N A T A S H A
. . .
Nakayuko lang ako at sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Buong gabi namimilipit sa sakit ang ulo ko, nakatulala lang ako at ang daming alaala ang nasa isip ko. Napatingin ako sa paligid habang hawak ang ulo ko. He's gone, umalis nanaman siya. Napatingin ako sa mini table na nasa harap ko at nakita kong may isang baso ng tea doon. Sa tabi nito ay may sticky note.
'Sober up!'
I drew a deep breathe before drinking the tea that he made. Pero hindi ko pa tuluyang nauubos ito nang maibuga ko ito, sobrang pait!
Dahil doon ay tuluyan akong nagising, kumuha ako ng mainit na tubig at iyon na lang ang ininom. Nakakainis, sumabay pa 'yung alaala nang mga pinaggagawa ko kay Ephriam kagabi. Tumayo ako at naglakad-lakad, pilit na kinakalimutan ang lahat.
"Can't I really have you?"
Gosh, did I really asked him that question? Damn, sa pagkakaalam ko ay kaibigan ko lang siya pero bakit may pag-ganon na? Todo push pa ako sa kanila Jane pero bakit naging desperado ako? I hissed at myself while shaking my head, alam kong may sinagot siya sa akin pero hindi ko na matandaan. Hala, baka crush ko na siya. . .
Kumuha ako ng biscuits sa ref pero agad ring napatigil dahil sa naisip ko.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa hiya, at nahalikan ko pa siya? Anong pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon? Hindi ko tuloy alam kung makakakain pa ako ng biscuits ngayon. I slammed the door of the ref closed.
Hindi ako mapakali at sobrang pigil ang hininga ko dahil sa mga naalala ko. Mabuti na lang umalis na si Ephriam, dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ganito pala ang epekto ng alak sa akin, damn. Parang nilalandi ko siya to the max level kagabi, mabuti na lang hindi niya ako pinatulan kungdi. . .
"Ouch, mama." Naiyak ako nang makaramdam ako ng hapdi sa labi ko, nang hawakan ko 'yon ay may dugo na. Kanina ko pala kinakagat ang labi ko dahil sa sobrang hiya.
Bahala na, I'll just deny that I did those things. Sasabihin ko na lang na nakalimutan ko para naman mabawasan ang hiya ko sa harap niya. I just can't ignore him because of embarassment!
Ginawa ko ang lahat para madistract ako sa mga pinag-iisip ko. 4:58 PM na nang mapagpasyahan kong kumain ng potato chips na nasa stock box ni Ephriam. I sat on the sofa, turning on the tv. Nanood lang ako ng kung ano-ano roon.
Kung tutuusin, itong lugar ni Ephriam ay parang hideout ng isang kriminal. Legit, kahit na abandonadong pabrika ito, halos kumpleto sa mga gamit at marami pang nakakalibang na gamit dito, kumpara sa kubo at bahay na napuntahan ko. I wonder if this was really his place? Meron kaya siyang ibang bahay na tinutuluyan? 'Yung mga ka-teammate niya? Do they supposedly live together?
Damn, blacks were so mysterious.
Nang makarinig ako ng ingay ay alam kong nandito na siya pero nang lumingon ako ay hindi siya nag-iisa. He was with another woman, she's not in her black outfit as well as Ephriam. Nakasuot lang ito ng highwaisted na denim short at yellow t-shirt, meron din siyang checkered jacket na tumugma sa porma niya. Si Ephriam? He was on his own feature while wearing his simple jeans and white t-shirt, he still looked attractive though. Hindi lang pala ako ang nakakakita ng tunay na kaanyuan niya.
"Oh," she reacted when she saw me.
Wala namang naging reaksyon si Ephriam nang makita ako. I turned off the tv and stand up to welcome him but he took a step back and avoided my gaze. Then he left.
Naiwan akong gulat sa kinilos niya, anong nangyari? Bakit niya ako iniwasan? Hindi kaya dahil 'to sa ginawa ko kagabi? Pero bakit naman niya ako bibigyan ng tea at magsusulat pa ng 'sober up' kung galit siya sa akin? Parang pinaasa niya ako, anong meron don?
Nakita kong nginisian ako nung babae at umupo sa sofa nang may magkakrus na braso. I bit my lip to calm myself.
Let's get chill, Natasha. Don't welcome unnecessary thoughts.
"So, you are Natasha," she said.
"And you are?" I countered nonchalantly.
"My name's Maeve, Haymitch's sister." I opened my mouth to say something but there's nothing that came out.
Habang tinitignan ko siya, may pagkakahawig nga siya kay Haymitch pero mukha siyang masungit at hindi makakausap. Parang ang talas niya pa magsalita.
Is she one of them?
But I need to be cautious around her, if Haymitch can sucks energy maybe she can also do something worst.
"Have you seen Phoebe?" naging alerto naman ako nang banggitin niya ang kapatid ni Ephriam. What is she going to ask me? Kilala niya rin ito?
"Yes," maikling sagot ko.
"Do you know how eager she was to catch him?"
"Why are you asking me that?" mabilis na tanong ko.
"It's because you're making him doubt." I pursed my lips when she said that. "She was on his list but you are here that's why he can't clearly do his job. And now, they were hunting each other. Sounds bad right?"
"I'm not forcing him to stay and look out for me, wala akong pakialam sa trabaho niyo. Anong kinalaman ko sa kanila, ha?" Nakakunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nito.
Sa pagkakaalam ko, hindi ko naman pinipigilan si Ephriam. At halos hindi ko na nga siya makita dahil sa trabaho niya, anong sinasabi ng babaeng 'to? Nakikipag-kumpitensya ba siya sa akin?
She gave me a scoff first. "Simply because he need to deal with you when in those time, he can rest. You're that heavy baggage to him."
Nakatitig lang ako sa kaniya at di nagsasalita. Katulad na lang kagabi. Paniguradong hindi siya nakatulog dahil ang kulit-kulit ko. Alam kong meron pang mga araw na naging pabigat talaga ako sa kaniya.
"Do you know that my team badly wants to see you?"
I keep my mouth shut. Ito ba 'yung sinasabi ni Jane na grupo nila dati? So magkakasama sila sa iisang grupo pero naiwan 'tong babaeng 'to doon? What really happened?
"Hmm, alam mo dapat nga hayaan na lang din kita. Pero sa nakikita ko sa kaniya ngayon? Isa kang pabigat at pumipigil sa kalayaan niya."
The toxicity in her voice was something I couldn't stand hearing. Is she telling me to stay away from him? That's it? I knew that I'll be dead the moment I escape from Ephriam, at alam ko ring hindi niya ako papayagan.
I remain myself calm even if I couldn't handle this anger anymore. They're the one who are forcing him to stay with them. They are his heavy baggage who stopped him from being free. It's them, not me. Tas ngayon, sasabihin niya sa akin 'to?
What a hypocrite.
"I don't know what you're talking about but whatever you want me to do, I'm not—"
"Oh come on, I didn't asked you to stay away. Kailangan ka rin ng grupo ko. But the mere thought that you're staying here doing nothing is just- What's the right word?. . .Ah, walang utang na loob."
My ears didn't liked what she said that it twitched, I raised an eyebrow. It was partially true, but what else can I do? I know nothing about them. I'm a white, I investigate things. At ang pinagtutuonan ko ng pansin ay si Mr. Walter lang at hindi sa kung sino-sinong tao.
"Aren't you going to do something not to distract him? Or. . . maybe, threatened Phoebe to stay away from your brother."
"I'm not like you," I hissed with anger. Pati si Kuya ay kilala niya rin? Kapag ba nasa listahan, kilala rin nila 'yung mga taong nasa paligid nito? Damn, that's. . .
Tinaas niya ang kamay niya na para bang inaasar ako dahil bigla akong naging agresibo, "Chill, I do not intend to recruit you. Hell, I don't want to see your face."
"The feeling's mutual."
"Whatever," inirapan niya pa ako, tumayo pa siya para mapalapit sa akin. "I know nothing about you for now. Pero kapag dumating ang araw na malaman ko kung saan ka nanggaling, ako mismo ang gagawa ng paraan para mawala ka."
Hinawakan pa nito ang pisngi ko at nagulat ako nang maramdaman ko na nauubos ang lakas ko. Unti-unti rin akong nanghihina, hindi ko alam. But it seems like it was her who was doing this sucking.
"Maeve," Ephriam called and she immediately let me go and looked back at him with sweet smile.
Saglit na nanginig ang tuhod ko nang gawin niya 'yon pero nakatayo pa rin ako.
"Nahanap mo na ba?" she asked and Ephriam gave her a hardrive which she gladly accepted.
"Can I stay?"
"No," maikling sagot ni Ephriam at nakita kong sumulyap ito sa akin.
"Fine, sa susunod na lang." I balled my hand into fist when I saw how she kissed his cheeks. Parang normal na lang sa kanila 'yon, hindi ko alam.
Ang mas nakakainis pa ay naglakad pa siya sa direksyon ko at sadyang tinamaan ang balikat ko. She was clearly competing with me. Hinayaan ko na lang siya at huminga ng malalim. Pinagmasdan ko hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Doon ko lang napansin na pigil ang hininga ko and my jaw was clenching.
Napahawak ako sa mukha ko at maglalakad na sana nang marinig ko ang boses ni Ephriam.
"Lasing ka pa rin ba?" tanong nito.
"Hindi na," walang gana kong sabi at umalis para makapagpahangin.
It scares me. Hindi na ako lasing pero nararamdaman ko pa rin 'yung selos at inggit nung lasing ako. Impossibleng dahil lang sa alak ang ginawa ko kagabi. I hate to admit but I think I feel something towards Ephriam, and it wasn't a joke anymore.
Iba na 'to. Alam kong nainis ako nung makita ko sila but hell, I don't want this feelings. 'Yung sinabi ni Maeve, halatang mas matagal silang nagkikita, marami siyang alam at mas concern kay Ephriam.
Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag si Jane at si Ephriam ang nag-uusap.
It's bad to compare and it was also bad to romanticize someone who don't have time for me. Damn, I really said it.
I can analyze my emotion clearer because I'm innocent and openminded to all. Mahihirapan lang ako kung itatanggi ko pa 'to pero mahirap rin pala kung tatanggapin ko kahit na alam kong ako lang naman ang nag-iilusyon.
Napahawak ako sa bibig ko dahil parang bumaliktad ang sikmura ko. Nangati ang lalamunan ko at ang sunod na nangyari ang nagpanginig sa katawan ko.
I coughed blood.
Napahawak ako sa magaspang na pader para sa suporta. Parang umikot ang lahat nang makita ko ang dugo sa kamay ko, nakakatakot.
My eyes started to tear. Ito ba ang sintomas ng mga pinangagawa sa akin ni Mr. Walter? Damn, bakit ngayon pa? Iniisip ko pa 'yung mga blacks tapos ngayon sisingit naman 'tong nakaraan ko sa whites?
Ito ba ang tinutukoy ni Maeve? Hindi niya ba alam na nakatakas ako sa whites at si Ephriam ang nagligtas sa akin? Natatakot ako na baka malaman niya 'yun kay Ate Phoebe at Kuya Henry, alam kong mapapahamak si Ephriam kapag nalaman ng mga blacks kung saan ako nanggaling. Damn, this is all my fault. I really need to do something.
Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang laylayan ng damit ko. Hindi ko alam ang gagawin, wala akong ibang nararamdaman kungdi ang kati ng lalamunan ko. Tahimik akong umiiyak dahil sa mga problema ko. Hindi ko alam kung paano ko pagagalingin ang sarili ko, siguro nga hindi na rin ako magtatagal.
My nose even bleed as I felt my head getting dizzy.
Kinuyom ko ang kamao ko na may bahid pa rin ng dugo. There isn't much time of me left, I need to do something.
Bumalik ako para makapagpalit ng damit at katulad ng inaasahan ko ay hindi nakaligtas sa paningin ni Ephriam ang dugo sa damit ko. Nakita kong nakasubsob nanaman ito sa laptop niya.
"Where did you go?" He asked suspiciously and looked at my lips. I unconciously wipe if there's still blood on my face.
"Diyan lang," sagot ko at kumuha ng damit at tuwalya para linisin ang sarili ko.
"Bakit may dugo?"
"Syempre buhay pa ako."
"Bakit may dugo 'yang damit mo?" pag-uulit niya, hindi ko pa rin siya nililingon.
"Nadumihan,"
"Pilosopo ka na ngayon?" naiinis na sabi niya.
"Opo," narinig ko na gumalaw siya hanggang sa naramdaman ko ang kamay nito sa aking braso at pilit na pinaharap sa kaniya.
"Where did you get that?" tumitig ako sa mata nito nang matagal. Buo na ng desisyon ko, walang ibang makakaalam sa pagubo ko ng dugo. Wala na rin naman siyang magagawa. Ayokong dagdagan ang mga iniisip niya—kung sakali mang mamoroblema rin siya sa akin. Bahala na.
Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Mind your own bussiness. Hindi kita pinapakialaman."
And after that, I heard nothing to him. . . It's as if he doesn't care at all.
I don't know if it's also the symptoms of Mr. Walter's medicine in me but my heart is aching. And it will never be fine.