N A T A S H A
. . .
Basa na ang aking paa, kumikirot na sa mga sugat dahil nakayapak lang ako habang tumatakbo. Ilang sanga na rin ang sumabit sa katawan ko, at may kung anong bagay na natapakan ang aking paa. Pero sa halip ng lahat, pilit akong tumakbo.
I was smiling despite of the darkness around me. His escape plan was a success.
Puro kakahuyan at naglalakihang puno ang nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na ako, pero ang nasa isip ko lang ay makalayo sa lugar na iyon. Muli akong lumingon sa aking likuran at pinilit kong hindi manginig nang makita ko ang isang pabrika at ang pinakamataas na tore nito ay umiilaw. A lighthouse was currently on and the light on it makes my body tremble again.
No, I don't want to be back. I know they were searching for me now, I was gone in that place and only a matter of minutes before they notice it. Kailangan kong makatakbo at makalayo.
I was relieved when I saw a road towards the direction where I am heading. Baka sakaling mag mapadaan dito pero hindi dapat ako huminto sa pagtakbo, alam kong malapit lang sila, hindi nila ako pwedeng mahanap.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako tumatakbo pero parang wala ng patutunguhan ang kalsadang ito. Hindi ko alam kung nasaan na ako, ang suot ko ring patient gown ay napakarumi na dahil ilang beses na akong nadadapa. Nakarating ako sa intersection, hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa aking kaliwa at kanan kung merong dadaan. Pero nasa kalahati pa lang ako ng pagtawid sa kabilang kalsada nang muli akong nakakita ng liwanag. Liwanag na nagsilbing ilaw sa buong lugar.
I stared in terror when I saw the light gets clearer and clearer. It's the whites. . . I am dead. Babanggain nila ako!
"Oops."
I stumbled and fall in my butt. I winced in pain when my ankle twisted and it got a painful sprain. Tears falls from my eyes and the memories I had with that place starts to overwhelm my body. The violence. The torture. The lights. I sniff and gasp when that person walks towards me.
"Hey, Miss." he called, he has a husky voice. My body trembled and there was no words that came out, everything in my body felt like it was twisted in knot. Pigil ang aking paghinga habang nanatiling nakatingin sa aking harapan.
My mouth stayed open and I was lost at word when I saw a guy with long and wavy hair that was tied in a pony, he's wearing a fitted shirt that almost revealed his masculine but perfect figure. He was looking at me with annoyance, disgust and pity. His expression was vivid, it almost hurts me.
Despite of the shock that he gave me, I held his masculine arm and the moment I touched him, I felt like another surge of energy loses in my body. Then his body stiffened and stared at me curiously.
"Get me out of here, please. They are coming! Kukunin nila ako, help me."
"Huh?"
"I escaped from them. Help me, please. May iba ka bang matatawagan?"
Pero parang nawala ang pag-asa sa akin ng makita ko ang seryoso nitong mga mata at nakakunot na kilay, pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya ngunit hindi ako bibitaw.
"Wala akong maitutulong."
"You can't say that to me! Please!"
"Baliw ka. Sa iba ka na lang humanap ng tulong." hinawakan ko ang palapulsuhan niyo at kumunot nanaman ang noo niya sa akin. How dare him say that to me.
"I'm. Not. Insane."
"Maghintay ka na lang dito." sabi niya sa akin na nagpaawang ng aking mga labi.
"Sa tingin mo ba may iba pang taong tutulong sa akin dito? I'll be dead if I'm going to wait. At may humahabol sa akin." I said sternly, nakatingin lang siya sa akin na para bang wala siyang pake. I sighed roughly "Please, ilayo mo lang ako dito."
"Sinong humahabol sa'yo?" he asked nonchalantly. Alerto ang mga mata niya at para bang hinahayaan niya lang ako sa paghawak ko sa palapulsuhan niya.
"It's the whites," I gritted my teeth, staring at his stunned expression. Napasinghap ako ng marahas nitong tinanggal ang kamay ko at mabilis na tumayo pero agad kong nasipa ang isa binti nito gamit ang isa kong paa. Nahawakan ko ulit ang kamay niya at ngayon ay hindi ko na binitawan.
"Look at my wounds." I pointed at my arms with full of wounds from a syringe, "They did this to me. Ginagamit nila ang katawan ko para sa project nila—"
"No, I can't help you—"
"Please! I'm begging you. Just get me out of here!" Mas pigil ang aking paghinga ng muli akong makarinig ng paparating na kotse sa aming direksyon, at may nakikita rin akong liwanag sa di kalayuan.
Mukhang naramdaman niya rin iyon kaya napatingin siya sa paligid. Tumayo siya at pinilit kong tumayo gamit ang isa kong paa kahit na nahihirapan ako dahil sa sprain. Hinawakan ko ang braso nito para mabalanse ko ang aking sarili, hindi niya ako inalalayan.
"That's them! They are coming!" I shouted in horror. But he just kept on pushing me away.
Namali ang pagtayo ko kaya nawala ako sa atensyon sa paghawak sa braso niya. Kaya agad din akong napasalampak sa sahig ng sandaling bitawan niya ako. Madali siyang sumakay sa motor niya pero hindi pa ako sumuko at pinilit na tumayo upang makaangkas sa motor nito.
Nang ma-unlock niya na ang motor ay tuluyan na akong nakasakay.
"Bumaba ka! Hindi ka pwedeng sumama sa akin!"
"Nagmamakaawa ako, basta mailayo mo lang ako sa lugar na 'to. Please! Ibibigay ko lahat ng gusto mo—"
"I don't need anything! I told you, I can't help you!"
"NO!" Pagmamatigas ko. Nanlaki ang aking mga mata nang pumarada ang isang puting van sa aming harapan. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako nang isa-isa silang bumaba sa van, nakita ko si Emmanuel.
Napakapit ako sa braso niya at muli nanaman siyang natigilan. Sa mga nanginginig kong labi ay pilit akong bumulong. "That's them, please."
Hindi siya nakapagsalita at nakita kong tumitig lang siya sa mga taong pumapalibot sa amin ngayon. Mas hinilig ko ang katawan ko sa likod niya nang makita kong lumabas din sa van si Mr. Walter at agad na tumingin sa amin.
He froze.
"Excuse me," the other one said. I shrieked when someone held my arm and tried to get me from him but I tightened my grip on his waist. "She's insane. She have a paranoid disorder that when she saw light she's running away—"
"No. . ." I whispered, "Don't listen to them, they are using me. . ."
Napadaing ako nang sumakit na ang pagkakahawak sa akin ng isa na pilit akong pinapababa sa motor.
"HINDI!"
"She's under our care so please let go of her. And we'll take care of her from now on, she's insane. Bro, she's crazy."
"Kayo ang mga baliw." I hissed at them, pero napasigaw ulit ako ng turukan nila ako nang hindi ko inaasahan, mabilis at marahas. They injected a huge syringe on my forearm with a green liquid inside it. At nakita ito ng lalaki sa harap ko, his eyebrow knitted.
BANG
"Bitaw."
Napakabilis ng pangyayari. Tila nanghina ang aking katawan pero nasaksihan ko kung paano nila ako bitawan. Narinig ko ang nakakabinging tunog, nakita ko ang bagay na biglang pumutok at lumubog sa braso ng researcher na may hawak sa akin. Blood trails from his wound to my skin. The guy shot him using a gun.
And the next thing I knew, we escaped the place as he drove his motor at high speed. I leaned on his back when I felt my body getting numb again but my senses were wide awake. Everything around us were dark and the only light that guides us is the light from the motorcycle that we're riding.
"Hold on, don't sleep too soon."
They were still following us. At sa bawat segundong lumilipas, tila nanghihina ang aking katawan dahil sa likidong dumadaloy sa mga ugat ko ngayon. Nanatiling nakabalot ang aking mga braso sa kaniyang bewang at nakasandal ako ngayon sa likod niya. Hindi ako makapagreact sa bilis ng pagpapaandar nito ng motor. Pakiramdam ko kahit anong oras ay matutumba kami, ang ingay din ng makina nito.
Naririnig ko pa rin ang sigaw ng mga humahabol sa akin. Hindi talaga nila ako papakawalan, hindi nila ako hahayaang makatakas.
Mas lalo lang akong kinabahan ng hawakan nito ang kamay ko habang ang isa naman nitong kamay ay nakahawak sa manibela. Baka bumagsak kami!
Gumewang-gewang ang motor ng gawin niya iyon kaya narinig ko ang mga mura nito. Huminga ako ng malalim ng bigla niyang iniliko ang motor, at kung hindi dahil sa kamay niya na nakahawak sa akin, malamang ay nahulog na ako.
"Fvck fvck f**k!" I bit my lip when I heard his continous cursed. Nang bitawan nito ang aking kamay ay akala ko ibabalik niya ang hawak niya sa manibela pero parang nabuhay ako ng hawakan nito ang baril at walang pasintabing lumingon sa kaniyang likuran.
Sa hindi inaasahan, naigalaw ko na ang aking katawan at inilayo ko ang mukha ko sa kaniya. He smirked when he saw me, I gasp when he aimed at my back and shot two times. Paano niya nagagawang magmaneho habang nagpapaputok ng baril?!
Sa sobrang taranta ko at sa pilit na inilayo ang katawan ko sa kaniya, tuluyan ng sumemplang ang motor sa gilid namin. Napaubo ako ng maramdaman ko ang sahig sa likod ko. Habang siya naman ay ginamit ang kamay niya para hindi ito tuluyang mapasalampak sa sahig. We both groaned in pain.
"Napakalikot kasi!" he blamed me.
"Sino ba naman kasing hindi matataranta sa ginagawa mo?!"
Tinaasan niya ako ng kilay, "I can balance myself! Hinila mo lang ako!"
"Ako pa ang sinisi mo?!—"
"Oo ikaw! Ikaw ang hinahabol nila, kaya nabawasan ang bala ng baril ko!"
"Huh!" napasinghal ako dito at siya naman ay pinilit na tumayo, atsaka niya rin tinayo ang motor niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sinubukan kong tumayo. Napamura ako sa sakit nang makita ko ang kalagayan ng paa ko. Ang dami na nitong sugat at mas lalo lang itong namula dahil sa sprain. Humahapdi rin ang braso ko na may butas mula sa malaking syringe na tinurok nila sa akin. Parang namamanhid ang buong katawan ko.
"Hindi ka na makatayo niyan?" he asks bluntly.
"Sa tingin mo?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'to pero unti-unti na akong naiinis sa kaniya.
"Ha. Hindi ka nga baliw, bipolar lang." I opened my mouth to answer him with clenched teeth but I was surprised when he circled his arms around my waist and lifted me to sit on his motor.
I silently looked at the van that was now had flat tires. He shot those. Now, I was amazed how he perfectly shot on those. The researchers were frustatingly running towards our direction. Hindi ko alam na malayo-layo rin pala ang agwat namin, hindi ko maiwasang di mapatitig s mga mata ni Emmanuel, sa kanilang lahat siya lang ang nahuhuli. Nakakunot lang ang noo nito sa akin, kumpara sa iba na halos may mga blankong mga mata. Ang mga mata nito parang may sinasabi sa akin.
"You better hold onto something," before I could even react, he drove the motor so fast. So fast that I could be thrown away.
My hands automatically hold onto something, and I flinched when I realized where did my hands go. It landed on his head, I blocked his eyes.
"Aba, putragis talaga!"
"Oh, sorry." I set my hands on his shoulder.
"Isa pa, babae ka! Ibaba na kita!"
"Sigi," I cheerfully said, teasing him.
"Okay," then he suddenly stopped and swiftly drag me out of his motor.
"Hoy, hala! Wait! Joke lang 'yon!" I shouted panicking, "Galet na galet!"
Pero napatulala na lang ako nang tuluyan niya na nga akong iniwan mag-isa rito. Agad akong nagtago sa mga nagtataasang talahiban sa gilid ng kalsada.
What have I done?
. . .