, naalala mo iyong crush ko na kinukwento ko sa 'yo?"
"Sino roon?" maang kong pagtatanong, sandali akong napaisip habang nangungunot ang noo.
"Basta, Ninang. Nagkausap kasi kami kahapon sa call at sinabi nitong gusto niya rin daw ako!" Tuluyan na siyang napahiyaw sa kakiligan na halos mangisay-ngisay pa ito sa kaniyang kinauupuan.
"Oh, God!"
Maagap kong tinakpan ang magkabilaan kong tainga sa tinis ng boses ni Jasmin, kulang na lang ay salpakan ko ng donut ang malaking bunganga nito na animo'y nakalunok ng megaphone.
"I'm so kilig, Ninang. Kapag nanligaw siya ay update ulit kita. But for now, I gotta go! May class pa ako!" Madalian itong tumayo, kapagkuwan ay hinalikan ako sa pisngi.
Wala na ring paawat na tumakbo ito palayo ng kusina, nang makalabas ng unit ay napailing-iling na lang ako sa kawalan habang nakatitig sa pintuang pinaglabasan ni Jasmin.
Should I say— sana all may lovelife?
Sa pag-alis ni Jasmin ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang tumakbo sa threadmill, magpa-tone ng muscle sa braso at abs. Nagpupunta ako sa gym kasama si Olivia, pero hindi araw-araw.
Twice a week siguro, before my rest day at mismong araw ng off ko. Kaya ngayon na tinatamad akong lumabas ng unit ay dito ko na lang muna sa loob ginagawa ang morning routine ko.
Bandang alas dies nang maligo ako ng higit sa dalawang oras. Katulad ng parating ginagawa ay nagbababad ako sa ilalim ng bathtub, saka magbabanlaw sa shower room at magpapatuyo ng buhok.
Suot ang puting roba nang lumabas ako ng banyo at dumeretso sa walk-in closets. Nang makapasok ay bumungad sa akin ang dim lights sa loob, malaki ang closets ko na kasing laki yata ng public restroom sa hospital.
Nakapaligid ang purong pormal na outftit. Nariyan ang casual dresses, with different designs. Lahat iyan ay branded at galing pang ibang bansa, mayroon ding pinapasadya mula sa tanyag na mga fashion designer.
I also have collections of suit, business-style dress, skirt and dressy top. Mayroon ding formal evening gown, or cocktail dress dahil paminsan-minsan ay may event ang Monte Alba Hospital.
Sa gitnang bahagi naman ng closets ay ang glass cabinet na pinupuno ng iba't-ibang jewelry and accesories. Hindi ko na iisa-isahin, but I do have a series of some famous brand like; Bvlgari, Chanel and Hermes.
To make it clear, I'm not bragging nor to feel envious by the people who can't afford it. Proud lang ako sa sarili ko na sa ilang taon kong pagtatrabaho at pagsusumikap ay naipundar ko iyan.
Sa akin lahat galing 'yan, kaya sobrang saya ko lang sa tuwing nakikita ko ang mga pinaghirapan kong bagay. Iba kasi sa pakiramdam na maibigay mo iyong luho mo na ikaw mismo ang gumastos.
Wala sa sariling napangiti ako, bago sinimulang magbihis. Maingat ang bawat paggalaw ko at hindi naman ako nagmamadali. I can manage my time and drive at high speed.
Nang matapos sa pagbibihis ay humarap ako sa malaking salamin, I'm wearing my trouser pants in color beige. Tinernuhan ko lang iyon ng white cotton blouse and a pair of two-strap fiflop sandals.
Mayamaya pa nang maupo ako sa harap ng vanity table. Bilang ganap na dalaga— I mean, matandang dalaga ay nag-ayos ako ng mukha. I put a natural makeup, it's called “no makeup” makeup look.
For me, as a doctor ay hindi advisable ang heavy makeups, since there is a lot of work in the hospital. We cannot only examine and councel patients, take medical histories or prescribe medications.
We perform operations. And our normal duty is 80-hours weekly, overnight call frequency to no more than one in three, 30-hour maximum straight shifts, and at least 10-hours off between shifts.
Imagine the 30-hours straight shifts. Kung wala lang ang derma, goodbye world na talaga ako nito. But thanks God, my average duty is 20-hours. So, more or less, bukas pa ng 7AM ang uwi ko.
Huminga ako nang malalim, bago tinapos ang pag-aayos. Isang pasada ng Dior perfume ang ginawa ko sa leeg at wrist ko, kapagkuwan ay tumayo na rin at inabot ang hand bag na naroon lang sa tukador.
Hindi pa nagtagal nang makalabas ako ng unit. Hindi na ako kumain dahil madalas ay sa labas ako palagi kumakain. I don't have much time on cooking, rather no time in doing house choir.
Wala akong katulong sa unit, unlike sa bahay ni Daddy na marami akong nauutusan. At weekend ay bumababa ako sa laundry shop para roon labhan ang mga nagamit kong damit.
Sa paglilinis naman ng bahay ay kahit papaano, nauutusan ko paminsan-minsan si Jasmin. Bukod sa pagbisi-bisita nito sa unit ko ay alam niya ang passcode ko, kung kaya ay alam ko na madalas siyang nagtatambay doon after class.
Ang ina nitong si Olivia ay high school friend ko, nabuntis sa edad na nineteen. She then at least tasted the goodness of heaven. Habang ako ay hindi malaman kung makatitikim pa ba, o mamamatay na lang na tigang.
But I swear in hell— joke. Ayokong magsalita nang tapos at baka mamaya ay hindi lang tikim ang mangyari sa akin.
Nang makababa sa parking lot ng building at makapasok sa kotse ay kaagad ko rin iyong pinausad palabas, saka pinaharurot sa gitna ng EDSA. I only have fifteen minutes for christ's sake.
Dinaig ko pa kasi ang sanggol sa pagligo, ang dalaga sa pag-aayos ng sarili. Mayamaya pa nang manlaki ang mga mata ko, kasabay nang marahas kong pagbusina sa kotse.
"Holy s**t," bulong ko sa hangin.
Wala sa sariling napasubsob ako sa manibela dahil sa biglaan kong pagpreno. Mula sa labas ng bintana ay tinanaw ko ang tanyag na public school at nasa harapan ko ngayon ang kanilang pedestrian lane.
Sa katotohanang may kamuntikan na akong mabangga ay kinapos ako ng hininga. Umawang ang labi ko nang makita ang grupo ng mga estudyante na siyang tumatawid kanina.
Akala ko pa ay okay na, siya namang may kumatok sa bintana ng kotse. Isang babaeng estudyante na bakas sa mukha ang pag-aalala, kung kaya ay mabilis kong binuksan ang bintana.
"Iyong kaibigan namin, nabangga mo!" histerya nito habang hindi na maipinta ang mukha.