bc

KARIBAL KO ANG AKING AMA (R-18)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
one-night stand
HE
age gap
forced
heir/heiress
bxg
kicking
brilliant
office/work place
cruel
musclebear
affair
like
intro-logo
Blurb

[MATURED THEME. RATED SPG 🔞 ]

Ang babaeng minsan kong hinagkan sa ibang bansa ay ang babaeng pinakasalan ng sarili kong ama. Si Lena ang babaeng hindi ko nakalimutan. Si Armando ang amang buong buhay kong kinamuhian. At ngayong iisa na ang babaeng pinag-aagawan namin, unti-unti akong nilalamon ng pagnanasang hindi ko dapat maramdaman.Pero paano kung ang lihim na relasyon naming dalawa ay simula lamang ng mas malaking kasalanan? Paano kung ang babaeng minamahal ko ay siya ring babaeng may bahid sa pagkamatay ng aking ina?Paano ko pipiliin ang babaeng ninanais ko kung ang kapalit naman ay ang katotohanang sisira sa natitira kong pagkatao?Sa pagitan ng paghihiganti, pagtataksil, at ipinagbabawal na pag-ibig, sino ang unang mawawasak—ako, si Lena, o ang pamilyang matagal nang nabubulok sa mga lihim?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: THE STRANGER WHO PULLED ME BACK
TJ'S POV (ATHENS, GREECE) Ilang oras na akong nakatambay sa rooftop bar ng hotel na tinutuluyan ko sa Athens, pero kahit ubusin ko yata ang lahat ng wine na naroon, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang mukha ng lalaking dahilan kung bakit ilang araw na akong hindi mapakali. My father. I never thought I'd reach a point in my life when the mere sight of his name on my phone would be enough to ruin my entire evening, but there I was, staring at the screen while it vibrated against the table for what felt like the hundredth time that night. Hindi ko na kailangang sagutin ang tawag para malaman kung ano ang sasabihin niya, dahil kabisado ko na ang tono ng boses niya kapag galit, ang paraan ng pagsasalita niya kapag gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatang sumuway, at ang paborito niyang linyang ginagamit tuwing hindi ko sinusunod ang gusto niya. You're my son, TJ. You should know better. Napailing ako at muling uminom ng wine. "Jesus Christ, Dad. Don't you ever get tired?" Nang tumigil ang tawag, akala ko ay sa wakas ay bibigyan na niya ako ng katahimikan, pero hindi pa lumilipas ang isang minuto ay muli na naman itong tumawag. Napatawa ako nang mapakla bago kinuha ang cellphone at sinagot iyon, hindi dahil gusto ko siyang kausapin kundi dahil gusto kong matapos na ang istorbo. "What do you want now?" "Is that how you answer your father?" Agad na sumalubong sa akin ang matigas niyang boses. "I've been trying to reach you since this afternoon, and you couldn't even bother to answer one damn call." I leaned back in my chair and looked at the city lights beyond the glass railing. "Maybe that's because I don't want to talk to you." "Don't start with me, TJ. I'm not in the mood for your attitude tonight." "Funny, because I'm never in the mood for you, either, but here we are." Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga, iyong tipong ginagawa niya kapag pakiramdam niya ay sinusubukan kong ubusin ang pasensiya niya. Dati, sapat na ang ganoong tunog para tumahimik ako, pero matagal nang hindi ganoon ang epekto nito sa akin. "You've been away for weeks, and you haven't even told me when you're coming home. Do you have any idea how irresponsible that is?" I let out a short laugh. "I'm thirty-two years old, Dad. I don't need your permission to travel, and I certainly don't need to report every single thing I do." "You're still my son, and as long as you're part of this family, I have every right to know where you are." "That's the problem, isn't it? You keep talking about this family as if you've actually done something to keep it together." Biglang natahimik ang kabilang linya, at alam kong tinamaan ko siya sa sinabi ko, pero sa halip na makaramdam ng pagsisisi, mas lalo lamang akong nainis. Ilang taon ko nang gustong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon, ngunit sa tuwing sinusubukan kong ilabas ang sama ng loob ko, nauuwi lang kami sa pagtatalo at sa mga salitang pareho naming pagsisisihan kinabukasan. "Watch your mouth, TJ." "Or what? You'll cut me off? Take away the things you've already given me? Go ahead, Dad. I've been telling you for years that I don't want anything from you." "You're acting like an ungrateful brat." "And you're acting like a father who thinks money can make up for everything he's done." "Enough!" Napahawak ako sa noo at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi ko na kayang marinig ang boses niya, lalo na ngayong ilang araw ko nang pilit na iniiwasang isipin ang lahat ng dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas. "You're right, Dad. Enough. I'm done with this conversation." "TJ, don't you dare hang up on me—" I ended the call before he could finish speaking. Matagal kong tinitigan ang cellphone ko habang muling pumapasok ang tawag niya, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na hinintay na tumigil ito nang kusa. Kinuha ko ang maliit na tool sa keychain ko, tinanggal ang SIM card mula sa cellphone at pinutol iyon bago tuluyang itinapon sa basurahang katabi ng mesa. "There. Now you can finally leave me alone." Bumalik ako sa kinauupuan ko at tinungga ang natitirang wine sa baso. Hindi ko na matandaan kung pang-ilan ko na iyon, pero ramdam ko na ang epekto ng alak sa katawan ko; bahagyang umiikot ang paligid at tila mas mabagal kaysa karaniwan ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko. Gayunpaman, hindi sapat ang kalasingan para patahimikin ang utak ko, kaya tumayo ako at naglakad patungo sa gilid ng rooftop kung saan mas maluwag ang espasyo at hindi ko maririnig ang ingay ng mga taong nag-uusap sa likuran ko. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ang malawak na lungsod ng Athens, ang mga sasakyang tila maliliit na ilaw sa kalsada, at ang mga gusaling halos abot na ang kalangitan. Maganda ang tanawin, lalo na sa ganitong oras ng gabi, pero wala akong maramdamang kahit kaunting paghanga rito dahil masyadong abala ang isip ko sa mga bagay na matagal ko nang gustong kalimutan. I stepped onto the raised ledge beside the terrace, holding the wineglass in one hand while looking down at the streets far below. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Siguro gusto ko lang makita kung gaano kataas ang kinaroroonan ko, o baka gusto kong maramdaman kahit sandali na may kontrol ako sa isang bagay, kahit sa simpleng desisyon kung saan ako tatayo. Wala akong balak tumalon, at lalong wala akong balak tapusin ang buhay ko; gusto ko lang ilabas ang lahat ng galit at pagod na ilang taon ko nang kinikimkim. Pero nang maisip ko ang aking ina, ang mga panahong nakikita ko siyang umiiyak nang palihim, at ang lahat ng pagkakataong pinili ng aking ama ang sarili niyang kagustuhan kaysa sa kapakanan ng pamilya namin, hindi ko na napigilan ang sarili ko. "f**k!" Napalingon sa akin ang ilang tao sa rooftop, pero wala akong pakialam. Itinaas ko ang ulo ko at sumigaw nang buong lakas, na para bang sa wakas ay may pagkakataon akong sabihin ang lahat ng mga salitang matagal ko nang gustong marinig ng mundo. "IS THIS WHAT YOU WANTED, DAD? IS THIS WHAT YOU WANTED ME TO BECOME?" May narinig akong bulungan sa likuran ko, ngunit lalo lamang akong nainis dahil kahit sa lugar na ito, kung saan wala akong kakilala at walang sinumang may alam sa buhay ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako malayang maging kung sino ang gusto ko. "BAKIT HINDI MO NA LANG AKO TINURUANG MAGING MASAYA? BAKIT KAILANGAN LAHAT NG BAGAY AY KONTROLADO MO?" My voice cracked as I swallowed the lump in my throat. "SANA HINDI NA LANG AKO PINANGANAK KUNG GANITO LANG DIN ANG BUHAY NA IBIBIGAY MO SA AKIN!" Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang tumigil ang mga tao sa kanilang ginagawa. May ilang tumayo mula sa kanilang mga mesa, habang ang isang babae ay napahawak sa bibig at mabilis na lumapit sa kasamahan niya. "Someone should call security!" narinig kong sabi ng isang lalaki. "Sir, please get down from there!" sigaw ng isa pa. Napalingon ako sa kanila at napailing, hindi makapaniwalang iniisip nilang may gagawin akong katangahan dahil lamang sa pagsigaw ko. "I'm not going to jump!" sigaw ko pabalik. "Can you people just mind your own business?" Ngunit bago pa ako makatalikod, may biglang humawak sa akin mula sa likuran at hinila ako nang buong lakas palayo sa gilid. Hindi ko inaasahan ang puwersang iyon, kaya nawalan ako ng balanse at tuluyang bumagsak sa sahig kasama ang taong humila sa akin. "WHAT THE HELL!" Bumagsak ako sa ibabaw ng babaeng humila sa akin. Sinubukan kong bumangon pero biglang umikot ang paligid at sumama ang pakiramdam ko. "Oh, s**t—" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasuka ako sa kanya, sa bandang tyan niya dahil pinilit kong iiwas para hindi ko masukahan ang mukha niya. Nagkalat ang suka ko sa mukhang mamahaling black dress niya. Ilang segundo kaming parehong hindi gumalaw. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumingala, at sa mukha niya ay nakita ko ang galit na tila kayang pumatay ng tao. "ARE YOU SERIOUS RIGHT NOW?" Napakurap ako at pilit na inangat ang ulo ko. "What?" "SINUKAHAN MO LANG NAMAN AKO!" I glanced at her dress, then at the mess beside us. "Oh. Hi. Pinay ka pala. Hi kabayan." "OH? Yan talaga ang sasabihin mo?" Halos mapatalon siya sa galit. "I PULLED YOU AWAY FROM THE EDGE BECAUSE I THOUGHT YOU WERE GOING TO JUMP, AND THIS IS HOW YOU THANK ME?" I rubbed my forehead, trying to make sense of what was happening. "First of all, I wasn't going to jump. Second, you could've just asked me to get down instead of dragging me like a sack of potatoes." She stared at me as if she couldn't believe what she was hearing. "YOU WERE STANDING AT THE EDGE OF A ROOFTOP, SHOUTING THAT YOU WISHED YOU HAD NEVER BEEN BORN! WHAT WAS I SUPPOSED TO THINK?" Napabuntong-hininga ako at sinubukang umupo, pero agad akong napahawak sa ulo dahil sa pagkahilo. "Okay, fine. I'm sorry about your dress." She looked down at it before glaring at me again. "Hindi maaayos ng sorry mo ang damit ko!" "Do you want me to buy you another one?" For a moment, she seemed ready to throw something at me. "YOU THINK THIS IS ABOUT THE DRESS?" I opened my mouth to answer, but she pointed a finger at my face before I could say anything. "YOU ARE REALLY AN IDIOT!" Sa kabila ng pagkahilo ko, hindi ko napigilang matawa. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa unang pagkakataon sa gabing iyon ay may isang taong hindi natakot na sagutin ako, pero nakatulong ang galit niya para bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Unfortunately, that only made her angrier. "WHY ARE YOU LAUGHING?" "Because you're funny." "FUNNY? I ALMOST DIED BECAUSE OF YOU!" I raised an eyebrow. "You pulled me, remember? You're the one who tackled me." She stared at me for a long moment before turning toward the hotel staff who had finally reached us. "Please help me stand up before I change my mind and leave him here!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.4M
bc

The Silver Wolf

read
572.5K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.1M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
892.0K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook