N A T A S H A
. . .
"You know, it was a choice to be normal but they chose to be the bad one."
I don't know how to reach out my sympathy so I just apologize to him. Nakatakip pa rin ang kamay niya sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, hindi ko alam kung alam niya ba ang mga sinasabi niya ngayon o lasing lang siya.
"We could have live peacefully while having this if we think that we're normal, if we'll not use this as an advantage to the others."
"I'm sorry," I whispered. Now, I was completely sober because of everything that he said. He have a point.
"Bakit ka nagsosorry? Sino ka ba?" pinaningkitan niya ako ng mata kaya napailing na lang ako.
"Mama mo," pambabara ko at tumayo para kunin ang lata ng beer sa kamay niya.
"Hindi ko alam kung papatawarin pa kita, tangina ka." napatitig ako ng saglit sa kaniya.
Sabawat pananalita niya, ramdam na ramdam ko ang galit niya.
Nakasandal na siya ngayon sa sofa at medyo pumipikit-pikit na ang mata, namumula pa ang tenga niya. Lasing na nga talaga siya.
Hinila ko 'yung isang braso niya nang maingat pero bigla nanamang dumilat ang mata niya na para bang nagulat siya sa hawak ko.
"Mama mo, mama mo. Sino ba mama ko?"
Tuluyan ko na siyang naihiga sa sofa, minura niya pa ako dahil natamaan ko 'yung sugat niya. He was just mumbling things when I left him there to get a pillow and a blanket. When I came back, his arm was now resting on his eyes.
Nilagay ko 'yung unan sa ilalim ng ulo niya at kinumutan siya pero muli akong napatigil nang makita kong nakatitig nanaman siya sa akin.
"Mama ba kita?" kunot-noong tanong nito nang matapos ko na siyang makumutan.
I bit my lip while looking at him. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya kapag lasing. Ang cute lang, mukha pa rin naman siyang alerto at galit pero kung ano-ano nang sinasabi niya.
"Just wanted to ask," biglang sabi ko nang may maisip ako.
"What?" balik na tanong nito habang nakatitig pa rin sa akin.
"Hinabol mo ba mama mo nang umalis siya?"
"Ikaw lang ang hinabol ko," tamad na sabi nito at tinakpan ang mata niya gamit ang braso nito.
Ilang segundo lang akong nakatingin sa kaniya dahil sa sinabi nito. Muli kong nakagat ang labi ko dahil pigil na pala ang paghinga ko. Ofcourse, I stole his bag. Malamang talaga ay hahabulin niya ako. At isa pa, sinabihan na siya ni Beatrice kung bakit siya iiwan.
Ilang minuto rin ay hindi na siya gumalaw pa at naging relax na rin ang paghinga niya. Pinapanood ko lang siya habang natutulog. Inaalala ang mga sinabi nito.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi maganda ang paguusap nila nang makita ko si Beatrice dito. At 'yung pakiramdam na para bang wala siyang pake tungkol sa kamatayan ng mga kaibigan niya nang banggitin ko ito.
It was her young version, even before she fall in love with Pierre. There's something wrong about Beatrice. Kung alam niyang si Pierre ang magiging asawa niya bakit nanatili pa rin siyang naglalakbay dito para makita ang isang lalaki? Bakit mas pipiliin niya ang ibang lalaki kaysa sa pamilya niya? And who the hell is the man? Was he younger than her? Does he know that she's from the past? How long is she staying in this timeline?
Who's the man that is more important than her future family?
"Fuckin' Kyle. . ." he whispered under his husky breathe.
***
I was working in front of a computer to program my new game for him when I heard another set of sound. I silently stood up and followed the sound, it was coming from the sofa where I left that guy. I was surprised when I saw another woman standing there.
She's tall with her perfect pixie cut hair. She's wearing a peach crop too with a leather jacket on and a skirt that was too short, revealing her long legs with a leather boots.
"What the fvck?!" I shouted when a loud bang ecchoes in this place. Mabuti na lang napatalon ako sa aking gilid dahil sa gulat ko kaya nakaiwas ako sa balang muntik nang tumama sa akin.
Napasinghap ako nang makita ko na may hawak nang baril 'yung babae at nakatutok pa sa akin.
"Who are you?"
Dapat nga ay ako ang nagtatanong non.
"Jane," the guy called, sitting up in the sofa. The woman helped him even though there's no help to give.
"Who's that girl, huh?!" asik nung Jane habang matalim pa rin ang tingin sa akin.
"She's just. . . nothing," he shrugged and I raised an eyebrow at him.
It was not a proper way to introduce someone!
"J-just call me Nat." pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya kahit na muntik niya na akong patayin dahil sa baril niya.
"I am not planning to call you, get lost."
Wow, attitude. Napataas tuloy ako ng dalawang kilay dahil sa sinabi niya. Mabait 'yung pagkakasabi ko tapos ganon ang isasagot niya? Pinalagpas ko na nga ang pamamaril niya sa akin, uutusan niya pa akong mawala?
"Your ass called you bitch."
Her left eye twitched upon hearing those words from me. I was just planning to mumble it but I couldn't help myself. I just felt like I was ought to return the bitchy attitude that she gave me. Damn, matagal na rin akong hindi nakakausap sa babae tapos ganito pa.
Wow, this woman really.
"You piece of sh—"
"What are you doing here, Jane?" tanong ng lalaki habang nakahawak sa noo niya.
The feeling is mutual bro, nakakairita rin ang babaeng 'to. I felt like I also wanted to massage my forehead right now.
"I heard you're wounded," she said sweetly. I puckered my face at her disgusting expression.
"I'm okay,"
"Sure? I could stay for one night,"
I crossed my arm and look at my nails, gently tapping the ground with my feet. "One night stand," I murmured.
"You can leave," rinig kong sabi nung Jane kaya tamad akong tumingin sa kaniya.
"Me?"
"Ye—"
"Meme mo,"
Umayos ako ng tayo nang muntik na niya akong abutin, I even challenged her with my look.
"Ano? Sabunutan na ba dis?" natatawang sabi ko.
"Immature ka!" she shouted at me and I smiled in satisfaction, look who's describing herself. "Who the fvck is this, Tarzan?"
"Tarzan?" I laugh when she looked at him who's now frowning, "Cute, kaso hindi kayo bagay."
My eyes grew wider when she launched at me, natatawa akong tumakbo at mas lalo pang lumakas nang makita kong hinahabol niya ako. Gosh, ang pabebe niyang tumakbo. Sino ba 'tong babaeng 'to?
Halos nakakalayo na ako sa kaniya nang mapansing wala nang humahabol sa akin. Kaya naman tumigil na rin ako sa pagtakbo. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nang makumpirma na tumigil na 'yung Jane na 'yon ay napahinga na lang ako ng maluwag.
Lumabas muna ako ng pabrika at agad akong napangiti nang makita ko 'yung araw. I sat on the pavement while looking up, recharging myself.
Akala ko wala nang nakakaalam ng lugar na 'yon pero mukhang may iba pang bumibisita sa kaniya. I was starting to wonder kung kapatid niya 'yon, pero hindi naman sila magkamukha. At hindi rin Jane ang pangalan ng kapatid niya.
I heard it was Phoebe, naririnig ko tuwing natutulog siya.
Is it possible that she was his co-worker? Alam niya kung paano humawak ng baril, sinadya niyang hindi ako patayin para tanungin kung sino ako. Alam niya rin na sugatan 'yung lalaking 'yon, marahil alam niya kung bakit siya sugatan?
"Hindi ka ba mabubulag niyan? you're staring too long at the sun."
Napatayo ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko, muntik pa akong mapatapilok. I stared at the guy, he doesn't have the same aura that I am comfortable with.
Napaatras ulit ako, sino 'to? Ito ba 'yung sinasabi ng lalaki 'yon na kahit sino pwedeng makapasok dito? Pinagmasdan ko ang itsura niya at mukhang maayos naman siyang manamit. A pair of sweatshirt and a shorts with white shoes, kitang-kita ko pa 'yung relo niya.
Mukhang napansin niya ang pagkabalisa ko kaya tinaas niya ang dalawang kamay niya.
"Wala akong gagawin," inosenteng sabi nito.
"Kasama mo rin ba 'yung Jane na 'yon?" tanong ko habang di gumagalaw sa pwesto ko. He raised an eyebrow then smiled.
"She's my cousin. I'm Haymitch," pagpapakilala niya pero hindi ako sumagot at muling tumakbo pabalik sa pabrika.
Hindi ko nagugustuhan ang tingin ng lalaking 'yon, narinig ko na tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinapansin. Nang makarating ulit ako kung saan ko sila iniwan, magkatabi na silang nakaupo sa sofa.
Sabay pa silang napatingin sa akin.
"I wanted peace," I suddenly blurted out, hindi nila naintindihan 'yon kaya lumingon ako sa aking likod kung saan nakasunod pa rin 'yung Haymitch.
"Okay, okay." he answered with a chuckle.
***
Nanatili ako sa kwarto at kung ano-ano pang ginawa ko don nang mapagdesisyunan ko nang bumaba dahil nagugutom na ako. Tahimik nang makalabas ako kaya dire-diretsyo akong pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.
"Did he do something to you?" napatingin ako sa aking kanan nang may magsalita doon. Nakita ko 'yung lalaking mukha nanamang galit, may hawak pa siyang mamapal at itim na tela.
"Sino?"
"Haymitch,"
"Wala naman, bakit? Concern ka?" tinaas-baba ko pa ang kilay ko pero umiling lang siya sa akin.
He heaved a deep sigh, "Just wanted to warn you, don't make a physical contact with him."
Tinalikuran niya ako matapos non kaya naman napangiti ako at hinabol siya.
"Why? Ayaw mong malaman niya na katulad mo rin ako?"
"He's like us," he shrugged while wearing his jacket.
"Oh? Anong kaya niyang gawin?"
"He sucked energies from anyone's body. Mostly, if you're just a normal person, he'll stole your heartbeat and stop it from beating. Like, literally stop everything that was moving in your body."
Namangha naman ako nang marinig ko 'yon. Kaya pala hindi ko nagustuhan ang aura nung Haymitch na 'yon nabg makita ko siya. I know it, I could really trust with my guts. Nakakatuwa rin dahil medyo nagpapaliwanag na siya ngayon.
"Paano kapag nahawakan niya ako? Anong mangyayari?"
"Subukan mo, wala naman akong pake." masungit na sabi nito kaya napanguso na lang ako at hinayaan na siyang makalayo.
Nakalimutan kong itanong kung anong kaya nung Jane na 'yon, I wonder if they were alike. Whatever, wala kong pake sa babaeng 'yon. Atsaka mukhang hindi naman siya threat sa lalaking 'yon at hindi niya ako pinagbantaan. Siguro kailangan kung layuan 'yung Haymitch na 'yon dahil mukhang ayaw niya.
Nagdaan pa ang ilang mga araw at lagi nang bumibisita 'yung Jane na 'yon, nakakagulat pa na may kotse dito. Alam kong malayo ang city rito, parang nagsasayang lang siya ng gas dahil hindi rin naman siya pinapansin ng taong binibisita niya.
Hinahayaan ko na lang at minsan ako ang tumatawa o sumusuporta sa kaniya kapag nagpapansin siya. Buti nga sa kaniya, di siya pinapansin.
"Hoy, ikaw." turo niya sa akin, nakadi-kwatro pa siya at nakakrus ang braso habang nakaupo sa sofa.
"Ano?" tumigil ako sa paglalakad dahil ngayon niya na lang ako kinausap.
"Bakit nandito ka pa kasi?"
"Bakit? Pinapaalis mo ba ako?" balik na tanong ko.
"Oo," tumayo siya na parang hinahamon ako. "Don't you have your house?"
"Dito na ako nakatira," sigang sabi ko at sinalubong din ang tingin niya.
"She's lost," napanganga ako ng sabihin 'yon ng tanging lalaki sa lugar na 'to. Katatapos niya lang maligo at may tuwalya pa sa ulo niya.
"Oh, a rat?"
Umirap na lang ako sa sinabi ni Jane at pumunta sa may computer. Shinutdown ko 'yon at nawalan na ako ng ganang gawan pa ng laro 'yung lalaking 'yon.
Noong nakaraan lang pinakilala niya ako bilang 'nothing' tapos ngayon sasabihin niyang naliligaw ako, sa harap pa ng Jane na 'yon. I'm humiliated, nakakainis.
Edi ako na walang silbi dito sa lugar niya. Parang sinasabi niya pa na ayaw niya talaga akong manatili rito. Tsk.
Napakunot ang noo ko nang makita kong nakatayo na mismo sa harap ko si Beatrice. Bigla na lang siyang sumulpot nang hindi ko napapansin, mabuti at hindi ako nagmukhang nagulat.
"Natasha," she called, her stare makes me flinch. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng anak niya, na may kabit siya.
"What do you need?" I said in cold voice..
"You need to help me," she tried to reach for me but I stepped backwards.
"Why would I help you—"
"Your brother was exposing my daughter to Mr. Walter. You need to stop him, save my daughter."
Naalarma ako nang muli kong marinig ang pangalan ni Mr. Walter. Everytime I'm hearing his name, I always got chill.
"Why don't you do it yourself?" I asked in serious voice, matching her tone.
"Because now that you escaped Mr. Walter, someone has to replace your spot. It's your fault, you need to do something with it!"
"Kasalanan mo rin 'yung nangyayari sa amin ngayon, wag mong ipasa ang lahat dahil lahat ng 'to ay kasalanan niyo rin! Why can't you travel through time and just manipulate it?!"
"I could only do one thing in my dream. I was only dreaming right now—"
"I don't want to hear your reasons anymore." malamig na sabi ko, "Don't worry, I will still help her."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, inaalala ang sinabi ng anak niya sa akin noong gabing 'yon. The one when I felt his anger and envy towards his sister, the reason why he was left behind to sacrifice his childhood to her.
"But this time, it's not for her, it's for him to see his sister again."