five.lies

2396 Words
N  A  T  A  S  H  A .  .  . "Huh?"   "Nevermind," he shook his head, "Kung gusto mong umalis, then you're free to go. Atsaka wala naman akong kasama dito, kaya okay lang."   He's so nice. And it was so suspicious, minsan iniisip ko kung may tunay na pakay ba siya sa akin o kaya gustong makuha. Atsaka pakiramdam ko parang napadpad lang siya sa lugar na 'to. Hindi kapani-paniwalang dumalaw lang siya rito para bisitahin ang bahay. Atsaka malayo rin sa kapitbahay 'tong lugar. Anong ginagawa niya sa kalsada ng madaling araw?   Nevertheless, this doubt in me would take me to nowhere. I'll just confront him if I found out what he wants. Susugal na ako dahil malinaw na wala akong ibang mapupuntahan. At tanging siya lang ang maaring makatulong sa akin. I'll just ditch him if I found out something wrong.   "Hindi ka pa ba matutulog?" bigla kong tanong dahil halos magaalas-dos na ng umaga at nakikita kong mabibigat na rin ang talukap ng mata niya.   "Ikaw?"   "Sanay akong magpuyat," pagdadahilan ko at umiwas ng tingin. Hindi rin pwedeng umamin ako sa kaniya na hindi ako natutulog, baka mamaya kung ano pang maging reaksyon at gawin niya.   Bigla na lang siyang naglagay ng unan sa may sofa at tinapik niya pa 'yon habang nakatingin sa akin. "Dito ka na matulog, ako na sa truck."   Dahil sa hindi pa maayos 'yung dalawang kwarto sa taas, maalikabok pa doon at hindi kumportableng makatulog. Agad akong nailang at nataranta sa sinabi niya kaya agad akong umiling, "Hindi! Ikaw na diyan. Doon na lang ako."   Tumayo na ako at tatakbo na sana papalabas nang hawakan nito ang palapulsuhan. "No, you'll sleep here."   Wala na akong nagawa nang pinaupo niya ako at mabilis na nakalabas. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid.   Guess, I'll just pretend to sleep.   That's what my thought an hour ago but now my mind was drifting into something. Until I remember the bag that I stole from that guy. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa may pinto. Dahan-dahan kong binuksan 'yon at hindi gumawa ng ingay hanggang sa makalapit sa sasakyan.   Halos mapasigaw ako nang biglang lumingon sa kinaroroonan ko si Priam. He have drowsy eyes that makes him more attractive. Bigla akong knabahan sa tingin niya.   "Uhm," I looked away, a little bit embarassed. What if he's thinking that I was planning to watch him?   "What do you need?" he said in low voice, sounding tired.   "'Yong bag na dala ko kanina." sabi ko at tumuro sa bag na katabi niya. "Kukunin ko lang," Tumingkayad ako at pilit na inabot 'yon gamit ang bintana pero agad niya itong nailayo sa akin.   Nakakunot ang aking noo nang gawin niya 'yon, "Matulog ka na,"   "Okay, I'll just get that bag." sabi ko at inabot ulit 'yon.   "No," he said sternly. Now, his eyes were alert, I furrowed my eyebrow more.   "Why?"   "Kapag binigay ko sa'yo 'to, hindi ka matutulog." Natawa ako sa sinabi nito kaya naman isinandal ko ang dalawang kamay ko sa may bintana habang nakatingin sa kaniya.   "What makes you think of that?" nakangiting sabi ko. Kahit na nagsisimula na akong magtaka sa kinikilos niya.   "I don't know," he shrugged, "Baka mamaya may gawin ka."   "Uh-huh? Ano namang gagawin ko?"   "Ewan, matulog ka na lang don." sabi niya at pinikit ang mga mata niya.   "Akin na muna ang bag na 'yan." pagpupumilit ko pero huminga lang siya ng malalim.   "Bukas na lang,"   "Umaga na, pre." walang galang kong sabi. Kaya tinaasan niya ako ng kilay. Kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang malagyan ng po at opo ang mga salitang binibitawan ko sa kaniya. Iba kasi ang tingin nito, hindi niya ako tinitignan na parang bata lang. Parang magkasing-edad lang kami, ganon.   "God, let me sleep." he mumbled, getting impatient right now.   "Edi matulog ka at hayaan mo akong kunin ang bag sa'yo."   "Ayoko," he said adamantly.   "Bakit ba ayaw mong ibigay sa akin ang bag ko?" tanong ko pa nang may nakataas na noo, hindi ko gustong angkinin 'yon pero parang 'yon lang ang paraan para maibigay niya sa akin 'yung bag na 'yon.   Nakataas pa rin ang kilay niya sa akin at walang pinagbago ang ekspresyon niya- ayaw niyang ibigay sa akin. Ilang segundo siyang nakatingin sa akin bago siya bumuntong ng malalim na hininga.   "Matulog ka na lang don, I'm not comfortable on seeing someone work for something."   "Well, I'm not comfortable on seeing someone hold my bag like that." Pinanindigan ko na ang pag-angkin sa bag na 'yon kaya naman nakagat ko ang aking labi nang ngumisi siya sa akin.   "Let's say I'm keeping you from being distracted to sleep."   What's with this man? He have those familiar aura that I've known for awhile, and the fact that he doesn't want to let go of that bag was something fishy.   With a heavy sigh, I just nodded. If that's what the exchange of him being nice to me, then I'll just let it. At kung may makita man siyang kakaiba sa bag ng lalaking 'yon, itatanggi ko na lang na sa akin 'yon.   ***   "Nat," naramdaman kong may humawak sa balikat ko pero pinanatili ko na hindi gumagalaw ang aking katawan. Nagpanggap ako na natutulog nang marinig ko ang ingay sa labas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali nang pumasok nga siya.   Sumilip ako sa aking nakapikit na mata kung ano nang ginagawa niya. Nakita kong may nilagay siya sa may coffee table sa harap ko. Nang gumalaw siya ay pinikit ko ulit ng aking mga mata. Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto hanggang sa masundan ito ng tunog ng makina na unti-unting humihina. Nang wala na akong narinig ay bumangon na ako at tumingin sa may pinto, sumilip pa ako sa bintana.   Umalis na siya.   Tumingin ako sa bagay na nilagay niya sa may coffee table at nakitang may sticky note doon.   'Bibili lang ako ng mga pagkain.'   Tinignan ko naman ang bag na nasa tabi nito pero nagulat ako nang maramdaman ko na parang gumaan ito. Umupo ulit ako sa sofa at tinignan ang laman nito.   Agad kong nakita ang isang notebook at ilang mga damit na puro dark ang kulay. Wala sa sariling napasinghot ako sa bag nang makaamoy ako ng. . . kakaibang amoy. Hindi naman masama at nasisigurado ako na pawis 'yon, pero hindi ko alam kung bakit parang na-attract ako. Pinalo ko ang pisngi ko dahil sa mga iniisip ko at kinuha ko na ang notebook.   Napansin ko na blanko iyon na para bang hindi siya ginamit para sulatan. Pero ang mas nagpaagaw ng pansin ko ay ang dalawang patak ng natuyong dugo sa gilid nito. Kinakabahan kong nilipat ang pahina, isang guhit ng larawan ng isang babae, parang nakita ko na rin siya noon.   Puro drawing lang din sa ibang pahina at walang sulat.   I bit my lip, tama ba ang nakuha kong bag? Ito ang dala ng lalaki tuwing umaalis siya at alam kong may mga gamit dito na importante sa kaniya. Sketchbook? At ang mga guhit niya? Ganon kaimportante sa kaniya 'yon?   It doesn't make any sense.   Napabuntong hininga na lang ako at napagdesisyunan ko na lang na linisin ang bahay kahit na nagugutom pa rin ako. Dumiretsyo ako sa kwarto at agad na pumunta sa mga cabinet. Nagbabakasakali lang naman ako na may mga documents dito patungkol kay Priam pero ang makitang meron ngang mga papeles dito, mas nabuhayan ako ng loob sa tunay na intensyon ni Priam.   Agad kong tinignan ang birth certficate nito pero napatigil ako nang may mabasa ako na hindi ko inaasahan.   ***   "Carl Andrew Lastimosa," I read in front of him but he didn't even gave me any attention. Busy lang siya sa pag kain na binili niya sa labas. "Ang layo ng Priam sa pangalan mo."   Hawak ko pa rin ngayon ang documents na mga nakita ko, nilapag ko 'yon sa lamesa at pinagpatuloy ang aking pag-kain.   "Saan nanggaling 'yung Priam?" tanong ko pa.   "Nickname?" hindi siguradong sabi niya.   "May asawa at anak ka na pala." banggit ko habang nakatingin sa isang picture frame na nakita ko sa kwarto. "Nasaan na sila?"   "They're dead," he said nonchalantly which made me curious.   "Dead? How did they died?" I bit my lip when he looked at me. Alam kong maselang topic 'yon pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagsisisi na ako kung bakit tinanong ko pa.   "Ambush." Natigilan ako sa sinabi nito, may kaaway ba sila dati? Sino ang pwedeng gumawa non? Bakit?   Kahit na gusto ko pang magtanong, hindi na lang ako nagsalita. Ang tahimik niya rin ngayon at parang hindi maganda ang aura niya.   ISANG LINGGO na ang nakalipas nang makatakas ako mula kay Mr. Walter. Hindi ko na rin masyadong maalala ang mukha ng unang lalaking tumulong sa akin, ang alam ko lang ay may mahaba itong buhok at matipunong katawan. Nasasanay na rin ako na wala si Priam sa bahay niya kaya malaya akong nakakapaglinis. Pero dahil sa katamaran ko kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako tapos. Nawiwili kasi ako sa mga nakikita ko.   Natigil naman ako sa paglalaro ng domino nang makarinig ako ng ingay sa labas. Tatayo na sana ako para silipin kung si Priam ba 'yon pero ibang boses ang narinig ko.   "Anong ginagawa natin dito?" hindi pamilyar ang boses.   "Wala, may narinig ako."   "Baka nandiyan ang may-ari-"   "Minsan na akong tumambay dito, matagal nang patay ang may-ari ng bahay na 'to."   Agad na nanlamig ang katawan ko nang marinig ko 'yon, napaatras pa ako at tumingin sa paligid ko.   Patay?   Nagtago ako sa may kusina nang marinig ko na nagbukas ang main door. Hinawakan ko pa ang sarili kong bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Tahimik akong nakinig sa mga pag-uusap nila.   "s**t, bakit mukhang malinis dito?"   "Huy, gago. Baka bumalik 'yong kamag-anak!" halos nagbubulungan na sila pero naririnig ko pa rin.   "Wala nang kamag-anak ang Andrew na 'yon pati rin ang asawa niya! Inubos na ng gang ko. Wag kang mag-alala."   "Saglit. Tignan natin kung pwede tayong makapagnakaw."   "Ako titingin sa taas. Wag kang maingay."   Si Priam ba ang tinutukoy nila? Akala ba nila patay na siya?   Nanginginig na ang kamay ko sa sobrang kaba. Humina rin ang bawat paghakbang nila na para bang nagiging maingat sila. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang kutsilyo malapit sa akin. Dahan-dahan akong sumilip at unti-unting inabot 'yon.   Pero napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may humawak sa palapulsuhan ko. Sumigaw ako nang makita ko ang matabang lalaki na nakatingin sa akin, hindi nito pinalampas ang pagkagulat ko at agad nitong sinampal ang mukha ko.   "Walang tao sa taas."   "Meron dito!"   Wala na akong nagawa nang hilahin ako patayo ng matabang lalaki at hinawakan pa ang buhok ko para madala sa kaniya. Doon ko lang nakita ang isa pang lalaki na matangkad naman pero kalbo.   "Bitawan niyo 'ko!" pagsisigaw ko. Hinawakan ko ang kamay nito at pilit na tinanggal pero mas lalo lang akong nanghina dahil nabigyan ko siya ng enerhiya. Mas tumawa ito ng malakas at dahil sa paghampas niya sa akin kanina parang nabingi ako.   Hinila lang nila ako hanggang sa napansin ko na nasa second floor na kami at pumasok sa isang kwarto. Agad nila akong hinagis sa kama pero bago pa ako makabangon ay pinigilan na nila ako gamit ang kamay nila. Isa-isa nilang dinaganan ang mga paa at kamay ko.   "Anong gagawin mo?"   "Bilisan na lang natin!"   At kahit na hindi ko masyadong naririnig ang sinasabi nila, tila ba'y may ideyang pumasok sa isip ko nang sabay nilang hinawakan ang katawan ko. Tuluyan na akong napasigaw dahil doon, hindi ko na alam ang gagawin at nagwala.   "LET GO OF ME! Tulong! Priam!" sobrang bilis ng pangyayari, kanina ay nililibang ko lang ang sarili ko, ngayon ay nakatali na ang mga kamay ko sa kama. Gusto kong ipikit ang mga mata ko pero naramdaman ko na lang ang mga nagbabadya kong mga luha.   I called his name for a dozen times but I was panicking, I don't know. Sana hindi ko na lang maramdaman, ayoko ng ganito. Halos mapaos ako nang maramdaman ko ang dila ng isa sa binti ko.   Ang akala ko hindi na ako makakabangon nang hindi nila matatapos ang binabalak nila pero naramdaman ko na lang na gumaan ang katawan ko at naigagalaw ko na ang kamay at mga paa ko.   Agad kong niyakap ang sarili ko at pinunasan ang mukha kong napuno na ng luha. Humihikbi kong tinignan kung anong nangyari sa dalawang lalaki pero ngayon ay pareho na silang nakahandusay sa sahig habang nakatayo ang pamilyar na lalaki na binubugbog sila.   Kumalat ang dugo, ganon kabilis ang pangyayari. Wala nang buhay ang dalawang lalaki habang patuloy silang sinisipa, may kung anong matalas sa sapatos ng lalaking nakatayo.   Pigil pa rin ang aking mga hininga nang tignan ko kung sino ang lalaki. Unti-unti itong tumingin sa akin nang may seryosong mga mata.   Pero ang mas pinagtuonan ko ng pansin ay ang lalaki. Hindi si Priam na may kulot na buhok, isang lalaking may mahabang buhok at kayumangging balat. Naka-puting t-shirt ito at pantalon, naalala ko kung sino ang lalaki. Siya ang lalaking tinakasan ko noon!   Niyakap ko ulit ang sarili ko at doon ko lang napansin na halos mapunit na ang damit ko kanina.   Iniwasan niya ang mga mata ko at kumuha ng damit sa cabinet. Binigay niya sa akin 'yon at saglit na lumabas ng kwarto. Gulat pa rin ako sa pangyayari pero pinilit kong ayusin ang sarili ko. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik ulit siya. Hindi pa rin ako gumagalaw, napaatras pa ako nang abutin niya ako pero nahawakan niya pa rin ang braso ko at hinila palabas ng kwartong 'yon.   Pinilit ko na hindi tumingin sa dalawang bangkay na nilagpasan namin. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko at wala pa rin sa sarili hanggang sa mapansin ko na lumabas na kami. Mabilis nito akong nabuhat para maisakay sa truck na sa pagkakaalam ko ay ang truck na ginamit ni Priam noon.   Tumingin ulit ako sa lalaki nang isara niya na ang pinto. Hindi siya ang lalaking may kulot na buhok na mukhang lawyer. Siya ang lalaking tinakasan ko, pero bakit na sa kaniya 'tong truck ni Priam? What did he do to him?   "Try to escape again, Nat. Hindi na kita hahabulin."   What?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD