Chapter 3

1097 Words
Sa sinabi niya ay nagmistulan lang akong nanalo sa lotto, na sa kabila ng pagdadalamhati ko ay nagkaroon ako ng lakas para harapin ang panibagong araw. Mabilis na umukit ang malaking ngiti sa labi ko. "Talaga, Doc? Jesus, thank you!" ngiting-ngiti ako nang mahawakan ko ang kamay nito upang makipag-shakehands para sa buong pusong pasasalamat. Nagulat ito sa ginawa ko, kung kaya ay kaagad na bumaba ang atensyon nito sa kamay naming magkahawak. Doon lang ako natauhan at maagap na lumayo upang bigyan ng espasyo ang gitna namin. I'm so overwhelmed, my bad. Nahihiya man ay nananatili ang pagkakangiti ko. Yes, ganito ako kasaya pagdating sa trabaho ko na para bang wala ng makahihigit pa na ibang bagay sa kasiyahan ko ngayon. "Thank you, Doc. You gave me hope," wika ko na hindi matigil-tigil sa pagkakangiti. "No problem. You can handle the next patient. So, hurry up and get ready." Tipid itong ngumiti, ganoon pa man ay ebidensya na para sa akin ang pagkislap ng kaniyang mga mata para sabihing masaya ito para sa akin. Kung may isang tao lang siguro ang naniniwala sa akin dito sa hospital ay walang iba iyon kung 'di si Director Bry Falcon. Hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa, pero masasabi kong napakabuti niya. Naging sapat na sa akin ang mumunting ngiti nito sa tuwing nagkakasalubong kami sa hallway. "All right, see you around." Itinaas nito ang isang kamay sa ere, tanda ng kaniyang pamamaalam dahilan para tumango ako. Matapos makalabas ni Doc. Falcon sa opisina ko ay mabilis lang akong nag-ayos ng sarili, isinuot ko lang ang puting lab coat ko at maagap ding lumabas upang sundan ito sa labas. Sa oras na iyon ay dumagsa ang mga pasyenteng may sakit sa puso na napuno ang emegency room. Ang una ko pang nahawakan para sa araw na iyon ay may sakit na heart arrhythmias. Serious arrhythmias often develop from other heart problems, but may also happen on their own. When you have an arrhythmia, your heart has an irregular beating pattern. Hindi siya ganoon kalala, o ka-problematic kumpara sa coronary artery disease, but since it concerns the heart of the patient, it needs to be treated and resolved immediately. "What drugs you are taking? Medication for treatment or even vitamins? Family history? Do you have any illnesses, aside from your heart disease? Cold, flu, or fever? Do you smoke— or drink?" Sa sunud-sunod kong pagtatanong ay tanging pagtitig lang sa akin ng babaeng pasyente ang natanggap ko. Sandali ko pang sinipat ng tingin ang hawak kong information niya. Helen Cristobal, 40-year old. Kaedad ko lang din pala. Napabuga ako sa hangin, bago ibinaba ang hawak na mga papel, siya namang lingon ko sa kasama nitong babae, tantya ko ay nasa middle twenties lang ito. Siya na lang ang sumagot sa mga katanungan kong iyon, sa nakalipas na minuto ay naging abala ako sa pag-discuss ng mga pwedeng gawin at bawal gawin ng babaeng pasyente. Naroon pa rin kami sa emergency room, kaya naman ay kitang-kita ko ang bawat nagdaraang mga tao sa gilid, mainit ang paligid at maingay para sa sabay-sabay na pagsasalita ng mga pasesyente. Sa bawat kwarto ay kurtina lang ang nagsisilbing harang, o divider. Kung kaya ay ganoon din kadali na hawiin iyon ng isang lalaki nang pumasok siya sa kwartong kinalulugaran namin. "Ma!" bulalas nito na siyang hinihingal pa, marahil sa ginawa niyang pagtakbo. "Kuya," buntong hininga ng babae kung saan mabilis din silang niyakap ng lalaking kararating lang. Mula sa pagkakaupo ko sa isang stool ay nag-angat ako ng tingin upang tingnan ang mukha niya, pawisan man ang noo nito ay hindi maipag-aakilang napakagwapo niyang nilalang. Hindi rin maitatangging may tila pumitik sa puso ko sa hindi malamang rason. Kumurap ako upang panatilihin ang poise dahil bulgar kong napagmamasdan ang kabuuan niya. Matangkad, moreno at malaki ang pangangatawan. Suot nito ang isang pares ng unipormeng pang-estudyante, kaya roon ko natantong doble ang layo ng agwat naming dalawa. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila, siya namang baling sa akin ng lalaki na naging mitsa yata upang bumagsak ang panga ko nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano o paanong nagsimulang magrigodon ang puso ko sa abnormal na paraan. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito. Kakaiba, malala pa yata ito sa mga heart disease na nagamot ko dahil ito ay walang gamot. Muli akong napakurap-kurap, gaano ko man kagustong bawiin ang paninitig ko sa kaniya ay hindi ko magawa. Sadyang nakababaliw lang sa kung paano siya kaperpektong ginawa ng Diyos. No artificial and surgery. He has a deep and tantalizing pair of natural brown eyes, well-bridge nose and a natural thin lip. Maaliwalas ang mukha nito, kaya kitang-kita ko rin ang well-sculptured jawline niya, pati ang adams apple nitong tanaw na tanaw ko pa ang pagtataas-baba sa paraang ang sexy pagmasdan. Holy s**t! Bukod sa gusto kong murahin ang sarili, gusto ko rin siyang sapakin, sa ganoong paraan ay masasabi kong hindi lang ako pinaglalaruan ng mga mata ko. Gusto kong patunayan na mali itong nararamdaman ko. Bumaba pa ang atensyon ko sa well-toned biceps nito, sa dibdib niyang bumabakat pa sa puti nitong uniporme. Ewan ko ba sa sarili, sa paninitig dito ay para na akong nagpunta ng langit. "Doc?" Dinig kong untag nito sa akin sa baritonong boses, rason para mabalik ako sa reyalidad. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nito tinatawag. Huminga ako nang malalim at lihim na kinakalma ang puso kong nagwawala sa sobrang pagkapahiya, kasabay nang pagkabaliw sa kaniya. For goodness' sake, nakita niya akong nakatitig sa kaniya! Hindi lang iyon, mukhang alam din nitong pinagpapantasyahan ko ang katawan niya. God damn it, Andrea! "Kumusta po ang nanay ko?" pag-uulit nito sa kanina pa niyang sinasabi. Pati ang boses nito ay malalim, tila kay sarap pakinggan nang paulit-ulit at hindi nakakasawa. Tumikhim ako, sandali akong nagpakawala ng hininga dahil masyado akong kinakapos ng hangin na para bang ano mang oras ay matutumba na lang ako. "Well, as of now, she's fine. But we need to do operation since her heart disease is now in stage B— considered a pre-heart failure. It means she has been diagnosed with systolic left ventricular dysfunction but have never had symptoms of heart failure. So, possible surgery or intervention as a treatment for coronary artery blockage, and heart attack." Thanks, God. Nagawa ko pang makapasalita nang maayos sa kabila ng pagkakatuliro ko sa bulgar na paninitig ng lalaki sa labi ko. Is my lip dry? Nakapaglagay naman siguro ako ng lipbalm kanina, ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD