Bago umuwi ay dumaan muna si Lily sakanyang guro para pag-usapan nga nila ang nangyari kanina sa klase. Sabihin na kaya ni Lily ang katotohanan sa kanyang guro kahit na alam niyang mapapahamak siya kapag ginawa niya ito?
"Ma'am, ako po ito. Si Lily, papasok na po ako ha?" sabi ni Lily sabay pasok sa opisina ng kanyang guro
"Oh, Lily. Nandyan ka na pala. Sige, maupo ka. Nandyan pa ba ang mga kaklase mo o nakauwi na sila?" tanong ng guro ni Lily sakanya
Hindi agad nakasagot si Lily sapagkat nasa isip pa rin niya kung magsusumbong a ito sakanyang guro o hindi kaya naman napaulit ng tanong ang guro ni Lily sakanya.
"Lily? Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, kung nandyan pa ba ang mga kaklase mo o wala na?" ulit pa nito kay Lily
"Ay. Opo, wala na po sila pero si Hasmin po ay nandyan pa dahil hinihintay niya ako. Pasensya na po kung hindi ko kayo nasagot agad, may iniisip lang po kasi na medyo malalim. Sorry po ulit." sagot naman ni Lily, gulat na gulat dahil kinakausap na pala siya ng guro niya
"Tungkol nga dyan ang gusto kong sabihin at itanong sa iyo. Ano bang nangyayari at ikaw eh nagkakaganyan na Lily? Hindi ka naman dating ganyan. Alalahanin mo, honor student ka sa paaralan na ito kaya kung may problema ka ngayon ay sabihin mo na." sagot naman ng guro ni Lily
"Ah, eh. Wala naman po akong problema, ayos lang po ako. Huwag niyo na lang pong pansinin ang mga kilos ko. Wala po ito, hayaan niyo po babawi na lang ako sa susunod basta huwag niyo na po ako isumbong kay Kuya Gerald ko o sa tiyo at tiya ko po." takot na takot na sagot ni Lily sakanyang guro
Labis na pagtataka tuloy ang nabuo sakanyang guro dahil sobrang takot si Lily na sumagot sakanya. Hindi naman ito ganito noon kaya pansin na pansin niya ang pagbabago sa bata. Para bang dumadaan ito sa emotional stress.
"Lily, magsabi ka ng totoo sa akin. Kilala kitang bata ka, masayahin ka noon pa kaya nakakapanibago na sobang takot ka sa akin ngayon. Alam kong may problema ka. Sabihin mo na para malutasan natin ito agad." sabi ng guro ni Lily
"Eh ano po kasi, may family problem lang po sa bahay. Financial po kaya ako nag-iisip ng malalim kanina. Pasensya na po talaga" pagsisinungaling ni Lily
"Iyon ba talaga ang dahilan Lily? Feeling ko kasi ay ay uba pang dahilan kaya ka nagkakaganyan. Okay lang na sabihin mo sa akin dahil ako naman ang pangalawa mong ina hindi ba?" sagot ng guro ni Lily
Alam naman ni Lily na mapapagkatiwalaan niya ang kanyang guro pagdating sa mga ganitong klaseng bagay pero labis lang kasi ang kanyang takot na kalabanin ang mga kamag-anak niya dahil maaari silang tumanggi tungkol dito.
Nagsimula nang umiyak si Lily sa harapan ng kanyang guro kaya naman gulat na gulat ito noong nangyari iyon. Agad itong tumayo sa kinakaupuan niya at niyakap si Lily kahit na hindi pa niya alam ang tunay na dahilan kung bakit naiyak ito.
"Iiyak mo lang ang lahat Lily, nandito ako para sa iyo. Nandito ang buong eskwelahan para sa iyo. Ilalaban ka namin kung kinakailangan. Basta, sabihin mo lang ang totoo sa amin at handang-handa kami na ikaw ay tulungan." sabi ng guro ni Lily sakanya
"Si tiyo po kasi, dalawang taon na akong ginagahasa. Si tiya naman po ay kung ano-ano ang sinasabi sa akin at kung minsan po ay sinasaktan na po niya ako kapag hindi nasunod ang utos niya." sagot ni Lily sabay iyak sakanyang guro
"Ha? Ano ba iyang sinasabi mo? Sigurado ka ba dyan Lily?! Kapag kasama mo naman sila dito sa eskwelahan ay maayos naman ang trato nila sa iyo. Anong nangyari?!" alalang-alala ang guro ni Lily sakanyang sinapit
"Opo, mabait po sila kapag may ibang tao sa paligid pero kapag po nasa bahay lang kaming apat ay doon na po ako sinasaktan at ginagalaw. Hirap na hirap na po ako. Hindi ko na po alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Kaya sana po ay matulungan niyo po ako, kayo na lang po ang malalapitan ko ngayon." iyak na sabi ni Lily sakanyang guro
"Sige, huwag ka na umiyak ha? Sisiguraduhin namin na ligtas ka sa kamay ng tiyo at tiya mo. Huwag ka na mag-alala, tutulungan ka namin. Bukas na bukas din ay pupunta kami sa inyo at pansamantala kitang kukunin sakanila habang iniimbestigahan sila ng mga pulis." sagot ng guro ni Lily sakanya
Kitang-kita na awang-awa ang guro ni Lily sakanya. Kaya pala ito hindi mapalagay dahil ganoon na ang nangyayari sakanya sa loob ng pamamahay nila. Ang sana ay masaya at maayos na pamilya ay impyerno pala sa dalagita.
Pagkatapos umiyak ni Lily ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto ng opisina ng kanyang guro kaya agad niya itong tiningnan at nagulat siya noong makita niya ang kanyang Kuya Gerald. Narinig kaya nito ang usapan nila ng kanyang guro?
"Oh, Kuya Gerald, andyan ka na pala. Kanina ka pa ba dyan? Pasensya ka na kung natagalan ako ha? Kinausap pa kasi ako ni Ma'am dahil may sinasabi siya sa akin pero tapos naman na kami. Hindi ba Ma'am?" sabi ni Lily pagkatapos ay sinusubukan na itago ang kanyang mga luha sa Kuya Gerald niya
"Hindi naman, kakadating ko lang. Nag-ayos pa kasi ako ng classroom kaya ngayon lang tayo makakauwi. Pwede ka na ba uuwi? Tapos na ba talaga ang pinag-uusapan niyo ni Ma'am? Mukhang importante ah." sabi ng Kuya GErald ni Lily
"Ah, oo. Tapos na kaming mag-usap, kinausap ko lang siya tungkol sa grades niya pero okay na. Pwede na kayong umuw, mag-iingat kayo ha? Bukas ulit." sabi naman ng guro ni Lily
"Sige po Ma'am, bukas na lang po ulit. Salamat po at kinausap niyo ako tungkol sa grades ko!" sabi ni Lily, pagkatapos ay tumayo na para umalis
Bago niya lisanin ang opisina ng kanyang guro ay tumingin muna lit siya dito. Seryoso ang mukha niya at alam mo talagang siya ay humihingi ng tulong. Tumango ang kanyang guro at ngumiti bilang sagot. Makaalis na kaya si Lily sa malupit niyang tiyo at tiya?