Pagdating sa eskwela ay nagpuntahan na sakani-kanilang klase ang magpinsan na si Gerald at Lily, bakas pa rin ang pagkaalala ng dalagita dahil sa ginawa ng kanyang tiyuhin.
"Oh, dyan ka na ah? Papasok na ako sa klase ko. Ikaw rin, mag-iingat ka ha? Kapag may umaway o nang-asar sa iyo sa mga iyan ay ipatawag mo lang ako. Nasa kabila ako." sabi ni Kuya Gerald kay Lily
"Hindi na kuya, kaya ko na naman na ito. Saka mababait naman itong mga kaklase ko pero hayaan mo, kung meron man ay sasabihin ko agad sa iyo." sabi ni Lily kay Kuya Gerald
Pagkatapos ay nagsimula na ang klase ng dalawa. Kahit nasa klase na ay hindi pa rin makapag-isip ng tama si Lily. Lagi naman siyang ganito eh.
Halos lagi siyang nakatulala, minsan tulog naman siya dahil puyat sa kakagalaw ni Tiyo Alberto sakanya. Kawawang Lily, hanggang sa labas ay hinahabol ng tiyuhin niya.
"Lily? Bakit hindi ka nasagot? Nakatulala ka lang dyan. Ilang araw ka
ng ganyan ah. Nag-aalala na ako para sa iyo." sabi ng guro ni Lily sa dalagita
"Ha? Ano po iyon Ma'am? Ano pong sinasabi niyo?" biglang natauhan si Lily at naalala na nasa eskwelahan nga pala siya
"Tinanong kita ng math equation para sa iyong recitation pero mukhang lumilipad yata ang isip mo, hija." sabi ng guro ni Lily sakanya
"Ah, pasensya na po. Hindi ko po talaga sinasadya, napuyat po kasi ako kagabi kaya naman hindi po ako makasabay sa inyo. Pasensya na po talaga, hindi na po mauulit." sabi ni Lily sakanyang guro
"Pasensya ka na rin pero I think I have to talk to your guardians. Hindi pwedeng ganyan, go to my office after class para mapag-usapan natin kung paano ko makakausap ang guardians mo." sabi ng guro ni Lily sa dalagita
Dahil doon ay puno na ng takot ang damdamin ni Lily. Paano naman niya sasabihin sa guro niya ang ginagawa ng kanyang tiyuhin? Maniwala kaya ito sakanya o indi? Hindi ba't may usapan sila ni Tiyo Alberto na dapat ay walang makaalam ng sikreto nilang dalawa. Ano na lang ang sasabihin ni Tiya Miding sakanya? Isa pa, paano na ang pag-aaral niya?
"Ma'am pwede po bang huwag na lang? Busy po kasi ang tiyo at tiya ko kaya hindi sila makakapunta dito. Pasensya na po, hayaan niyo po aayusin ko na po sa susunod ang performance ko sa klase niyo." natatakot na sagot ni Lily sakanyang guro
"Kung hindi sila makakapunta edi ako ang pupunta sa bahay niyo para kausapin sila. Hindi ka na pwede tumanggi, Lily. Iba na iyang kinikilos mo, kailangan kong makita kung ano ang nasa paligid mo para malaman ko kung ligtas ka ba." sagot ng guro ni Lily
Hindi tuloy makapagdesisyon si Lily, ipapaalam na ba niya sa guro niya ang katotohanan o mananahimik siya at walang pagsasabihan ng mga nangyayari sakanila sa bahay nila? Gulong-gulo na si Lily.
Hanggang sa tanghalian sa eskwela ay hindi pa rin siya mapalagay dahil sa sinabi ng guro niya sakanya. Parang gusto na lang niyang umuwi at hindi kausapin ang guro niya sa oras ng uwian nila.
"Hoy, Lily! Kanina ka pa tulala dyan, kahit noong tinatanong ka ng guro natin dahil mayroon tayong reciattaion ay hindi ka rin sumagot! Ano bang nangyayari sa iyo ha? Hindi ka naman dating ganyan ah, may sakit ka ba?" tanong ni Hasmin, kaibigan ni Lily sa eskwela
"Ah, wala naman. siguro ay pagod at puyat lang talaga ako. Pasensya ka na, hindi kita makakausap ng maayos ngayon dahil madami akong iniisip." sagot naman ni Lily kay Hasmin
"Haynaku, kung ano man iyan ay pwede mo naman sabihin sa akin. Alam mo naman na nandito lang ako para sa iyo." sabi ni Hasmin kay Lily
"Alam mo talaga kapag may problema ako ano? Tunay na kaibigan talaga kita, pero pasensya ka na ha? Sa pagkakataon na ito kasi ay hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dahil tungkol ito sa pamilya ko." sabi ni Lily kay Hasmin
Kung pwede lang talaga na magsabi kay Hasmin ay sasabihin naman niya talaga eh. Kung madali lang ipaliwanag ang lahat ay siguradong matagal na niyang kwinento sa kaibigan ang problema niya sa loob ng bahay nila kaso hindi naman ganoon kadali, hindi ganoon kadali ang mga bagay ngayon.
"Ha? Bakit naman Lily? Anong meron sa pamilya mo? Pero sige, alam ko naman na pribado iyan at alam ko din na kayo lang ang makakalutas niyan kaya papabayaan na kita. Basta ako, kapag kailangan mo ako ay nandito lang ako." sabi ni Hasmin pagkatapos ay Lily pagkatapos ay niyakap niya ang kanyang kaibigan
"Tara na nga, kumain na tayo! Mamaya ay kakausapin ko si Ma'am para doon sa pag-uusap nila ng tiyo at tiya ko sa bahay namin. Haynaku, kinakabahan na ako!" sabi ni Lily kay HAsmin
"Bakit ka naman kakabahan ha? Kakausapin lang naman ni Ma'am iyon, pagkatapos naman noon ay hindi ka naman kakainin ng buhay ng tiyuhin at tiyahin mo hindi ba?" sabi ni AHsmin
"Kung alam mo lang ang nangyayari sa loob ng bahay namin." bulong ni Lily
"Ha? May sinasabi ka ba Lily? Ano iyon?" tanong ni HAsmin kay Lily
"Wala, ang sabi ko ay kumain na tayo dahil mahuhuli na tayo para sa susunod na klase. Puro ka kwento dyan, hindi ka ba napapagod?" sagot ni Lily kay Hasmin
"Hindi, uy alam mo ba tumingin sa akin at ngumiti si Oliver sa akin kanina! Gusto ko na siyang lapitan kaso baka makita ako ni Ma'am eh kaya hindi ko ginawa, pero alam mo ba sobrang gwapo niya nung ngumiti siya sa akin? Ang cute niya dahil may dimples siya!" sigaw ni Hasmin kay Lily na tuwang-tuwa at kilig na kilig pa
Si Oliver ang nag-iisang hinahangaan ni Lily sakanilang eskwelahan. Bukod sa matalino kasi ito ay maganda rin ang boses. Gwapo pa kaya naman hindi maiwasan ni Lily na humanga dito pero paano na ngayon? Gusto rin pala iyon ng kaibigan niyang si Hasmin. Ipagparaya na lang kaya niya ito dahil mas importante ang pagkakaibigan nila ni Hasmin o ipaglalaban niya dahil ito na lang ang natitirang kasiyahan ni Lily sa buhay niya?