Chapter 4

1067 Words
"Surgery?" mahinang bulalas ng lalaki at animo'y hindi makapaniwalang pinagmasdan ang mukha ko, akala niya siguro ay nagbibiro ako. "Yes, ayaw naman siguro nating lumala pa at dumating sa stage C, right?" Malakas na napabuntong hininga ang lalaki, saka pa nito nilingon ang kaniyang ina na ngayon ay tahimik na nakikinig lamang sa akin. Mapait akong ngumiti sa kawalan. Sa katotohanang namatay si Mommy sa sarili ko pang mga kamay ay ngayon ko lang pinagdudahan ang sarili, kaya ko pa ba? Sa isiping iyon ay mas lalo akong natuliro at nawala sa konsentrasyon. "I have to go," anas ko bago pa man ako tuluyang matumba sa nararamdamang tensyon. "Excuse me! Sandali lang!" Boses iyon ng lalaki na siyang sinundan pala ako sa labas ng emergency room. Bago ko pa man marating ang office ko ay tumigil ako sa paglalakad habang mahigpit ang hawak sa dala kong mga papel. "Wala na bang ibang paraan? Gamot na pwedeng inumin? Baka madaan pa iyon sa gamot," desperadong sambit nito, kaya nilingon ko siya. Bumungad sa akin ang tangkad nito na nagawa ko pa itong tingalain, kulang ang three inchess heels sa suot kong sapatos dahil haggang balikat lang ako nito. Umawang ang labi ko. Imbes na magsalita ay natuon ang atensyon ko sa labi nitong tila nanghahalina at nang-aakit na halikan iyon. Napalunok ako, may kung ano pang rumaragasa ngayon sa kaibuturan ng katawan ko. Kung ano man ito ay hindi ko iyon nagugustuhan ngunit hindi ko mapigilan ang sarili, para lang akong hibang na mas nababaliw pa sa presenya ng lalaki. f**k, this is insane! Baka kailangan ko na ring tingnan ang sarili, wala ito sa vocabulary ko bilang Cardiologist, pero ang masasabi ko lang— hindi ito tama. Mali ngunit bakit ang sarap sa pakiramdam? "Tulungan niyo po ako, kami ng mama ko, please. Kahit ano ay gagawin ko," pagmamakaawa niyang muli at bago pa man ako makalayo ay nahawakan na nito ang kamay ko. Doon ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaibuturan ko, nananalaytay iyon hanggang sa maliliit kong ugat na naging sanhi upang mabuhayan ako ng dugo. Tila ba ang natutulog kong puso noon ay hindi na maikalma ngayon. Pati ang pagtibok sa ibabang parte ko ay hindi na rin tama. s**t, this is not happening. No! No! Heavenly God, kunin niyo na po ako. "Hindi ko hawak ang buhay ng iyong ina, pero pwede kitang tulungan sa perang gagastusin ninyo sa operasyon." Bullshit! Literal na gusto kong iuntog ang ulo ko sa matigas na pader, sa pinagsamang pagnanais at pagkaawa sa lalaking iyon ay iyan ang katagang lumabas sa bibig ko kanina. Tila bangungot iyon sa akin na matapos naming mag-usap ay parati na itong laman ng isipan ko. Walang mintis at ayaw magpaawat. Hanggang ngayon na natapos na ang duty at pauwi na ako ay dala ko pa rin siya sa utak ko. Mukha pa rin niya ang nakikita ko. Ang naturang amoy nito ay nakadikit na yata sa katawan ko dahil patuloy ko pa rin siyang naaamoy, akala mo ay nakulong na sa ilong ko ang panlalaki nitong pabango. Dala ng kahibangan ay wala sa sariling nilingon ko ang bandang likuran ko sa pag-aakalang baka sinusundan ako ng lalaking iyon. Kalaunan nang matawa na lang ako sa sarili. "Great, I'm crazy," palatak ko sabay iling sa kawalan. Nasa parking area na ako ng hospital at sa parating pwesto ng kotse ko ay doon ako nagtungo. Hindi nagtagal nang makapasok ako sa loob, makailang beses pa akong napabuntong hininga. Matapos buksan ang engine ay kaagad ko rin iyong pinausad. Wala akong imik sa buong biyahe na nilalakbay ko ang kahabaan ng EDSA. Madilim na ang kalangitan, anong oras na rin naman na. It's already past eleven. Tahimik na ang paligid, naging sapat na sa akin ang ilaw sa bawat posteng nadaraanan ko. Pati ang ilang ilaw sa mga billboard at nagtatayugang building. Ilang minuto pa ang lumipas nang makapasok ako sa parking area ng A&D Tower, kung saan ang kinalulugaran ng condo unit ko. Nang mai-park sa dating pwesto ay mabilis akong lumabas. Usually, sa ganitong oras ay dapat inaantok na ako. Wala na dapat ako sa huwisyo na mag-isip pa ng kung anu-ano ngunit heto ang taksil kong puso, animo'y may karera at ayaw tumigil. Nang mailuwa ako ng elevator sa 23rd floor ay deretso akong lumabas. Ang mga yapak ko na nanggagaling sa heels na suot ko ay siyang nagsilbing ingay ko sa napakatahimik na hallway na iyon. Kalaunan nang tumigil ako sa isang pintuan, nang maipasok ang sariling passcode ay bumukas iyon. Kaagad ding sumindi ang awtomatikong ilaw na naroon banda sa pintuan. Nakakain na ako kanina sa hospital, kaya sa kwarto na ang tungo ko. Dumeretso ako sa banyo upang punuin ng tubig ang bathtub, inihinanda ko rin ang ilang gamit na kakailanganin ko. Most especially my personal hygiene. Ganito ako kametikolosa pagdating sa katawan ko, ayoko ng marumi. Ayoko ng mabaho at makalat. Ngunit lahat ng ito ay ako lang ang nakikinabang. Ngayon ko lang natanto, para saan pa ba ang paggamit ko ng PH care kung wala namang nakikinabang? Though, it's a part of my daily routine, pero nariyan naman ang sabon 'di ba? I shave thrice a month, I often go to the spa to wax my legs and armpits, or go to Dermatologist to keep my skin flawless as porcelein. Palagi rin akong laman ng gym to maintain my heatlh and weight. Wala sa sariling nasampal ko ang sariling pisngi. Why, God? Bakit ngayon ko pa ito naiisip? Masaya naman ako noong ginagawa ko ito, bakit ngayon ay parang kinukwestiyon ko na ang sarili? Bakit ngayon pa, huh? Kung kailan matanda na ako? Like hello, nasa edad forty na ako. As if may magkakagusto pa sa akin, maski nga kaedad ko ay tila ayaw na akong patulan. Siya pa kaya na doble ang bata sa akin? Oh, God. What is his name again? Bukod sa pangalan ng kaniyang ina ay Helen Cristobal, wala na itong ibang pagkakakinlanlan. Ano na ba itong nangyayari sa akin? Bago pa man ako tuluyang mabaliw ay mabilis kong inilubog ang hubad kong katawan sa bathtub na puno ng bumubulang tubig, gawa ng scented soap na inilagay ko kanina. Kasabay nang mariin kong pagpikit ngunit kasunod din nito ay ang pag-materialize ng mukha ng lalaking iyon, rason para mapamulagat ako. Maagap akong umahon sa tubig, saka pa malakas na tumili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD