N A T A S H A
. . .
"I could ask you the same thing, bakit mo kilala si Mr. Walter?" balik na tanong ko sa kaniya.
Hindi ako nagpatinag nang bigla na lang may kutsilyong nakatutok sa akin ngayon. Kitang-kita ko sa mata niya na hindi siya magdadalawang isip sa sunod na gagawin niya. Ngayon na sobrang lapit niya na sa akin, kinontrol ko ang kahit na anong takot.
"Who are you?" he asked in a threathening voice.
"Bakit? Sasaktan mo 'ko? Papatayin mo 'ko?" I taunted at mas lumapit pa sa kutsilyong hawak niya. "You should know that I am not afraid of death."
His eyes became dark and he displayed a perfect smirk on his lips, bigla akong kinabahan sa tingin niya. "Really?"
I gulped while staring at his dangerous eyes. Tinapon niya sa kung saan ang kutsilyo, natapon ang hawak kong pack ng energy drink nang bigla niya na lang akong tinulak kaya nahulog ako sa pagkakaupo at ngayon ay nasa ibabaw ko na siya.
Napadaing ako sa sakit nang maramdaman ko ang sahig sa likod ko.
"Perhaps, you're afraid of a new life?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya at wala na akong nagawa nang ilapit nito ang mukha niya sa akin.
"A-anong gagawin mo?" natataranta kong sabi.
Pilit ko siyang tinulak para muli akong makabangon ngunit mabilis nitong nahuli ang dalawang kamay ko at itinaas sa aking ulo, nakatingin na ito sa akin nang may ngisi at nakakatakot na mga mata.
"Sasagot ka na ba?" mas lalo lang akong natakot sa kaniya nang hawakan nito ang leeg ko gamit ang isang kamay niya. Dinaganan pa nito ang dalawang hita ko gamit ang binti niya.
Hinahanap ko sa mata niya kung magdadalawang isip ba siya pero nang makumpirma ko na hindi man lang nanginginig ang kamay niya, nawalan na ako ng pag-asa.
He would literally go that far just to ask for who I am!
"Isa," he warned, his hand in my neck were starting to tighten.
"Stop," I commanded in stern voice.
I'm not afraid of death but having a life inside me was never been an option. And he has the audacity to countdown for this crime he's doing! How dare him to use the woman's weakness to get what he want!
"Dalawa." Kumawala ako sa pagkakahawak niya pero bakit nawalan ako ng lakas?
"T*ngna mo! This is r**e!"
"No, this is not." He smirked.
And the next thing I knew I was already laughing when he started to tickle my neck. Naglalakbay ang mga daliri nito sa leeg ko na para bang nang-aasar. Tinatago ko na ang leeg ko sa balikat ko pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
"G*go! Ayoko nasdfhjk!" Hindi ko na mabuo ang sasabihin ko dahil kinikiliti niya pa rin ako. Tngna, hindi naman nakakatawa 'to.
"Just answer you know, para matapos na," simpleng sagot nito.
Muli akong tumawa nang kilitiin niya ulit ako. Hindi na ako natutuwa at naluluha na rin dahil sa ginagawa nito. I slightly tapped his hand using my trapped fingers. At mabuti naman saglit itong tumigil sa kaniyang ginagawa.
"Natasha Evelyn Jones!" I shouted at him, "Mr. Walter adapted me!"
Doon ko lang napansin na sobrang bigat na pala ng mga paghinga ko, binitawan niya na ako kaya naman agad akong lumayo sa kaniya at niyakap ang aking sarili.
Masama akong tumingin sa kaniya habang siya ay hindi na maipaliwanag ang tingin sa akin. A hiccup was formed in my mouth as I tore my gaze at him. Pinunasan ko ang pisngi ko na may luha. Nanginginig pa ang kamay ko nang gawin ko 'yon.
"That's a dirty move," singhal ko sa kaniya. Akala ko kung ano nang gagawin niya.
But he never answered and was just thinking too deeply.
***
I sat quietly in the chair as I stare at his sleeping figure. I still don't know what's his name. I'm afraid that I would call him as GUY. That doesn't sound good.
Few hours passed, and our conversation ended up just like that. He didn't say anything or reacted on what I said, he seems preoccupied. I didn't even saw that he didn't regret what he did. In fact, he looks more serious as minutes passed.
He didn't notice that I've been staring at him while his thoughts were going on somewhere. Until he slept.
Sinipa ko ang sofa na pinagtutulugan niya para makumpirma kung tulog na ba siya. Walang nagbago sa itsura niya kaya dali-dali kong kinuha ang bag nito sa maingat na paraan. Hindi ako gumawa ng ingay at kahit na kinakabahan ako dahil sa tunog ng kawayan, pinagpatuloy ko pa rin.
Nang tuluyan na akong makalabas ay sumampa ako sa motor nito. Mabuti na lang nandito rin ang susi. Kahit na gumegewang ang motor nang simulan ko itong paandarin, hindi ako tumigil.
Nang makapunta na ako sa kalsada ay doon lang ako nagkaroon ng oras para lumingon sa aking likuran. Wala pa ring pinagbago, nakasara pa rin ang pinto.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor. Marunong akong magbisikleta at sabi ni Kuya madali na lang mag-motor kapag marunong kang magbalanse ng bisikleta. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ko na kailangang magpedal, mabuti na lang at pinagmasdan ko kung paano ito gamitin ng lalaki.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong may kotse sa likuran ko. Nagsimulang mataranta ang sistema ko nang pilit nitong inuunahan ang motor. 'Yong lalaki ba 'yon? Damn, siya man ang tumulong sa akin sa lugar na 'yon, hindi ko na hahayaan pang manatili sa tabi niya. He almost tortured me! Wala siyang pinagkaiba kay Mr. Walter kung gagamitin niya lang ako.
Kahit na pakiramdam ko na kilala at may alam din siya tungkol kay Mr. Walter, ayokong gamitin niya ulit ang paraan na 'yon para takutin ako. Isa pa, plano ko na talagang tumakas.
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo habang pigil ang paghinga. Pero dahil sa sobrang bilis kong magpaandar, sumemplang ang motor nang bigla ko itong niliko. Agad akong tumalon para hindi ako madaganan nito pero nakagat ko ang aking labi nang maalala ko na hindi pa masyadong magaling ang mga sugat ko.
"Ouch," I muttered while feeling the sting on my wounds. Mas dumiin ang hawak ko sa bag nang makita kong huminto ang kotse at may bumabang tao doon.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng isang lalaki na may kulot na buhok at may iilang hibla ng balbas sa baba niya. Hindi ko alam parang nakita ko na siya noon.
Tumango ako at pinilit na tumayo. Kahit na hindi ko sinabi ay tinulungan akong umupo ng lalaki.
"Ang bilis mo kasi magpatakbo, sumemplang ka tuloy." sabi nung lalaki habang nakatingin sa motor. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, 'yong aura niya parang kilala ko.
Tumingin ulit sa akin ang lalaki nang maramdaman ang pagtitig ko, "May humahabol ba sa'yo?"
"Ikaw," I said, pointing at him.
He chuckled, "Sorry, natakot pala kita " sabi niya sa akin.
Hindi pa rin ako nagsalita at binalanse ang aking sarili.
"Bakit mo ba kasi ako hinahabol?" diretsyong tanong ko,
"Ang bilis mo magpatakbo, I just want to warn you."
"Bakit? Pulis ka ba?" he chuckled on what I said.
"No, I'm a lawyer." sagot nito sa akin kaya naman bahagya pa akong nagulat. Hindi siya mukhang lawyer! I mean, kung sabihin ko man 'yon, baka kung ano pang sabihin niya sa akin.
Pinuntahan ko ang motor at sinubukan itong itayo pero dahil sa paa ko ay hindi ko magawa. Kaya sa huli, umupo ako sa harap nito para makita ang ilang parte nito na nadurog na dahil sa pagkakaladkad at pagkakadagan.
"Mukhang sira na rin 'yang motor mo, gusto mo bang sumabay sa akin?" tanong pa ng lalaki kaya napakunot ang aking noo. Ngumiti lang siya sa akin na para bang hindi kataka-taka ang kinikilos niya.
Pagkakatiwalaan ko ba ang taong 'to? Pero kung tumanggi ako, baka makita ulit ako ng lalaking 'yon. Medyo kumikirot pa ang mga sugat ko at hindi pa ako makalakad ng maayos. At sa totoo lang, nagugutom na rin ako.
Mukha naman siyang mabuting tao. . .
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng kotse niya. Doon ko lang napansin na mini-truck pala 'yon kaya naman nilagay namin sa likod ang motor na hindi na gumagana ngayon. Gusto ko sanang iwan na lang doon pero ayokong mahanap ako ng lalaking 'yon kaya sinama na namin.
"Ano nga palang pangalan mo?" he asked in a welcoming way. Too friendly and too suspicious.
Siguro, epekto lang 'to ng pageeksperimento sa akin. I became socially awkward.
Nag-isip ako ng saglit hanggang sa bigla ko na lang nasabi ang unang pumasok sa isip ko, "Nat,"
"Nat?"
"Short for Nathalyn," I smiled, making it look like I was telling the truth. Nakita ko namang tinaasan ako ng kilay ng lalaki at ngumisi sa akin.
"Okay, nice to meet you, Nat. I'm Priam." ngumiti rin siya sa akin. Tumango na lang ako dahil hindi ako mapakali. Ang awkward naman, wala pang lalaki ang lumapit sa akin katulad ng ganito. Except to that guy that I left.
At sinabi niya pang lawyer na siya. He might be ten years older than me but he really looked fresh, parang wala pa siyang asawa.
Naalala ko naman ang lalaking nakita ko kanina. Kung tutuusin parang kasing-edad ko lang ang lalaking 'yon pero nakaya niyang takutin ako sa paraan na ganon? Siguro nga tama lang ang ginawa kong pag-iwan sa kaniya sa lugar na 'yon. Mukha kasing gangster 'yon at mukhang hindi rin ako safe sa kaniya. Nakonsensiya ako bigla dahil kinuha ko pa ang bag nito. Bahala siya, wala na akong balak bumalik. Ayokong manatili sa lalaking katulad niya.
"Saan ka ba pupunta?" tanong nito nang hindi inaalis ang tingin sa madilim na kapaligiran.
Huminto ako para mag-isip, "Sa ospital. Gusto kong magpagamot pero. . . wala naman akong pera."
"Same here," mapait na sabi nito. "But I have a house near here, let's try to treat your sprain."
Muli akong napangiti, "Salamat."
Kung ano-ano pang tinanong ni Priam sa akin pero sa huli ay huminto kami sa isang bahay na malayo sa mga kapitbahay nito. Una siyang bumaba kaya naman sumunod ako. Inaya niya akong pumasok sa loob at kahit na nagdadalawang-isip ay sumunod na lang ako.
Pagkapasok ay agad kong napansin ang mga puting tela na nakabalot sa mga kagamitan. Napatingin ako sa kaniya nang may nakakunot na noo. Sa kaniya ba talaga 'tong bahay na 'to? Mukhang naintindihan naman niya ang tingin ko kaya tumawa siya at napakamot pa sa kaniyang ulo.
"Napagpasyahan ko kasing bumalik dito." tumatawang sabi nito atsaka hinatak ang isang puting tela na tinatakpan ang sofa.
Ang daming alikabok ang lumipad nang gawin niya 'yon kaya tinakpan ko ang aking ilong at pumikit.
"Parang ang tagal na simula nang umalis ka rito." komento ko habang inaalis ang ilang alikabok na lumilipad sa harap ko.
"Shoot, kailangan ko pa pala munang maglinis. Sorry." hindi ko nakikita na nahihiya siya dahil parang wala namang pake ang mata niya sa paligid at nakatingin lang sa labas.
"Oh," I reacted then smiled. "Tulungan na kita."
***
At katulad nga ng sinabi ko ay tinulungan ko siyang alisin ang mga alikabok na 'yon, nahirapan pa kami dahil sa sobrang dami at ang itim ng mga kagamitan. Sa huli, ang sala lang ang nalinis namin pero ang dumi pa rin ng iilang furnitures.
Ngayon na lang ulit ako naglinis kaya naman hindi ko magawang magreklamo.
Napatingin naman ako kay Priam na kabababa lang sa hagdan at may hawak na siyang panibagong mga tela sa braso niya. Ibinalot niya 'yon sa sofa na madumi pa rin.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya habang inaayos ang tela.
"Medyo," I admitted and that's when my stomach gurgles. I knew he heard it, his smirk proves it.
"Wait here," lumabas siya ng bahay kaya naman sinilip ko siya sa may bintana at nakita kong may kinukuha siyang tatlong malaking paper bag sa mini truck na sinakyan namin kanina.
Nang makabalik siya ay nilapag niya na sa sahig ang hawak niya. He wrecked the paper and I just watched him grab a can of coke.
"Hindi pa ako nakakabili ng pang-grocery kaya puro snacks ang nabili ko." he said and lended me something. Naiilang kong kinuha 'yung siopao sa kamay niya pati 'yung coke.
"Salamat," ngiting sabi ko at nagsimula nang kumain. Ganon din siya pero mukhang wala siyang ganang kumain dahil nakatingin lang ito sa akin.
Hindi ko na lang pinansin dahil nagugutom na talaga ako, pero kahit na ganoon ang nararamdaman ko, sinubukan ko pa ring bagalan ang pagkain. Napahinto ako nang biglang may pumasok sa isip ko.
"Uhm," I started, "Hindi mo ba ako tatanungin kung uuwi na ako?"
I know it's too direct pero bakit hindi niya pa nababanggit ang bagay na 'yon?
"May uuwian ka ba?" Nagulat ako sa diretsyang tanong nito at mukhang pinagsisihan niya rin 'yon. "Sorry,"
Gusto kong sabihin na wala na akong uuwian, hindi na ako pwedeng bumalik sa mansion. Wala na akong ibang pupuntahan at mapagkakatiwalaan.
"Kung may uuwian ba ako, paalisin mo ako?" tanong ko pabalik. Hoping that he would say that I could stay.
"Wala ka namang uuwian kanina pero umalis ka pa rin,"
"Huh?"
"Nevermind."
. . .