ARABELLA: PARA akong nabunutan ng tinik na nakatarak sa dibdib ko na malamang hindi pala tao ang Venus na tinukoy sa kanya kanina ng mga trabahador nila kundi– kabayo! Nahalata niya tuloy na nagselos ako kanina. Hindi ko naman kasi akalaing kabayo pala ang tinutukoy nila. Hindi naman kasi nililinaw e. Napaghahalataan tuloy na nagselos ako kanina at nago-overthink ng mga bagay-bagay. Akala ko kasi talaga. . . babae ang tinukoy nilang Venus at iniisip kong trabahador dito sa farm nila. “Sayang, bagong panganak pa si Venus. Sakyan sana natin,” anito. “Pero pwede naman tayong gumamit ng ibang kabayo. Gusto mo bang mag-ride tayo, panget?” Napanguso ako. Tapos na niya kasing mapakain ang kabayo. Iyong Venus lang talaga ang pinakain niya e ang dami nilang kabayo. “Ayoko. Hindi ko pa naran

