Chapter 5

1016 Words
Siya namang pagbagsak ng panga ko nang mula sa harapan ko ay naroon na iyong lalaki, katulad ko ring walang saplot ang katawan dahilan para abot-tanaw ko ang matipuno nitong dibdib. Nakaupo ito sa tapat ko, kung kaya ang kalahati lang ng kabuuan niya ang nakikita ko. Tanging ang dibdib lang nito ang nagawa kong mapagnasaan, pati ang balikat at braso niyang naghihimutok sa muscles. "Come and taste me. I know you want me," pahayag nito sa nanghahalinang boses na animo'y nasa isang commercial ad. Inabot pa nito ang kamay kong naroon nakapatong sa gilid ng bathtub at saka dahan-dahan na inilubog sa tubig. Naramdaman ko kaagad ang magkasabay na lamig at init na siyang hatid ng kaniyang palad. Pababa nang pababa ang kamay ko, may kung anong gusto siyang abutin mula sa ilalim nito. Kaya bago pa man mangyari iyon ay ubod ng lakas akong tumili, kulang na lang ay mabasag ang mga salamin sa paligid. "Ahh!" Mariin akong napapikit, makailang ulit akong umiling-iling sa kawalan habang panay ang sigaw ko. Tuluyan ko na ring inilubog ang sarili sa tubig, kasabay ulit nang pag-ahon ko. "Ahh!" muli kong sigaw. Sa pagmulat ko ay napansin kong nasa kwarto na ako at nakahiga sa queen size bed ko. Hapu-hapo ko ang dibdib nang may ma-realize ako. Goodness, panaginip lang ang lahat! Dala ng kahibangan at kawalan ng ulirat kagabi ay hindi ko na malaman ang mga pinaggagawa ko na hanggang sa pagtulog ko ay hina-hunting pa rin ako ng lalaking iyon. Damn it. It may looks so real, iyong pakiramdam ng kaniyang katawan. Iyong boses nito na kakaiba ang hatid sa sistema ko, ang malakas na pagtibok ng puso ko ngunit panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam, pero kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwang nang malaman nananaginip lang ako. Hallucination ko lang din iyong eksena sa bathtub. Kailangan ko na yatang magpa-psychiatrist. Iba na 'to. Hindi pa nagtagal nang tumayo ako at dali-daling lumabas ng kwarto, suot ang silk nightgown ay tinungo ko ang kusina upang kumuha ng tubig. Gamit ang pitsel ay deretso akong uminom doon. Halos ubusin ko iyon at dinig ko pa ang bawat paglagok ko. Nang matapos ay ibinaba ko lang iyon sa counter table, roon ay makailang ulit akong nagpakawala nang malalalim na hininga. Mayamaya pa nang kamuntikan na akong matumba nang marinig kong tumunog ang doorbell sa labas ng unit. Nangunot ang noo ko, bago napatingin sa malaking orasan na naroon sa sala— 8:16 AM. What the... Ayaw man sana ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang rason. For pete's sake, wala naman akong inaasahan na bisita. Ang pasok ko ay mamaya pang after lunch. So, who the hell is this? Upang makasigurado ay dali-dali ko iyong pinuntahan, halos magwala pa ang puso ko sa pag-aasam na baka iyong lalaking iyon ang nasa labas ng unit. Hindi nagtagal nang bumungad sa pagmumukha ko ang isang box ng dunkin donut. "Good morning, Ninang Andrea!" malakas na sigaw nito, nang maibaba niya ang hawak ay nasilayan ko ang mukha ni Jasmin. Napalunok ako, parang gusto kong lumubog sa kahihiyan. Bakit ko ba naisip na pupuntahan ako ng lalaking iyon? Hindi ko naman binigay ang address ko, unless na lang na nag-effort itong mag-search. "Okay ka lang, Ninang?" puna ni Jasmin nang mapansin marahil ang pamumula ng mukha ko, pati ang ilang butil sa noo ko. "Ayos lang. Bakit ka napadaan?" kapagkuwan ay casual kong banggit. "It's been two days, Ninang. What do you expect? Syempre ay na-miss kita." Matapos nitong makipagbeso sa akin ay matamis niya akong nginitian. Wala pa man akong paunlak dito ay wala nang pasabing pumasok ito sa unit ko. Rason din upang gumilid ako para makadaan siya. Aba ang bruha, may pinagmanahan talaga. She's Jasmin, 21 years old and a graduating student on her business marketing course. Ang nag-iisang anak ng kaibigan kong si Olivia Melendrez. I'm so grateful na mas matanda ito sa akin ng isang taon. Anak nito si Jasmin sa una niyang asawa ngunit nagkahiwalay din at ngayon nga ay hopeless romantic na ang babaeng iyon, just like me. "Ninang Andrea!" muling sigaw ni Jasmin mula sa kusina, kaya kaagad kong isinarado ang pinto at sinundan ito. Nang makapasok doon ay nakita kong binuksan nito ang ref at saka kumuha roon ng low fat milk. Gamit ang isang baso na nakuha niya ay sinalihan nito iyon dahilan para magsalubong ang kilay ko. "Ikaw na bata ka, pinapakain ka ba ng nanay mo? Kada nandito ka ay inuubos mo ang mga stock ko," angil ko rito. Ganoon pa man ay hinayaan ko na ito sa ginagawa niya, kapagkuwan ay sinaluhan siya sa lamesa para makapag-agahan na rin. Kumuha ako ng donut sa dala nito at nagsalin na rin ng gatas. "Kumusta na ang pag-aaral mo? Nasa tamang daan ka pa ba?" "Oh, my God, Ninang! Kung makapagsalita ka ay parang napariwara na ako," asik nito kung kaya ay napangisi ako. "Of course, I'm fine. And you know what, Ninang? Natanggap ako sa Wilson King Advertising Company para roon mag-intern." Umimpis ang labi ko upang itago ang kagalakan para sa inaanak ko. Kahit kailan talaga ay hindi ako binigo ng batang ito, kung 'di ay isasauli ko talaga ang kandila kay Olivia. "Good to know. Sulit din pala ang paghingi-hingi mo sa akin ng pamasko," pahayag ko dahilan nang pagtawa niya. "Sa December, Ninang, I want Mercedes-Benz." Lumakas ang tawa nito, animo'y ayaw akong bigyan ng pagkakataon na magsalita. "Joke lang. Basta kahit ano na galing sa 'yo ay tatanggpin ko." "Iba iyong saya mo ngayon. Ang blooming mo pa, feeling inspired?" Pinagtaasan ko ito ng kilay dahilan para muli siyang matawa, kasabay nang pamumula ng kaniyang pisngi. Bukod sa mga pasyenteng nahahawakan ko ay si Jasmin lang din ang madalas kong kausap. Paminsan-misan siyang dumadalaw dito, hindi na nga lang inaanak ang maitatatawag ko sa kaniya. Kaibigan na rin ang turing ko rito. Kapag wala si Olivia ay sa kaniya ako minsan nagsasabi ng mga hinaing ko sa buhay. Ganoon din ito, kung kaya ay wala ng ligtas ang kaluluwa nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD