twenty-four.abducted

2266 Words
N  A  T  A  S  H  A .  .  . Beatrice and Hazel were in different timeline but they both have the same second name. Jane had a fight with Hazel and Jane had done a terrible thing. She changed Beatrice and Hazel's souls, making them trap in their opposite timeline. Beatrice fall in love with Kyle, Hazel fall in love with Pierre. And now, Ephriam was confused by his mother's identity. I wished I could tell him. Sa pag-uusap namin ni Beatrice, nakikita ko na nagsasabi siya ng totoo. Kinumpirma niya ito nang makatulog siya at bigla na lang sumulpot sa harap ko. Nakita ko rin kung gaano sila kalapit ni Kyle. I didn't knew that staying here would reveal lots of hidden story in Mr. Walter's adopted children. Now, I need to know what really happened in Hazel's soul. Nagsuot ako ng black hoodie at denim shorts lang. Halos kumpleto ang mga gamit dito sa bahay ni Kyle at nang minsan kong tanungin si Jewel kung bakit may mga gamit ng babae dito, sinabi niya nakatira na sila sa iisang bahay. "Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Kyle sa akin. "Gabi na, a." "May bibilhin lang ako," I grin and grab his coin purse, hindi niya ako pinagbabawalan sa mga gamit niya kaya lahat nagagawa ko rito, napakaperfect niya talaga bilang kuya. "Ng alin?" Beatrice asked and grin mischievously at me. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. "Snacks," tumango na lang si Kyle, tinanggal niya pa ang salamin niya at hinawakan ang ilong nito. "Ingat," Hindi na ko sumagot at lumabas na lang. I was actually planning to buy snacks pero kung saan-saan na ako nakakapunta. Ginamit ko rin ang hood para matakpan ang ulo ko. Nang mapansin ko kung saan na ako pumupunta ay saglit akong huminto. Nang minsang makita ko ang folder sa gamit ni Ephriam, nakita ko ang mismong address ni Phoebe. Aksidente lang naman pero hindi ko alam kung bakit natatandaan ko pa rin kahit na isang beses ko lang nakita. Huminto ako sa may lamp post at nagmasid-masid. Bumabalik pa rin sa isip ko ang sinabi ni Maeve sa akin noong nakaraan. I need to make Phoebe to avoid Kuya and Mr. Walter. Baka sakaling may magawa ako para pagaanin ang mga problema ni Ephriam. Kinilabutan ako bigla nang maisip ko na dapat ay kinausap ko muna si Beatrice patungkol sa gagawin kong 'to. What's the meaning of her grin when I left? Magiging maayos ba ang mangyayari? Nakarinig naman ako ng ingay habang nakayuko ako, kahit na madilim ay nakita ko si Phoebe na nakatingin sa direksyon ko. Nakadenim pants at brown t-shirt lang siya. Katulad nang makita ko siya ay nakasuot ito ng uniform nila sa W.U. cafe at magulo nanaman ang mahaba nitong buhok. Nakita ko kung paano bumagal ang paglalakad niya, may kinuha siya sa bag niya at nang umilaw ang mukha niya alam kong cellphone na ang hawak nito. She seems like calling someone. "Malapit na ako, saan ka na?" napaangat ang ulo ko. May pupuntahan pa siya? O baka may naghihintay sa unit niya? Is it Kuya? "Okay, sige. I'm really sorry that I'm late." Kinabahan ako dahil baka nga malapit lang si Kuya, si Mr. Walter? Kamusta na ba? Gabi na pero nagkikita pa rin sila? "Yes, nasa may tapat palang ako ng village." Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at kinuha ko ang cellphone sa kamay ni Phoebe. Nang lumingon ito sa akin ay madali ko nang tinapos ang tawag sa cellphone. Unknown lang ang nakita ko pero nang marinig ko ang boses ni Kuya roon ay mas lalo lang akong kinabahan. Tinago ko ang cellphone sa bulsa ko para maharap ko ng tuluyan si ate Phoebe. She tried to snatch it from my hand but I didn't budge and just took a step backward. Nakatitig lang ito sa akin at ramdam ko ang pagiging alerto ng mga mata niya. Ang layo talaga ng itsura nila ni Ephriam. I just stood there for awhile, preparing if she's going to launch at me. Mas importanteng masabi ko sa kaniya ang nasa isip ko. Itinaas ko ang aking ulo para magpantay ang paningin namin, naramdaman kong tinignan niya ang buong mukha ko. "I wanted to warn you, lady." I said in a high pitched tone, "You must stay away from him," Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. She must stay away from Kuya Henry for her not to get traced by the blacks. I'm sure, ito rin ang gustong sabihin ni Ephriam pero dahil sa trabaho niya ay hindi niya magawa. "W-who are you?" agad kong hinawakan ang palapulsuhan niya. Naramdaman kong humina ang lakas ko dahil nagpasa nanaman ako ng enerhiya sa kaniya. "Naiintindihan mo? If you wanted to be safe, run away from them." Because you wouldn't like to be on my position. Magiging katulad niya ako. "Ano bang pinagsasabi mo?" Matagal ko nang gustong sabihin ito kay Phoebe pero wala akong panahon at hindi ko alam kung paano ko sasabihin. "Naiintindihan mo ba, ate? Lumayo ka sa kanila—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. "Ibalik mo na ang cellphone ko," hindi pa rin ako makagalaw nang tuluyan niya nang makuha ang cellphone. It wasn't my intention to stole it, I just want her attention. Nang tuluyan niya nang makuha ang cellphone niya ay agad siyang umatras, pero bago pa siya tuluyang makaalis ay nagsalita na ako. "He's risking his life for you. Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko." And if not, I hope that she have a person in mind. All I want her is to stay away and started to have a conclusion in her mind. Tumulo na ang luha ko dahil alam kong magagalit si Ephriam kapag sinabi ko 'to sa kapatid niya. Alam kong wala siyang balak na magpakita pero 'yon lang ang nakikita kong paraan para tulungan siya. They were siblings, even if he's not saying anything, I know he was still longing for his sister. I ran in the dark and that's when I felt someone dragging me deeper into it, I didn't protest anymore and just silently letting that person to drag me. I know that Phoebe was under their investigation but I didn't knew that he was actually watching her every steps, to the point that he's dragging me forcefully. "What have you done?" madiing sabi ng pamilyar na boses sa kadiliman. Hindi pa nakakapagadjust ang mata ko sa dilim pero alam ko na kung sino ang taong nasa harap ko. Hindi ko alam kung nasaan kami. Sinibukan kong hawakan ang kamay nitong madiin ang pagkakahawak sa aking braso. "E-ephriam?" nanginginig kong tanong pero mas naramdaman ko ang pagdiin ng pagkakahawak niya. I started to doubt that he was really the person I knew. Behind the darkness, I can feel the intensity of his stare. "You're scaring me." "Dapat lang." kinilabutan ako sa sinabi niya, "Fear for death, Natasha. That's what you're getting into." Nakadilat ang mga mata ko pero puro itim lang ang nakikita ko. I started to panicked out of no reason. Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni Ephriam na buhat-buhat ako. Binubuhat niya lang ako ng parang isang manika. Humawak ako sa braso nito para hindi ako mahulog. I felt danger around me. I squirmed in his hands, wanting him to let me go. I was about to shout at him when I felt his hand in my mouth, natatakot na ako. Pakiramdam ko hindi lang siya nag-iisa, hindi lang si Ephriam. Marami sila. "Twenty, clout." someone pulled me out of his grasp. "Wait—" hindi ko naintindihan pero nagsimula na akong umiyak nang makaramdam ako ng paghampas sa pisngi ko. Kung kaya ko lang makatulog, kanina pa ako nawalan ng malay. Pero dahil sa dilim na nakikita ko, parang nahimatay na rin ako dahil hindi na ako nakagalaw. Someone pushed me to sit and by the scent and the strong wind inside, I knew that they put me in a car or maybe a van for I hear a series of mumbled voices. I leaned on my back until I felt suffocated around me. I can sense that everyone was doing something I can't understand. "Hmm. He doesn't have any profile picture in our files," "It's because he can immitate someone, an illusion. Nice," "Hey you," someone say beside me, "Hoy." it called again and it was calling for me. I squinted for a few times and tried to look at him. It was really dark in here. Hindi ko maradaman ang presensiya ni Ephriam kaya nagsimula akong mataranta pero mas natakot ako sa naisip ko na baka saktan lang nila ako kapag hindi ako kumalma. Kaya kahit na hindi ko alam ang nangyayari ay kinalma ko ang sarili ko. "Was that the real him?" nagulat ako nang tanungin nila ako ngayon pakiramdam ko nakatingin na sila sa akin ngayon. Agad akong umiling sa kanila, hindi ko dapat sabihin sa kanila kung anong itsura ni Ephriam. "What does he look like?" the other one said and held my shoulder roughly. "I-i don't know." I shivered. Wala na akong nagawa nang maramdaman kong may humampas nanaman sa mukha ko. Sobrang lakas ng pagkakasampal na akala ko makakatulog talaga ako. Hindi ko alam kung sino 'yon pero gustong-gusto ko na siyang murahin! Inaano ko ba sila?! "Hindi ka talaga nawawalan ng malay?" a woman says. "She should be unconcious, right?" "Malalaman niya ang lugar natin!" "Shh, wala naman siyang nakikita." "Basta patutulugin ko ang babaeng 'to!" muli akong nakatanggap ng sampal at ngayon alam kong mula na ito sa babae dahil mas malakas 'yung sampal ngayon. Men may be good at punching but girls was better at slapping other's face. Napamura ako sa sakit at muli akong nakaramdam ng hapdi sa pisngi ko. Ilang beses ko pang naramdaman ang sampal pero walang sinuman ang nagpatigil sa babae. Halos hindi ko na rin magalaw ang mukha ko. Sht, 'pag nagpatuloy pa 'to, paniguradong mangingitim na ang mukha ko! Sa sobrang inis ko ay pinigilan ko ang hampas nito at hinawakan ng mariin ng palapulsuhan niya. Kasabay non ay pagkaubos ng enerhiya ko at agad kong narinig ang pagsinghap nito. "Youdimwit!Ifthisgamewascrushing someone'sheadrepeatedly,Iwouldalsodo thesameandmakesurethatyourskullwas alreadyinpiecesbeforeyoucouldeventake arevengeonme! Fvck you!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas ko rin ang mukha nito gamit ang isang bagay na nakuha ko. It turns out that that was her tablet. Bumalik ako sa pagkakaupo ko habang hinihingal sa gigil sa babaeng 'yon, she was left speechless and I think people around me was also stunned on what I did for I didn't hear any words from them "A-anong sabi n-niya?" she asked irritatedly. "It was only a death threat, you bitch." the woman beside me said and then she laugh. It was followed by another then the van was filled by their laughter while the girl I slapped was already fuming in irritation as she tries to make them stop laughing at her. Well, serves her right. Huminto na ang van at nang buksan nila ang pinto ay agad nila akong tinulak papalabas dahilan para mapasubsob ako sa mga bato. Napatingin ako sa siko ko at napamura ulit ako sa sakit nang makita kong nagdudugo na ito. I heard their snickered and their footsteps around me. Someone grab me and make me stand. "Who did that?" Hindi naman ako makatingin kay Ephriam na hawak na ang braso ko. Pero hindi ko na makilala ang dating siya. Hindi siya nagpalit ng kaanyuan at ngayon ko lang siya nakita na ganito umakto. His aura is so dark like a real black. Dumiin lang ang pagkakahawak nito kaya nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa sakit. Nakita nitong nakatitig sa kaniya pero hindi man lang niya magawang tumingin sa akin. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa bewang ko at sinubukan ko ring lumayo. Ayoko na rito. "Fifteen," agad akong napatingin sa harap nang marinig ko ang boses ni Maeve. Tinignan niya ako ng walang emosyon. Umiling ito kay Ephriam na parang may sinasabi. Sa tabi niya ay may isang lalaki na may pagkakahawig sa itsura niya pero mas matangkad ito at may asul na mga mata. Pero mukhang nasa late 20s na ito. He smiled at me and I swear, I've literally got goosebumps because of that. "You are not the boss here, Fifteen." the american boy in his native accent. "I am," Ganito ba talaga ang mga Blacks? Hindi ko alam pero pakiramdam ko bida-bida at mayabang na ewan ang lalaking 'yon. I wonder if this guy was the founder of them? Pero kahit na ganon ay nakaramdam pa rin ako ng kilabot. With clenched teeth, Ephriam let go of me and when I looked at my arm, I saw a bruise. Nagulat na lang ako nang hilahin na rin ako ng Kuyang amerikano, nagpumiglas ako sa hawak niya pero pinanlakihan niya ako ng mata. Napasigaw ako nang manginig ang katawan ko hanggang sa hindi ko na ito maramdaman. Napaluhod ako mismo sa harap niya habang nakakaramdam ng matinding takot. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Nasa harap ko ang mga blacks, nakakatakot. The only one that's making me strong was his stares at me, stares that was telling me to be strong. Bago ako tuluyang bumagsak sa kalsada, nakita ko ang ekspresyon ni Ephriam na nakatingin sa akin. Then his words rang in my head, "Fear for death, Natasha. That's what you're getting into."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD