Nagpatuloy ang kasiyahan pero ilang oras na ang nakalipas ngunit wala pa rin ang tatay-tatayan ni Lily. Labis na siyang nag-aalala sa matanda. "Mama, anong oras po uuwi si Papa? Alam po ba niyang birthday ko ngayon? Sayang, hindi natin siya kasama kanina. Pauwiin niyo na po siya, Mama." hiling ni Lily sa Mama niya "Anak, huwag ka mag-alala sa Papa mo ha? Maya-maya ay nandito na din iyon. Alam niyang birthday mo at kilala ko iyon, wala siyang okasyon na pinapalagpas." sagot ng Mama ni Lily sakanya Wala nang nagawa si Lily kundi umupo na lang sa sala kasama si Hasmin at Kuya Gerald. Agad naman nilang napansin na matamlay si Lily kaya tinanong nila ito kung ano ang problema. "May problema ka ba, Lily? Hindi mo ba nagustuhan kung ano ang hinanda namin para sa iyo? Gutom ka pa ba? Ano? Sabi

