Chapter 2

1042 Words
Huminga ako nang malalim. Sa magdamag kong pag-iyak sa gabing iyon ay wala na akong mailuha ngayong araw ng burol ni Mommy, para lang akong robot na walang emosyon. Malamig ang tinging ipinupukol ko sa mga taong naroon, panay ang pagtangis nila, sabay-sabay pa kung umagos ang 'di mapatatawarang luha bilang pagdadalamhati. Nasa gilid lang ako na nagpaubaya na lang sa mga malalapit naming kamag-anak. Ubos na ang luha ko, kaya hindi ko magawang damayan sila sa kanilang pagiging crying ladies. "Literal na doctor talaga, ano? Wala man lang emosyon." "Ngayon ay naiisip ko nang baka sinadya nitong hindi maka-survive si Tita Annaliza sa operasyon." Nag-isang linya ang labi ko sa mga naririnig kong iyon mula sa bandang likuran ko. Hindi ko man lingunin ay alam kong ang mga pinsan ko ito na walang ibang ginawa kung 'di salungatin ako. Magkaiba kami ng mga industriyang tinatahak, so I guess, hindi nila ako maiintindihan. Hindi ko rin sila maintindihan, kung kaya ay naging kibit na lamang ang balikat ko. Mommy is all that I have, siya kasi iyong nakaiintindi sa akin na hindi magawa ni Daddy. I love her so much, na noong mawala siya ay tila ba namatay din ang puso ko. Siya ang naging karamay ko, si Mommy ang nag-iisang tao na nakasuporta at tumutulong sa akin. Nasasaktan ako, pero hindi ko lang maibigay ang emosyong gusto nilang makita sa akin. Lahat ng luha ko ay naubos na sa ilang gabi kong pag-iyak, tahimik akong nagdadalamhati mag-isa, wasak na wasak ang puso ko ngunit mas pinili kong kimkimin iyon. Hinayaan kong sabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin. Dinig ko man o hindi ay hindi na ako nag-aksaya ng oras para pagtuunan sila ng pansin. Judge me all they want, as if I care. Matapos ang burol ay kaniya-kaniya nang talikod ang mga taong naroon, napansin ko pang nagpaiwan si Daddy sa puntod ni Mommy, rason para kami na lang ang naiwan doon. Nasa likuran ako nito, hawak-hawak ko ang itim kong payong upang maiwasan na mapaso sa tirik ng araw para sa tanghaling iyon. Tangkang tatalikod ako para sana makaalis na rin ay hindi ko nagawa. "Pack of all your things in my house, I don't wanna see you, ever again." Dinig kong sambit ni Daddy na siyang nagpatigil sa akin. "It's fine, I have my own condo unit," pahayag ko sa malumanay na boses. Sa edad kong ito ay ang dami kong natutuhan, isa na roon ang pagiging walang pakialam sa lahat, maging sa pamilya ko. Though, I still respect their decisions. "Ganiyan ka na ba kasama, huh? Andrea, where's your heart?" palatak ni Daddy at tuluyan nang tumayo mula sa pagkakaluhod niya kanina upang harapin ako. Galit ang parehong mata nito na siyang ipinupukol niya sa akin, kita ko pa ang mga veins nito sa noo at leeg, hudyat na hindi mapatatawarang galit ang nararamdaman niya sa akin. He's wearing his usual business attire, black tuxedo and a pair of black shoes. He looks so dominant despite of his age, kahit sino yata ay matatakot sa awra na mayroon siya ngayon, but not me. "Hindi niyo naman ako pinakikinggan sa mga paliwanag ko, what's the point of explaining it to you anyway?" balik pagtatanong ko rito, kasabay nang mapait kong pagngiti. "You sees me as a failure. I'm tired of proving myself to you, na sa kabila ng mga nakamit ko, I'm still the unwanted child." Siya namang putok ng mga ugat nito dahilan nang malakas niyang pagsigaw, "You son of a b***h! Don't worry, all of your hardwork will surely be disappaear. Sasabihin ko sa Lolo mo na tanggalan ka ng mana! After all, you killed her daughter." Iyon lang at deretso na itong umalis, mabibigat ang mga yabag nitong nilampasan ako at nagawa pa niyang banggain ang balikat ko dahilan para mapaismid ako. Just like what I've said, Lolo owns medical pharmaceutical and I want it for me. Gusto kong makuha iyon. Gusto kong ako ang magmamana no'n, kaya rin todo kayod ako upang patunayan sa kanila na deserving ako. And I won't Dad let it happen. Hindi ako nag-aksaya ng panahon, para lang mapunta sa wala lahat ng pinagpaguran ko. I won't never let it happen. I swear in hell. More days had passed, hindi na muna ako humawak ng operasyon since Monte Alba Hospital was disappointed in me. Nakatatawa pa nga na sa kalahati ng populasyon ng empleyado rito ay nag-iba ang tingin sa akin. Dati, they respect me as their senior doctor and in just a wrong move, lahat iyon ay nawala. Sa isang pagkakamali ko ay nahusgahan kaagad ako, baliwala iyong mga nagawa kong tama. Baliwala iyong mga naging achievement ko sa loob ng hospital, iyong paghihirap ko para sa pangalan ng hospital. Bulgar kung matahin nila ako, especially those doctor na kasabayan ko sa larangan. Matapos kasi ang operasyong iyon, kumalat iyon through all social media, even in a newspaper, si Mommy at ako ang naging laman ng headline at issue na hindi ko naman mapigilan, but to remain silent. Hiyang-hiya man ay tinanggap ko ang lahat ng panghuhusga nila, batuhin man nila ako ng masasakit na salita ay nananatili pa rin ako sa pagkakatayo ko, litetal na walang pakialam sa lahat. As long as isa pa rin akong Cardiologist doctor na kinikilala ng lahat, it's fine. Life is too short to waste time on useless things and worthless people. Bahala na sila sa buhay nila. "Doktora Andrea Thompson." Kasabay nito ay ang pagpasok ni Doc. Bry Falcon, our Medical Director. The directors of a hospital are industry leaders in charge of overseeing every single physician on the staff. Nang makapasok ito sa opisina ko ay maagap akong tumayo upang magbigay galang sa kaniya, siya namang ngiti nito sa akin na para bang mayroon itong nais na sabihin. Well, hindi naman ako nito sasadyain sa opisina ko kung wala, hindi ba? Tungkol ba ito sa nakaraang kapalpakan ko? Mae-extend ba ang hindi ko paghawak ng operasyon? "I won't mess around anymore, Doc. Andrea, I am here to tell you that— we're running out of surgeon. I know you're great and amazing doctor, that's why I am here to ask you personally. We badly need you to operate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD