three.him

2059 Words
N  A  T  A  S  H  A .  .  . INIWAN NIYA TALAGA AKO!  Dahil sa gabi na ay madali akong nakapagtago sa mataas na talahiban sa gilid ng kalsada. Pinagsisihan ko ang pang-aasar ko sa lalaking 'yon dahil binaba niya ako mismo sa lugar na malapit pa sa kanila! Hindi ako gumalaw nang makita kong nakarating ang mga whites sa harap ko mismo. Patuloy lang sa pagmumura ang isip ko.   Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na sila sa harapan ko, nang makalayo na rin sila ay agad na akong tumakbo papalayo. Halos natatakpan na ako ng talahiban kaya hindi naging problema sa akin ang pagtakbo. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta pero paika-ika ang aking nga galaw dahil may sprain ang paa ko, mabuti na lang nakakuha ako ng isang mahabang sanga kaya ginamit ko 'yon para pang-alalay sa akin.   Ramdam ko na ang pagmamanhid ng paa ko pero nabigyan ako ng pag-asa nang makakita ulit ako ng kalsada sa aking harapan. Agad akong lumabas sa talahiban at napasubsob pa ako sa kalsada dahil sa sobrang pagod. Huminga muna ako ng ilang beses, at titingin na sana sa kapaligiran ko nang bigla na lang may humatak sa bewang ko.   Napasinghap ako at tumingin sa taong tumulong sa akin sa pagtayo. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko ulit ang mukha ng lalaki.   Walang kahirap-hirap niya akong napaupo sa motor niya at siya naman ang sumakay.   "You waited for me!" I beamed after realizing that the road had circled around that tall grasses.   "Ingay mo," walang gana nitong sabi at pinaandar na ang motor.   "Okay, hindi na po mag-iingay." I pursed my lips harder and clung on his shoulder.   ***   Few hours later and we're still riding on his motorcycle. The road seems to be infinite, the trees on the roadside becames thicker and eerie. He was silent, he didn't ask anything. When I felt irritated on his long wavy hair, I removed his tie. He frowned at me but before he could even say something, I tied it again in a bun. I clunged on his shoulder and looked up.   The starlights was shimmering up at the sky, and that's where I am looking at.   I missed those! 'Yung bilog na buwan at ang mga nagliliwanag na mga bituin sa kadiliman, napakaganda! Hindi ko na maalis pa ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingala ako. Nakagat ko ang aking mga labi ng maramdaman kong tumulo nanaman ang aking mga luha. . . Matagal na akong hindi nakakakita ng ganito. . .   "Ugh," he reacted, "Are you crying on me?"   I frowned and immediately wiped my tears, "Bakit naman ako iiyak sa'yo? Sino ka ba?"   Naramdaman kong sarkastiko itong ngumisi. Napahawak ulit ko sa kaniya nang bigla niyang niliko ang motor, halos matumba nanaman kami sa ginagawa niya.   "Ngayon mo lang natanong 'yan, kanina ka pa yakap nang yakap sa akin."   "Malamang mahuhulog ako!"   Bigla nitong hininto ang kotse kaya napasandal nanaman ako sa kaniya. God! He's a terrible driver!                 Tumigil kami sa isang bahay-kubo. Napakasimple lang nito at mapresko rin sa loob. Mukhang matagal na rin ito dahil ang tumutunog ang mga kawayan tuwing naglalakad kami. Nagsindi lang siya ng ilaw sa isang lampara. Binuksan niya lahat ng bintana para makapasok ang hangin, habang ako ay umupo sa isang papag. Halos walang gamit ang buong lugar, at iilang bag lang ang nakalagay dito. Kapansin-pansin din ang iilang mga wires na nagkalat sa loob.   "This is your house?"   "No," he simply said. I tore my gaze at him when he started to remove his t-shirt. Akala mo siya lang ang nandito, jusko! Hindi na lang ako nagsalita at tinignan ang aking paa. Pinaglaruan ko ang hinlalaking daliri ko habang taimtim kong pinapakiramdaman ang aking sarili.   Ang dami kong sugat, halos ang iba ay nagdudugo. Sariwa pa rin ang sugat ko sa aking mga braso galing sa mga tubong tinutusok nila sa akin. Punit-punit din ang aking kasuotan at nakaramdam ako ng hiya ng halos makita na ang matatamlay kong hita. At ang mga paa ko sobrang pula na sa sprain at halos nabalot na sa lupa. Kataka-takang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nahihimatay. Because I can't. . .   Nagulat naman ako ng makarinig ako ng pagkahulog ng isang bagay sa mismong harapan ko. Bahagya pang tumunog ang sahig dahil sa pagkabagsak nito. A first aid kit box.   "Fix yourself," then he leave me alone. Sinundan ko lang siya ng tingin sa labas hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim sa labas.   Where did he go? For chuchu's sake, he's half naked. And he confidently walked with only wearing pants, he also removed the tie on his hair. Hindi kaya lamigin siya non?   Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang kahon sa papag. Hinugasan ko muna ang aking paa at maingat kong tinanggal ang dumi dito. Pinilit kong gumalaw kahit nanginginig ang aking mga kamay, kahit na nararamdaman ko ang kirot sa aking katawan.   I can't believe this. I was smiling in tears, I really escaped from that place. At ngayon nandito ako sa lugar na ito. Tinititigan ko ang aking mga sugat habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko na huli na ang mga sugat na 'to. Hindi na ulit ako makakakuha ng ganitong sugat mula sa kanila. Hindi ako babalik sa mansion, hindi na ako magpapakita pa sa kanila. Huli na 'to.   Napadiin ang hawak ko sa gunting at mariin itong pinakatitigan.   Natigilan ako sa ginagawa ko ng makarinig ako ng pagkasa ng baril mula sa aking likuran, at naramdaman ko ang pagtutok ng baril sa aking sintido. But I didn't flinched.   "Tell me if you're planning to kill yourself, I'll do it." the guy on my back said. I slowly turned my back and look at him. Hindi ko maaninag ang mga mata nito dahil nakaharang ang kaniyang buhok. Natatakpan niya rin ang liwanag mula sa lampara.   "Do it," hindi ko na inabalang tumingin sa baril na nakatutok na ngayon sa aking noo dahil maduduling lamang ako. Tinitigan ko na lang ang mata nito at ngumiti ng mapait.   "Then let go of that precious scissors," binitawan ko nga ang gunting na hawak ko at ipinikit ang aking mga mata.   Naghintay ako ng ilang segundo pero muli akong napadilat nang may maramdaman ako sa aking paa. Nang idilat ko ang aking mga mata, wala ng baril ang nakatutok sa akin. At ang lalaki ngayon ay hawak na ang aking paa, nakaupo siya sa mismong harap ko.   I winced when he tried to move it.   "What. . . are you doing?"   "Ang bobo mo." I was taken aback when he said that, "Kung ano-ano pang sinabi mo sa akin para lang ilayo ka sa lugar na 'yon tapos magpapakamatay ka."   "Just kill me if that's what you want—"   "Nang-istorbo ka pa." He scoffed. "Ako pa maglilibing sa'yo dahil sa pagpapakamatay mo. If you wanted to die, you should've just stayed there. Kahit papaano hindi ka namatay ng walang silbi." Nag-igting ang panga ko nang iangat nito ang kaniyang tingin.   "Hindi mo alam kung anong naranasan ko sa lugar na 'yon. Wala kang karapatan na sabihin sa akin 'yan." mapait kong saad at pinigilan ang kung ano mang emosyong nararamdaman ko.   "Why did you escape then?"   "To save myself."   "From whom?"   "From them."   "Then do the same, protect yourself from your own self harm."   Hindi ako nakasalita at hinayaan siyang gamutin ang sugat sa aking paa. Wala na akong nararamdaman, marahil may epekto pa rin ang tinurok na likido nila sa akin. Nakatulala lang ako sa kamay nito, hindi ko na rin napansin na wala itong damit na pang-itaas.   ***   The next day, he left.   And I just waited outside. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang pinanghahawakan ko na lang ay ang mga sinabi sa akin ng lalaki kagabi. Gusto kong maging ligtas, gusto ko nang matahimik. Pero dahil sa sinabi nito, bumalik ang motibasyon sa aking isip. Gusto kong makaranas ng mapayapang buhay at hindi 'yon masosolusyonan ng kamatayan.   Hindi ko man alam kung darating ulit siya pero pinilit ko ang sarili ko na walang gawin na ikapapahamak ko.   Hanggang sa hindi ko naalala na kailangan ko palang kumain.   Inangat ko ang aking tingin sa sinag ng araw at hindi man lang ako kumurap. Hindi rin ako nakakaramdam ng pagkapaso sa aking balat nang tumapat na ang tanghali.   Kahit na hindi ako kumakain, hindi pa rin ako nanghihina.   Narinig ko kay Mr. Walter na bumabalik ang enerhiya ko kapag nasisinagan ako ng araw. Kung kaya naman ang makifa ang araw ay hindi na bago pa sa akin. Hindi na rin bago sa akin ang mabilad sa araw dahil laging ganito ang pinapagawa sa akin ni Mr. Walter.   I sighed and to my surprise, I wasn't crying.   Halos magdidilim na nang makakita ako ng pag-galaw sa aking likuran. Nakahilig pa rin ang aking ulo sa pinto at tinitignan ko lang ito habang papasok ng kubo, may dala rin siyang puting supot.   "Buhay ka pa ba?"   Inangat ko ang aking tingin at mukhang pinagmamasdan rin nito ang itsura ko. Pansin ko ang pagkahapo sa kaniyang itsura.   "Unfortunately."   Binigay nito sa akin ang hawak niya kung kaya naman tumayo ako para kunin ito. Sa pagkuha ko ay bahagya kong nahawakan ng kamay nito, at natigilan nanaman siya. Marahil nagulat dahil sa biglaang pag-agos ng enerhiya ko papunta sa kaniya.   "Ikaw, babae." Tinuro niya pa ako. "Aren't you scared of me? Wala kang pasintabi sa mga ginagawa mo sa akin."   Napatingin ako sa kaniya nang makita kong naging alerto ang mga mata nito. Not tired, hindi katulad kanina.   "Anong ginagawa ko sa'yo?" kunot-noong tanong ko, "At bakit naman ako matatakot sa'yo? Tao ka rin naman."   "I'm just like those men who you're afraid of, watch out."   Napalunok ako ng maalala ko nanaman sila, huminga ako ng malalim bago sumagot.   "They don't have any feelings. They're not humans at all, they're just a plain psycho robot. But you," I say quietly and looked back at him to smile. "You carried me in your motor twice and told me to save myself on my own harm. Hindi ba sapat 'yon para hindi ako matakot? You just saved my life."   "Nyenye."   "Although I hate you for being a jerk, pero hinding hindi ako matatakot sa'yo."   "Nyenye."   He gave me military food. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkasabik. Hindi pa ako nakakatikim ng mga ganito. Sinunod ko lang ang mga instructiins kahit na medyo nawiwili ako sa pagsusuri ng mga ito.   Kaso hindi naman pala 'to masarap.   Habang kumakain ako ay pinagmasdan ko nanaman siya sa ginagawa niya. Naghahasa ito ng kutsilyo at abala sa pagtanggal ng itim na bagay mula sa isang wire.   "Sundalo ka ba? Retired? Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Sunod-sunod na tanong ko.   Huminto siya sa ginagawa niya pero hindi ito sumagot. Hindi na lang din ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Nakita ko ang isang pack ng pagkain kung kaya naman binuksan ko 'yon at hinanda para sa kaniya.   Nang matapos ay nilagay ko sa harap niya ng mga pagkain pero hindi man lang niya ako tinignan.   "Salamat sa pagkain."   Ilang minuto nanaman ang pumagitan sa amin at akala ko hindi na talaga siya makikipagusap sa akin nang bigla niya na lang binaba ang kutsilyo at kumain na din.   "Who saved you from that place?" He didn't look at me so I titled my head in confusion.   "You," I pointed, "You saved me, remember?—"   "How did you escape from them?" I gulped when he looked at me.   I bit my lip and lowered my head, should I tell him? Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya. I mean, baka hindi niya rin maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung mapagkakatiwalaan siya.   "Answer me." he said sterner.   "It doesn't matter—"   "It matters to me." I looked up, only seeing his serious face.   "Bakit?" tanong ko pabalik. Binalik kk ang pagkakatitig nito sa akin.   "That's Mr. Walter." Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ng taong 'yon. Kilala niya ang taong 'yon? "Now. . ."   Ilang segundo akong natigilan at hindi alam ang gagawin, nakatitig lang ako sa kaniya at ganon din siya sa akin. I can feel that we're thinking the same thing.   "Who are you?"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD