twenty-three.jewel

2126 Words
N  A  T  A  S  H  A .  .  . Ilang araw pa ang nakalipas at iniiwasan ko na talaga si Ephriam. Mas lalo lang siyang nagiging masungit sa araw-araw. Sinusuway niya na ako sa mga kalat ko at minsan laging badtrip kaya halos masira niya na 'yung ibang mga gamit. Lagi ring bumibisita rito sila Haymitch at Maeve. Jane was still fixing for her mess. "Anyare sa labi mo?" Haymitch asked while I was busy programming a new game. "Kinagat," sabi ko at iniwas ang tingin. Bumalik nanaman tuloy sa aking isipan kung anong nangyari ng gabing 'yon. "Ng kasama mo?" agad na nanlaki ang mata ko sa binulong niya sa akin. Binitawan ko 'yung mouse at binatukan siya. "Gagi, hindi," agad akong umiling sa sinabi niya habang tumatawa siya habang siya ay sinisiko at tinutukso ako. "Yiee, may effect." natatawang bulong nito kaya pinaghahampas ko siya dahil iniistorbo niya ako. "Tumigil ka na Haymitch, shh!" I hushed him but he just laughed loudly. "Nakagat ko lang 'to, okay?" He still gave me a grin while raising his eyebrow up and down. "Kunware maniniwala ako." "Bahala ka sa buhay mo," Natigil lang kami sa pagbubulungan nang may pumasok sa kwarto. Agad kaming tinapunan ng tingin ni Ephriam nang makita kami. "Yo, Eph." Haymitch greeted but he ignored him and grab something beside the computer were working with. I avoided my gaze when I've seen him glancing at me. I felt Haymitch nudging me so I pinch his skin with clenched teeth, pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Aalis tayo," muli kaming napatingin kay Ephriam nang magsalita ito. Nakatingin ito kay Haymitch kaya naman agad kong naintindihan ang sinasabi niya. Tinulak ko na si Haymitch para makalayo na siya sa akin. "Aalis daw kayo, babye." "Kasama ka," "Huh? Ako?" gulat na sabi ko habang nakaturo pa sa akin. Tinapunan niya ako ng damit kaya napakunot ang noo ko. When I looked at him, he was already walking away. Naiinis kong hinawakan 'yung damit at pinanlisikan siya ng mata. Tinawanan lang ako ni Haymitch dahil sa itsura ko. Nagiging malala na ata ang pagsusungit niya sa akin. *** "Where are we going?" I whisper to Haymitch, we're in the backseat while Ephriam was driving the car and Maeve is beside him. "Kila Kyle, iiwan ka namin don." "Hala," gulat na sabi ko sa sagot ni Haymitch. "Ayoko ron!" "Wala kang magagawa, bitch." Maeve answered, not looking back at me. "Kinakausap ka, b***h?" Hindi na siya sumagot at pakiramdam ko ay inirapan nanaman niya ako. Lumilipad ang isip ko sa kung saan-saan kaya hindi ko napansin na huminto na ang kotse. "You two," Ephriam pointed at Maeve and Haymitch, "Stay here." Pinababa niya rin ako kaya hindi na ako nagsalita. Binuksan niya 'yung gate ng bahay, kinilabutan ako sa itsura ng bahay. The aura is a little bit eerie. Wala sa sariling napahawak ako sa braso nito para makahinto kami. "Ibalik mo na lang ako sa pabrika." "No, you'll be safer here." "Ayoko nga. Hindi ko kilala 'yung lalaking 'yon," I insisted while looking back at the house. "He's fine." "Well, I'm not fine with it." my eyes became uneasy and I can't look at him anymore. I looked down when he removed my grip on his arms and started to walk forward so I followed him. He knocked in the door and I just looked at the welcome mat in front of it. I close my eyes tighter when the door opened. "Oh, nandito pa si Jewel. Ang bilis niyong makarating." the man in front of us said. "We have work." Ephriam said and then I felt someone staring at me. "Is she okay if Jewel was here?" napaangat ang tingin ko. Are they talking about Beatrice? "She'll be fine with it," Ephriam said nonchalantly. "I hate her," biglang sabi ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. "I don't want to be here." "Stop being stubborn." suway sa akin ni Ephriam. "I'll be leaving her to you." Pinagmasdan ko ang paglalakad niya papalayo. I felt like something has changed in him. Naguguluhan na ako. Haymitch bid goodbye at me through the car's window and I just smile sheepishly. Natuon lang ang atensyon ko kay Kyle nang umubo ito. "I won't force you to come in, but I'm not going to open this door again." Wala akong nagawa kaya pumasok na nga ako sa bahay niya. Una kong nakita ay 'yung ulo ng deer na nakasabit sa dingding hanggang sa mapatingin ako sa buong living room. Base sa mga design na nakikita ko, mukha siyang hunter sa gubat. Meron pa akong nakitang aquarium na merong bizzare animals na hindi ko mapangalanan. "Feel free. I don't entertain everyone in my house. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin dito." I smirked and went in the kitchen. Agad kong binuksan 'yung ref at tinignan ang laman ng mga pagkain. Kumuha ako ng donut sa loob noon at diretsyong kinain. Nang lingunin ko siya ay nakataas na ang kilay niya sa akin habang magkakrus ang braso. He smiled at me and turned his back. "Hi," napatingin ako sa babaeng bigla na lang umupo sa counter chair. Napansin ko agad ang labi nito na may pagkakahawig kay Jane. "Hello?" hinanap ko 'yung Kyle na 'yon pero mukhang busy siya sa pagbabasa ng libro sa may living room. "Lagi kang nakwekwento sa akin ni Jane," sabi nito sa akin at napangalumbaba pa sa akin. "I'm Jewel by the way, her oldest sister." "Nice to meet you," I forced a smile and I took a bite again, this time aggresively. There's no way she's Beatrice. Siguro magkapangalan lang sila. Nakonsensya tuloy ako bigla sa sinabi ko kanina. Nagkamali pala ako. Akala ko 'yung Kyle na 'yon ang dahilan ng pananatili ni Beatrice sa timeline na 'to. But where is she now? "May problema ba?" tanong nito sa akin. "Napagkamalan lang kita sa isang tao," naguguluhang sabi ko, "My bad." Tumawa nanaman siya sa sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "I am Beatrice Jewel, I really am." "Ano?" pero ang layo ng itsura niya sa Beatrice na nakasama ko sa lugar ni Mr. Walter. Anong pinagsasabi niya? "It's just that I'm in Hazel Jewel's body." She chuckled darkly, "Ginamit niya ang katawan ko at ngayon gamit ko naman ang katawan niya." "Papaano namang nagkapalit kayo ng kaluluwa?" I scoffed, not taking whatever she's saying. "It's because of Jane. They're sisters and Jane experimented her soul when they got into a fight. You know, Jane can exchange two souls." "You're unbelievable." I commented and crossed my arms. Tumitig ako sa kaniya ng sobrang tagal, slowly understanding her words. I trace Hazel's beauty. Magkaiba sila ni Beatrice dahil ang buhok ni Hazel ay medyo wavy at brown habang si Beatrice naman ay itim na itim ang buhok at straight. "Complicated, right?" pinilit niya na ngumiti sa akin. "Nagsisinungaling ka ba? Hindi na mababago ang isip ko kay Beatrice." naguguluhan pa rin ako pero pinili ko na paniwalaan ang nalaman ko kay Ephriam. "If I am, I wouldn't know who Beatrice is." madiing sabi nito sa akin. Kinain ko ulit 'yung donut sa kamay ko at umirap sa kaniya. "Don't say joke, I'm serious here." Tumango na lang siya at kinain din 'yung tinapay na nakatakip sa may lamesa. Nang tuluyan ko nang maubos ito ay nagpasalamat ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. The next thing I knew I was already narrating everything I heard at him to Jewel. And she was taking it all seriously. "Beatrice didn't accept him. 'Yon ang pinakakailangan niya. So whatever you're saying, stay out of line—" "How can I accept her child if she's the reason why I am here? Hindi ako ang totoong nanay niya. Nakikita mo ang mukhang 'to," tinuro niya ang sarili niya. "Ang kaluluwa ng babaeng 'to ang nanay niya. Ginamit niya ang katawan ko at ganon din ang ginagawa ko sa katawan niya." "Wait, wait wait," I blinked so many times while processing her words. "So Beatrice can only see death through her nightmares and Hazel can travel through time, is that it? Kapag natutulog kayo, kaluluwa niyo lang ang gumagala?" "Yeah. But now that I am with her body, I somehow can do what she can. Ganon din siya sa akin. And it happens that when I am travelling time, I am in my own feature. Kaya rin akala niya ako ang batang bersyon ng nanay niya." "What? Then how many times have you visited Ephriam?" "Thrice, I guess." she thinked of it, "The first time was when he's still a child, and I accidentally met him. Ofcourse, I would deny him. Hindi ko pa alam ang nangyayari. The second time was when he was at the age of 10, I still denied him. Hanggang sa inalam ko kung anong nangyayari pati na rin 'yung kamatayan ng mga. . . k-kaibigan ko. Namatay rin si Hazel kaya hindi na ako makabalik sa katawan ko. It's still hard to accept at first but I just gave up." Huminga siya ng malalim, "And the third was when I've saw you." I heaved a deep sigh, still confused right now. "What my point is, I am here because Hazel and I can't go back in our own bodies anymore. Gusto ko siyang tanggapin bilang anak pero hindi ko magawa. Halos magkasing-edad lang kami." she chuckled. Tumingin siya ng mariin sa akin, "Ngayon kung iniisip niya na may kabit ang nanay niya, wala na akong pake roon. I am not his mother, he's just seeing me as one." "You've just fallen inlove with someone, kaya niya nasabi 'yon. Iyon ba ang gusto mong sabihin?" "I am lonely, although Hazel's life is far more better than mine. Yes, I fall inlove with someone." "And that is Kyle?" She gave me a sweet smile, "I love him." Staying with Jewel and Kyle is easy. Kyle's always out because of his studies, pero nandito rin si Jewel at siya ang nakakausap ko. Kinukwentuhan niya rin ako patungkol kay Mr. Walter, mabuti na lang at malakas ang pakiramdam niya kaya kinukwento lang sa akin ang mga conspiracy theories na nahahanap niya. Naramdaman ko na nagkaroon ako ng babaeng kapatid and I swear, it feels good after these past few years that I had. Naging kumportable ako sa kaniya nang magsimula siyang magkwento sa akin hanggang sa unti-unti ko na siyang naiintindihan. "Mukhang bored ka," komento niya sa akin nang makita akong nakatitig sa kisame. "Yeah, puro chemicals chuchu ang nakikita ko rito." sabi ko at tinuro 'yung kusina na puno ng kung ano-ano, "No offense sa jowa mo, but computers interest me more." "You love programming, huh?" sabi nito habang ngumunguya. "Yeah," "Balik ka na kung nabobored ka dito." "Ayoko, baka nandoon ang Maeve na 'yon." "Mabait naman si Maeve, ah." "Ewan ko, naiirita ako sa kaniya. Kay Haymitch naman, hindi." nakangusong sabi ko. Pumunta ako sa kwarto na pinahiram sa akin ni Lawrence. Maayos naman ang lahat pero wala rin naman akong magagawa sa kama kungdi talunin ito kapag nabobored ako. Napabalikwas naman ako nang bigl akong may naalala. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Jewel na nanonood ng TV. "Were you a neutral?" biglang sabi ko. "Siguro," kibit-balikat niya. "Neutral din si Kyle." "But your siblings is a black. And also Haymitch." sabi ko at umupo sa tabi niya. "They found nothing interesting in me, though. I don't engage in their works, mas gusto kong mamuhay ng mapayapa." "Kaya rin ba kahit alam mo ang patungkol kay Mr. Walter, pinili mo na lang na tumahimik?" Pinagmasdan ko ang reaksyon niya nang wala akong narinig na sagot mula sa kaniya, ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. "I just wanted to be free. At hindi ko 'yon makukuha kung pakikialaman ko pa si Mr. Walter." "You gave up too easily. How about your old friends? They need justice. Magpapaulit-ulit ang mangyayari, hindi matitigil si Mr. Walter." "Alam mo, 'yan din ang nasa isip ko nang malaman ko 'yon pero kung gagawin ko mag-isa, magiging black lang din ako katulad ng mga kapatid ni Hazel. At ayokong gawin ang ginawa ng anak niya, ayokong masakal sa pamamalakad nila katulad ng nakikita ko." "So what are you saying? Takot ka ring makulong? Pinapatunayan mo na ba ang sinabi sa akin ni Mr. Walter?" nangilid ang luha sa mga mata ko, "Na mga duwag kayo?" "No," she shook her head, "I'm actually waiting for you, for this day to happen. Ayoko nang maulit ang ginawa ko noon." "What did you do?" she shook her head and hugged me. "This time, tutulong na talaga ako. I'll make everything, right."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD