Hindi namalayan ni Lily na sa sobrang pag-iyak niya kagabi ay nakatulog na pala siya. Bakit ba kailangang mangyari ito sakanya? Minsan, umabot na sa puntong pati ang Diyos ay tinanong na niya.
Nagising na lang siya nang biglang may malamig na tubig na dumampi sakanyang balat. Nagulat siya ng makita na may dalang tabo si Tiya Miding at iyon ay binuhos sakanya.
"Tiya Miding, tama na po! Nalalamigan na po ako! Huwag na po!" sabi niya kay Tiya Miding
"Ano at hindi ka agad bumangon na bata ka?! Hindi ba't sinabi ko namamalengke ka ngayon?!" sigaw ni Tiya Miding kay Lily
"Ay oo nga po pala. Sige po, magbibihis na po ako at aalis papunta sa palengke." sabi ni Lily na nagmamadaling maglagay ng kanyang tsinelas
"Huwag ka na magmadali dahil nagawa ko na! Namalengke na ko para sa iyo prinsesa!" sigaw ni Tiya Miding habang kinukurot nito si Lily
"Tama na po, Tiya Miding! Sorry na po, hindi ko sinasadya na hindi magising ng maaga ngayon!" sagot naman ni Lily
"At nasagot ka pang bata ka ha?! Paano kung hindi ka maligo ngayon at-- hindi na natapos si Tiya Miding sa sasabihin niya dahil nagising na si Tiyo Alberto at narinig sila nito
"Ano nanaman ba iyang sinisigaw mo dyan Miding?! Ka-aga aga ay nasigaw ka. Kumalma ka nga, matanda ka. Baka atakihin ka pa niyan dahil sa galit mo." sabi ni Tiyo Alberto sakanyang asawa
"Eh paano naman kasi, itong pamangkin mo hindi nakapamalengke dahil tanghali na nagising. Binilin ko sakanya ito kagabi." sagot ni Tiya Miding sa kanyang asawa
"Hayaan mo na, baka naman tinanghali lang ng gising dahil nag-aral ng mabuti kagabi kaya napuyat. Kumalma ka na, asawa ko." sabi ni Tiyo Alberto sa asawa
"At bakit mo naman ito kinakampihan? Ano ang nakain mo at naiba yata ang tono mo sa batang ito? Dapat nga ay di na pinag-aaral ang batang iyan!" sagot ni Tiya Miding sa asawa
"Ano ka ba naman, asawa ko? Syempre, ayaw ko lang masira ang umaga ko kaya ito, kalmado lang ako." sagot ni Tiyo Alberto na inaamoy-amoy pa nito ang buhok ng asawa
"Pasensya na po talaga dahil hindi ako nagising ng maaga. Hayaan niyo po, babawi po ako bukas. Pasensya na po ulit, hindi na po ito mauulit." sabi naman ni Lily
"Suguraduhin mo lang na hindi na ito mauulit, dahil hindi na ako makakapayag pa na mangyari ito ulit! Sige na, maligo ka na at baka mahambalos pa kita kapag hindi ka umalis dyan." sabi ni Tiya Miding
"Oh, ayan ka nanaman eh. Tama na, huwag mo na pagalitan si Lily. Hayaan mo na yung bata. Lily, maligo ka na at kumain para makapasok ka na sa eskwela ha? Tara na lang sa taas asawa ko at magpahinga. Pwede ring magloving-loving kung gusto mo." sagot naman ni Tiyo Alberto na nakangiti na para bang nakakaloko
Ganyan si Tiyo Alberto kapag nagagalaw niya ang dalagita na si Lily. Para siyang anghel na galing sa langit na pinadala kay Lily para ipagtanggol siya kay Tiya Miding.
Pero sa tuwing hindi nakaka-score si Tiyo Alberto ay galit na
galit ito sa dalagita na para
bang kakainin niya ito
ng buhay.
"Sige po, maliligo na po ako at kakain para makaalis na at hindi mahuli sa klase. Salamat po tiyo." sagot ni Lily kay Tiyo Alberto
"Loving-loving ka dyan? Ikaw eh mamasada na dyan ng jeep para may pera tayo panggastos sa araw-araw! Palibhasa puro hilata ang alam mo kaya wala kang ginagawa! Puro ka inom!" sagot ni Tiya Miding sa asawa
Paanong hindi ka mawawala ng gana sa ganung klaseng asawa? Puro kuda, hindi man lang marunong manlambing sa asawa.
Wala nang nagawa si Tiyo Alberto kundi pumanhik sa taas at nagbihis para mamasada na ng jeep para may ipangkain sila sa araw na iyon.
Pagkatapos maligo ni Lily ay kumain na siya, kasabay niya ang pinsan niyang si Gerald dahil papasok na din ito sa eskwela.
Nasa edad labing pito na si Gerald pero nasa ikatlong taon pa lang ito ng hayskul. Dahilan para lalong mahirapan si Tiya Miding sa pagtatrabaho araw-araw.
"Pinagalitan ka nanaman ni nanay ano? Hayaan mo na iyon. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila na lang. Hindi ka pa ba sanay dyan?" sabi ni Gerald habang nakain sila ng umagahan ni Lily
"Araw-araw naman halos ay ganyan silang mag-asawa. Hinahayaan ko na lang Kuya Gerald kasi alam ko na wala naman akong karapatang magreklamo o magalit sakanila. Hindi ba?" sagot ni Lily kay Gerald
"Tama ka dyan, pati nga ako ay rinding-rindi na sa araw at gabi na nag-iingay ang mga iyan. Minsan nga, nahihiya na akong sabihin sa mga kaibigan ko na sila ang mga magulang ko." sagot ni Gerald kay Lily
Bahagya namang natawa ang dalagita, hindi niya lubos akalain na may kakampi pala siya sa bahay na tinitirhan niya. Hindi naman kasi palasalita si Gerald, kaya hindi malapit ang magpinsan sa isa't isa.
Dahil dito ay nagkagana kumain si Lily. Naubos niya ang kanin at ulam na nasa plato niya at pagkatapos ay hinugasan niya agad ito.
Hindi na niya tinangka pa na magpaalam sa mag-asawa dahil alam naman niya sa sarili niya na wala itong pakialam sakanya kahit ano pa ang gawin niya.
Hinintay lang niyang matapos ang pinsan niyang si Gerald para sabayan ito sa pagpasok. Parehas naman kasi sila ng eskwelahan, pero magkaiba lang ng lebel.
"Tara na, pumasok na tayo. Huwag na tayong magpaalam, mga abala naman iyan kung saan-saan. Hindi na nila tayo kailangan. O, may baon ka na ba?" sabi ni Gerald kay Lily
"Oo, binigyan ako ni Tiyo Alberto kagabi pagkatapos ng--" hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil naalala niya ang bilin ng tiyuhin
"Pagkatapos ng alin Lily?" tanong ni Gerald
"Ah, pagkatapos niya akong kausapin kagabi. Nakita niya kasing gising pa ako kaya nagkwentuhan muna kami habng naghuhugas ako ng pinggan." pagsisinungaling ni Lily kay Gerald